MABILIS lang dumaan ang buong linggo. Dumating ang araw na hinihintay ni Dash, ang makasama muli ng buong weekend si Dara. Their call time was 3 am at Fiona’s house kaya naman sinundo muna ni Dash kasama ang mga kaibigang sina Oz at Ezra impuntong alas dos y media ng madaling araw. “Baby, we’re here outside your house.” Alam ni Dash na gising na si Dara dahil hindi naman sila halos natulog na dalawa. Matapos ang trabaho niya noong Biyernes na iyon ay dumiretso na siya ng uwi imbis na magpunta sa bahay ng dalaga. She requested him to go home so he could rest early. Ang nangyari ay nagbabad lang silang dalawa sa phone. Para silang may long distance relationship kung mag-video call gabi-gabi kahit na wala pang isang oras ang byahe patungong bahay ng isa’t-isa. “I’m already here out

