Humahangos ako habang tinatahak nang mabilis ang daan. Nang makabalik ng classroom, pinulot ko ang bag ko. Naglakad na ako palabas ng school bago pa man ako abutan ng mga kaklase ko. Ayaw ko talaga sumabay sa agos kahit na sabihing katuwaan iyon. Hindi ako sanay na pinagkakatuwaan nang ganoon. Hindi ako sanay tumayo sa gitna ng maraming tao. Kung mananatili pa ako roon at titiisin ang kabang namumutawi, baka doon na rin ako himatayin. Masyadong mahina ang puso ko para sa ganoong bagay. Huminga ako nang malalim nang makalabas ng gate. May mangilan-ngilang mga sasakyan na dumadaan at nais ko sanang pumara sa isa sa mga ito. Ngunit nang mapagtanto ko na inubos ko na pala ang baon ko para bumili ng materyales kanina, pinanghinaan ako ng loob. Paano ako makakuwi nito kung wala na akong kapera

