Chapter 3: Officially Enrolled

1572 Words
Angie's POV. Nagpatuloy ang sasakyan namin pag'kabukas ng napakalaking gate. Bigla naman parang may puwersa na naman na humihigop sa akin pero nawala naman bigla ng nakapasok na kami ng tuluyan at gumaan ang aking pakiramdam, parang walang dinadalang problema. Namangha ako sa aking nakikita. Napakalaking palasyo kahit na malayo palang kami ay kitang kita na. Nagkalat ang mga mamamayan sa paligid may mga matatanda bata, at natutulala na lang ako sa kanilang ginagawa. Nakakamangha, yun ang unang pumasok sa isip ko. May nag papalutang ng kung ano ano at nagpapalabas ng kani'kanilang mahika. Parang dati nanonood lang ako ng mga magics sa t.v, ngayon ay nakakakita na ako sa totoong buhay. "Princess ito ang bayan ng mga taga Every. Evry Market ang tawag nila but mas sikat bilang E-Market. They using a magic here para mapalutang ang iba nilang mga paninda." nakangiting paliwanag ni Mom. Inilibot ko pa ang aking paningin at talaga naman marami silang iba't ibang paninda na kakaiba na ngayon ko lang nakita. Nasa Harry Potter na ata ako eh. Nakalagpas na kami sa bayan at may daan na naman na puro puno may malaki na namang gate. Gate na naman? bumukas ang malaking gate at para na naman akung hinihigop ng malakas na puwersa, napapikit na naman ako at unti unti na naman ako nakaramdam ng ginhawa. I opened my eyes, and I gasps when I saw a Palace. Inilibot ko ang aking mga mata, para akung nasa paraiso. Napakaaliwalas ng lugar na ito. Bumaba kami ng sasakyan. Nalanghap ko naman ang sariwang hangin, walang polusyon. "Lets go princess mag pa enroll kana para makauwi na tayo sa bahay natin dito." nag lakad na kami papasok sa palasyo. "Mommy dito sa Palasyo na ito ang enrollment?"I asked with amusement. Natawa naman sila sa akin. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko aa. Napa'simangot naman ako. "Angie Princess this is not a palace, this is the Evry Academy." Dad explained. Napamaang naman ako. "WHAT?" Hindi ko napagilan ang aking pag ka gulat, nag echo ang aking boses sa loob ng gusali. "Princess low down your voice." sermon agad ni Dad sa akin. Ito? Itong Palasyo na ito Academy na? Amazing! "Sorry po nagulat lang po ako." ngumiti naman si Mom sa akin. "It's ok princess, tara na pasok na tayo." nakarating na pala kami sa isang pinto na may nakasulat na Headmaster. Kumatok si Daddy ng tatlong beses at bigla na lang bumukas ng kusa ang pinto, pumasok kami sa isang napaka eleganteng opisina, inilibot ko ang aking paningin. Maaliwalas at napakarami ding libro. "Good evening Headmaster." sabay na turan ni Mom at Dad at nag bow pa. Napatingin naman ako sa may harapan na may nakaupong babae. Si Mrs. Lady Phlaw? Siya ang Headmaster dito? "Welcome back Mr. Mrs. Galle. Good evening too please sit down." Paanyaya ni Headmaster, nag si upo naman kami. "Ms. Galle."tawag sa akin ni Mrs. Phlaw. Napatuwid naman ako ng upo ko. "I already told you, I'm still Ms." naiinis at nakasimangot na turan nito. "I'm sorry po Ms.Phlaw." nagtataka ako, nakakabasa ba talaga itong si Ms. Phlaw ng isip? Kasi noong sa University kami ay nakakapagtakang nalalaman niya ang nasa isipan ko. "Call me Headmaster, and yes I can read your mind." nagulat naman ako ng bahagya, ako kaya pala. Bumaling siya sa aking mga magulang."Mrs. Galle nag ka anak pala kayo?" tanong ni H.M kaya napatingin naman ako kay Mom. Ngumiti siya kay Heasmaster at nag'nod. "So what is your power?" tanong naman sa akin ni HM. "She can heal Headmaster." Si Mom ang sumagot, nag'nod naman ulit si Headmaster at ngumiti. Binalingan ako uli nito. "Ms. Galle, sa October pa ang 1st week ng pasukan napaaga ang punta mo dito dahil mas maganda kung nandito kana para maprotektahan kana din sa mga dark side para hindi kana din nila makuha." Ms. Phlaw explain. "Mrs-- amm Headmaster, ano po ba ung dark side na sinasabi niyo? Bakit naman nila ako kukunin?" Curious kung tanong. Napabuntong hininga naman si headmaster. Masubukan nga kung talagang nakakabasa talaga si H.M ng isip. Inisip ko na mabaho ang kanyang hininga. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Napangisi ako. Oo nga nakakabasa talaga siya. Ang galing! "Tigilan mo ako Ms. Galle." bumuntong hininga uli ito."Ang dark side oh tinatawag na Murk ay kumukuha sa Mortal World na may mga kakayahan na tulad natin. Ginagawa nilang kasapi para maging dark side. Wag kang mag alala Ms. Galle maliliwanagan ka din sa history ng Evry, sa ngayon ibibigay ko muna ang room number ng magiging dorm mo, pero sa pasukan kapa pwedeng makapasok doon, pati uniform mo sa pasukan na din. Change your outfit Ms. Galle you don't have to hide yourself cause you're safe here." Mahabang litanya ni Headmaster. Ngumiti na lang ako kahit hindi niya nakikita. "Thank you Headmaster."at nag bow ang parents ko kaya naman napagaya na din ako sa kanila. "No I should be the one to say thank you, dahil enenrolled niyo ang anak niyo dito. I think she will be excellent here she will be outstanding because of her power. Thank you Mr. and Mrs. Galle you may rest." Bigla atang umapaw ang confidence ko sa sinabi ni Headmaster. Nag bow pa ulit kami at umalis sa nasa office ni Headmaster. Gabing gabi na ng makalabas kami sa Academy. Sumakay na kami sa sasakyan namin wala pang labing limanag minuto ay nandito na kami sa hindi naman kalakihan oh kaliitan na bahay. "Lets go Princess. I know your hungry and tired, lets go inside." Paanyaya ni Mom. Maaliwalas ang kabuuan, maganda at levated lang ang bahay. "Ok ka lang ba princess? Pasensiya kana kung naliliitan ka sa bahay natin." Bumaling ako kay Mom at ngumiti. "Of course not Mom, ang ganda po ng bahay niyo. Simple but cute." masaya kung pahayag. Nginitian naman ako ni Mom at itinuro ang magiging kwarto ko. Napakaganda para sa akin, may mga shelves ng books may bed kasya dalawang tao, may sarili ding banyo. "Nagustuhan mo ba ang kwarto mo princess?"ngumiti naman ako at tumango sabay yakap. "Thanks Mom, nagustuhan ko po room ko." Sabay kalas ng aking yakap. "Hon I'm hungry." bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Dad na nakasimangot. Natawa naman kami ni Mommy. "Ok sige na Princess magbihis kana at mag preprepare na ako ng makakain natin, gutom na kasi ang Hari." Natatawang turan ni Mom, nailing na lang ako dahil mukha pa din silang teenager kung umasta minsan. Lumabas na sila ng kwarto ko at nag ayos naman ako ng gamit ko at nag ayos ng sarili. Kapag nasa bahay lang ako normal lang ang suot ko walang nakabalot sa akin, walang nerdy na mukhang muslim na Angie. Sa bahay dito ko lang na papakita ang totoong ako, masayahin, hindi cold at hindi expressionless. Hindi rin ako tipid kung makapag salita. "Princess halika na sabay sabay na tayong kumain." tawag sa akin ni Mommy. "Yes Mom, coming."bumaba na ako at nakisabay na kumain sa kanila. "Princess tomorrow we're leaving." Dad said with sad tone. Napahinto naman ako sa aking pagkain at napatingin sa kanila. "But why Daddy?" Malungkot kung tanong. "We already explained it to you princess a while ago right? I know princess na hindi ka sanay na maging independent, but you need to learn how to stand on your own feet. Kapag start na ng klase marami kang makaka halubilo princess, sa dorm ka na din titira." Napatungo ako at pinigilan ang aking sarili na wag maiyak. "But Dad hindi ba pwedeng dito na lang kayo? Total naman taga dito naman kayo eh." malungkot na turan ko. "Princess." Dad hold my hand kaya napatingin ako sa kaniya, bahagya siyang lumapit sa akin. "Hindi naman habang buhay na nandito ka pag ka'graduate mo dito at na control mo na ang powers mo pwede kang makabalik sa mortal world, para sayo to princess para may maipamana kami sayo sa pagdating ng tamang panahon. Kailangan kung mag work doon princess." Dad explain directly to my eyes. Naiintindihan ko naman sila pero napakabilis kasi ng mga nangyayari. Hindi pa ako nakakapag move on na may ganitong mundo, na may ganitong lugar, na may ganitong mga tao na hindi nag e'exists dahil kapag nalaman ng iba, na mga normal na tao matatakot sila. I nod, kahit na nalukungkot ako sa paglayo ko sa kanila pipilitin kung intindihin, tama sila dapat kung sanayin ang sarili kung wala sila, dahil pag pasok ko sa Academy sarili ko lang ang karamay ko. "Princess." Mom hold my hand too. "Kapag nakapasok kana sa Academy, don't trust to anyone, sarili mo lang ang pag katiwalaan mo. Hindi mo alam ang balak ng isang nilalang oh kung anung uri man siya. Be safe always Princess." Seryosong sabi ni Mom, tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Ng matapos kami kumain at oras na ng pahinga ay hinatid pa nila ako sa aking kwarto. "Goodnight my Angie Princess." Sabay na turan ng aking mga magulang, napangiti naman ako. I kiss them on their cheeks and they kiss me on my forehead. "Goodnight Mom and Dad, I love you." "We love you too princess." Sabay muli nilang turan. Ipinikit ko na ang mga mata ko at tuluyan na akung nakatulog at pagsara na lang ng pinto ang aking narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD