NAGING maganda ang unang meeting ng mga magulang ni Dara at ni Dash. Nagpapasalamat siyang naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng dalawang pinakaimportantent tao ng babaeng nililigawan niya. Noong unang gabi ng panliligaw niya, siniguro na niyang nakapwesto na siya sa buhay ng dalaga sa inner at outer circle. Nasa bahay na siya at katatapos lang maligo nang marinig niya ang ring ng cellphone niya na nakapatong sa desk stand sa side table ng kama. Basa pa ang buhok at nakatapis lang ng tuwalya ay sinagot niya ang video call. Umatras siya upang abutin ang mga damit niyang pantulog na inihanda niya at ipinatong sa may dulong parte ng kama. “Na-miss mo kaagad ako?” Biro niya pagpindot niya ng accept video call button. Nakita niyang napalunok si Dara sa kabilang linya. He rea

