NANG hapong iyon ay dumating ang parents ni Dara mula sa trip nila sa France. Pagkagising niya ay dumiretso kaagad siya sa Master’s bedroom upang kumustahin sila sa latest travel nila. Nasa kwarto ng mga magulang niya si Dara at nangungubra ng mga pasalubong niya mula sa tour abroad. May isang bundok ng damit na sa may paanan niya maging apat na kahon ng sapatos. May limang pabango rin sa may hita ni Dara, tig-iisa ang mga kaibigan niya at dalawa naman sa kanya. Tuwing aalis ang mga magulang kahit business trip o leisure ay laging may pasalubong maging ang mga kaibigan niya. Being an only child has that perks lalo na kung si Zia Valencia na mahilig mag-shopping ang nanay. “Ma, Pa, I met one of your highschool barkada. Marcella Fuego but Fuego is her married name, I forgot the m

