Kung hindi ako nagkakamali, ito ang unang beses na mahalikan ako ng isang lalaki liban kay Galileo. Hindi ko mawari sa puntong ito kung bakit ganito na lang ang pagnanais ko na matapos ang araw na ito. Masyado na akong sumugal. Masyado kong sinagad ang pagkakataon habang wala ang asawa ko. I should've been faithful but I didn't stop myself. Kasal ako pero... anong nangyayari sa akin? Marahan kong itinulak si Trivo. Naka-awang pa ang labi niya nang magawa ko siyang ilayo. Mapungay ang kaniyang mga mata at naroon ang pananabik na mas makahalik pa sa akin. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit sa puntong ito, mas nanaig ang pagnanais ko na lumayo sa kaniya at umuwi na sa amin. "A-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong, gulat na gulat sa nangyayari. Wala sa usapan na halikan niya ako.

