NATIGILAN si Dash sa tanong ng kaibigan. Kung pagbabasehan nga naman ang mga pangyayari sa kanilang dalawa, posible ba na sa isang taon na paghahanap niya sa babaeng nakamaskara, sa isang party pa sila muling magkikita? He remembered that he felt something that time even if he didn’t acknowledge it at first. Marahil dahil attracted siya kaagad sa kasungitan ni Dara o baka naman sadyang sila pala talagang dalawa ang nakatakda. Hindi man niya nakuha ang numero nito noong gabing iyon, nagkita naman silang muli sa ibang lugar kinabukasan. Sa mga babaerong kagaya niya, hindi totoo ang destiny ngunit aminado siya na lahat ng bagay ay pwedeng magbago, lalo na ang paniniwala ng isang tao. “Ano bang destiny ang pinagsasabi mo, Ezra? Nanonood ka na naman ba ng mga K-drama? Sabi ko sa’y

