Ninji's Pov: Malayo layo na din ang aking nilalakad nakakaramdam na din ako ng pagod. Saan na ba kasi ang Stage two na yun? Nayyaamot na ako sa aking sarili. Kanina pa ako nakakaramdam na parang may sumusubaybay sa bawat kilos ko parang may nakatingin sa akin. Wala pa ako sa open field kaya imposibleng kalaban agad yun, baka hayop lang. Naglakad uli ako ilang sandali lang, biglang may lumabas na isang nilalang na hindi ko matukoy, malaki siya mga nasa tatlong tao malaki ang ulo, may mga pangil, nag lalaway, nakaluwa ang mga mata na namumula, malaking tiyan mahahabang biyas at kamay na may mahahabang kuko din. Napalunok ako, eto ba ang makakalaban ko? Nakakatakot siya at the same time nakakadiri ang mga malalapot niyang laway na kulay berde, gusto kung masuka. Bigla siyang tumakbo p

