SAKAY ng isa pang golf cart ay dumating si Fiona sa tapat ng Lodge. Nakatayo pa silang lima sa may pintuan nang lumapit siya at direktang nakipagusap kina Dara at Blaze na sumalubong sa kanya. “NANAY said we can eat breakfast right now. Inaayos lang ang lamesa. We don’t need to wait another hour if you’re hungry na. Dash, ano kakain na ba--” Dire-diretsong salita ni Fiona ngunit napahinto ito nang makita ang lalaking katabi ni Dash. “Bakit ka nandito!?” Sabay pa sina Oz at Fiona sa pagtatanong. Mataas parehas ang tono ng boses kaya’t nabigla ang lahat ng kasama. “Wait, you know each other?” Nagtatakang tanong ni Dara sa dalawa. “’Yan lang naman ‘yong kinukwento ko sa’yo na inagaw ang pinapamili ko sa Palawan! Walang modo. Nakipagunahan pa sa kasuy at pusit! Parang

