LUMIPAS ang ilang buwan at tuloy pa rin ang panliligaw ni Dash kay Dara. She was still waiting for the perfect time where she would be trusting her entire life to him. Alam niyang kapag umoo siya kay Dash ay wala na itong atrasan. Nasa kwarto ni Dara noon ang tatlong kaibigan na kasama niya maghapon mag-shopping. They were sitting on the lounge chairs of her room with white rejuvenating collagen masks on their faces. Friday night kaya’t imbis na gumimik ay nagpunta na lang sila sa bahay nila upang doon mag-dinner at tumambay. Madalang na siyang lumabas simula nang manligaw sa kanya si Dash. “Alam mo, friend, in fairness diyan sa boyfriend mong hilaw. Consistent! Kahit anong oras pa sila matapos sa gig nila o sa training niya sa office, nagpupunta pa rin dito to see you.” Jackie st

