KINABUKASAN lang ay nagsimula na si Dash na manligaw kay Dara. “Ma’am Dara, may nagpadala po ng bulaklak.” Nakangiti si Manang Flor nang lapitan si Dara sa sala habang nagbabasa siya ng magazine. Kahit ilang beses niyang sabihin sa mga kasama sa bahay lalo na sa mga matatagal na nilang kasama na sina Yaya Cita at Manag Flor na Dara lang ang itawag ay laging may ma’am pa rin ang tawag sa kanya. Nasa sala siya ng second floor ng kanilang bahay. Beige ng shade ng paikot na leather couch at cream ang kulay ng center table na may glass top. May carpet na beige and cream stripes pattern sa ilalim ng lamesa habang may gold and cream side tables na gawa sa kahoy sa magkabilang gilid ng pa-half circle na sofa set. Nasa corner area siya ng second floor kung saan ang shape ay pabilo

