Ninji's Pov: Tatlong araw ko ng binabantayan ang bawat galaw ni Prof. Len, maging si Ruiz at ang pinsan nitong si Shira Valio, hindi sila laging magkasama pero palihim silang nagkikita sa gubat. Maging si Quiny ay binabantayan ko din ng palihim, katulad ngayon nasa garden lang siya, lalapitan ko na sana siya ng dumating si Firno, kita sa mga mata ni Quiny na masaya siya. Kasama naman niya ang prinsipe niya kaya tumalikod na lang ako at nag lakad palayo sa kanila, dapat noong una palang pinigilan ko na eh, dahil sila ang nakatakda para sa isa't isa. Hindi pa nga sila nakakalabas sa sinapupunan ng kanilang mga magulang ay napag kasundo na sila. "Ninj." napalingon ako kay Ed na hinihingal. "Bakit ka hinihingal diyan?" kunot noong tanong ko. "Bilis mo maglakad, kanina pa kita tinatawag m

