11

3311 Words
-Matthew "Ano iyong tugma kay Coleen, Matthew?" Natauhan naman ako at naputol iyong pagtitig ko kay Coleen nang bigla kong marinig iyong boses ni Kamatayan. Para rin akong binuhusan ng malamig na tubig at naestatwa dahil sa tono ng pagtatanong niya. Tangina! Narinig niya yata! Katapusan mo na, Matthew! Bakit kasi hindi ko na lang itinext?! Tae naman! Nawala kasi sa isip ko na may Kamatayan pala na puwedeng makarinig ng mga sinasabi ko! Mag-isip ka na ng palusot, Matthew! "H-Hindi mo ba narinig?" Kailangan ko maging matapang ngayon. Huwag kang magpapahalatang kinakabahan ka, Matthew. Isang maling sagot, mamamatay ka. Pigil hininga kong hinihintay iyong sagot niya. Natatakot kasi ako at baka nalaman niya. Ngayon pa na nalaman kong mahal ko si Coleen? First time ito tapos masasayang lang? Tangina. Hindi ko pa nga nararanasan iyong sarap at saya ngayong alam ko na mahal ko si Coleen. "Hindi. Ang narinig ko lang ay iyong tugma kay Coleen. Ano ba iyon, Matthew? Ano iyong tugma kay Coleen? May dapat ba akong malaman?" Nakahinga ako ng malugaw nang marinig ko iyong sagot niya. Ligtas ako. s**t. Kinabahan ako ruon, ha? Akala ko talaga katapusan ko na. "Tugma. Tugma lahat kay Coleen iyong... iyong ideal girl nuong kausap ko kanina." Nagpaalam na si Kamatayan dahil may mga importanteng bagay pa raw siya na dapat asikasuhin. Tumayo ako at pumunta sa fridge para kumuha ng pagkain. Apple iyong kinuha ko tapos tubig. Pumunta naman ako sa lamesa pagkakuha ko ng kutsilyo. Binalatan ko iyong apple nang mahiwa ko na iyon ng pira-piraso. Since I found out na mahal ko si Coleen, I might as well offer a peace offering, right? Hindi naman puwedeng nag-iiwasan kami at hindi nagpapansinan since sa iisang bubong lang kami nakatira. Coleen's virginity isn't something that can make my feelings for her waver. Nang malaman ko na nagalaw na si Coleen, I still cared for her. My feelings didn't vanish. I just didn't notice na matagal na pala akong nagmamahal. And I'm so stupid for not even knowing my own feelings. Mahilig naman ako mangbabae noon kahit noon buhay pa ang mga magulang ko pero bakit hindi ko man lang naranasan ma-in love? Mukha tuloy akong tanga. All this time, nagmamahal na pala ako, hindi ko man lang alam. Inilagay ko na sa platito iyong sliced apples tapos nilagyan ko rin ng asin sa gilid. I just like apples getting salted. Ang sarap kasi. Though I just don't know if Coleen will like it but I do hope na magustuhan niya. Well, I like it. Maybe she will also like it. Napabuntong hininga ako habang nakatayo at hawak ang platito pati baso. Hahakbang pa lang sana ako kaso napabalik ako sa pag-upo. Tangina. Hindi ko kasi alam iyong sasabihin ko. Paano iyon? Ibibigay ko lang itong peace offering ko tapos aalis na ako? Argh. This is so f****d up. And I'm so stupid for not even knowing what to do. Kalalake kong tao, ganito ako. Nakakabobo ka na talaga, Matthew. Napabuntong hininga ulit ako nang may isang bagay na sumagi sa isip ko. I can't confess my feelings for Coleen. Hindi ko puwedeng sabihin ito kahit kanino. I really should do my best to bottle my feelings for her. How would I know the feeling of being loved back by the one I love if I couldn't confess my feelings? Well, it's not that I couldn't; I shouldn't. If I want to stay breathing, I should not confess my feelings. I effin' hate my situation. Siguro karma ko na ito dahil sa dami ng pinatay ko. Kung sana dati ko pa ako may alam sa pagmamahal, nakagawa ako ng paraan kaagad at probably, naramdaman ko kung paano mahalin. Baka nga agawin ko pa si Coleen kay Jale kung dati ko pa narealise. Matapos ko ilapag ulit sa lamesa ang mga hawak ko, tumayo ako at binuksan iyong ref para uminom ng tubig. Sakto naman na pagbukas ko ng freezer, dumapo iyong paningin ko sa pint ng ice cream. Napangiti ako ng mapakla. Ice cream. Yeah, right. Ice cream. Iyan ang gusto kong gawin. Ice cream. Isinara ko na lang ulit ref pagkatapos ko uminom. Kinuha ko na iyong platito pati baso saka dumiretso sa kung nasaan si Coleen. Inilahad ko iyong platito pati baso kaya napatigil sa pagpi-paint si Coleen tapos napatingin sa akin. Nginitian ko siya ng bahagya. "Peace offering?" may pag-aalinlangang sinabi ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa mga hawak ko saka niya iyon kinuha. "Kaya mo ba ako binigyan nito kasi naniniwala ka na sa amin ni Nate?" Naniniwala? Hindi ako kaagad nakasagot. Wala naman kasi akong gustong panigan sa kanila hangga't maaari. Hindi ko ugali ito pero gusto ko na lang na ibaon na sa limot iyong alitan para wala nang gulo, para manahimik na lang ang lahat. Kaso inungkat pa ni Coleen. Sabagay. Hindi ko naman kasi siya masisisi. Siya ang dahilan kung bakit nagkabanggaan sina Jale at Nathan, eh. Umiling ako pagkaupo ko sa tabi niya at tinignan siya. Iyong pagliwanag ng mukha niya nang tanungin niya ako, biglang napalitan ng pagkadismaya. Siguro iniisip niya na kaya ako nagbigay ng peace offering kasi naniniwala na ako sa kanila. Well, katatanong niya lang kanina kaya iyon nga iyon. I don't want to disappoint her pero ano ba magagawa ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kapag naman nagsinungaling ako, sooner or later, malalaman niya rin at baka magkagulo lalo kami kapag ginawa ko iyon so it's better to just be honest. "Coleen," Kinuha ko iyong pamunas niya na nakapatong sa lap niya tapos sinimulan kong punasan iyong pisngi niya na may smudge ng paint. "Huwag na lang nating ungkatin iyon. Pabayaan mo na lang. Wala rin kasi akong gustong panigan. Kaibigan ko kayo. Kapag may pinanigan ako, iisipin ng isang panig, kinakampihan ko na iyong kabila." "Sabagay..." Itinigil ko na iyong pagpunas ng paint sa mukha niya nang hingiin niya iyong pamunas at siya na ang nagpunas sa pisngi niya. "Ikaw rin kasi iyong maiipit." Tumingin naman siya sa akin nang nakangiti. Augh. There goes that smile. Nararamdaman ko na naman iyong moths sa tiyan ko. "Tama ka. Kalimutan na lang natin iyon. Sorry rin pala sa pag-iwas ko. Alam kong ang kapal lang ng mukha ko kasi nakikitira lang ako pero hindi ko lang maiwasan na magtampo sa iyo." "So peace na tayo?" "Hmm." Humarap siya sa akin habang nakangisi at umakto na parang nag-iisip. "Hindi." Bigla niyang ipinahid ang hawak niyang paintbrush sa pisngi ko saka tumawa. "Coleen!" Panay iwas ko kasi patuloy siya sa pagpahid ng paintbrush sa mukha ko. Kaya nang mahablot ko iyong isang brush sa tabi nya, isinawsaw ko iyon sa pintura. "Hindi pala, ha?" Gamit iyong free hand ko, hinawakan ko iyong kamay niya na ginagamit niya pangdumi sa mukha ko. "Paganti ako!" Itinaas ko ang braso niya gamit iyong isang kamay ko na nakahawak sa kaniya sabay pahid ko sa pisngi niya ng paintbrush habang natawa. Ganuon lang ginawa namin ng kulang-kulang kalahating oras. Nang mapagod kami, sinimulan na naming kainin iyong apples habang pinanunuod ko siya sa pagpi-paint. She even asked kung bakit may asin; hindi naman raw inaasinan ang apples. Sabi ko lang na gusto ko na ganuon kasi nga masarap. We didn't bother cleaning ourselves habang nakain. Hinayaan lang namin iyong dungis namin hanggang sa maghapon na at napagpasyahan na niyang magluto. Thank God naman at okay na kami ni Coleen. Okay na rin iyong issue para sa kaniya. It's really a good thing na inapproach ko siya. Well, kung hindi ko naman na-acknowledge iyong feelings ko para sa kaniya, baka natagalan pa iyong pag-aapproach ko. Now I just wanna confront Jale about the issue. Jay and Nathan as well. Gusto ko marinig iyong mga side nila. It'll be unfair kung hindi ko sila kakausapin habang kami ni Coleen, ayos na. -- "Iyong totoo? Ilan ba talaga kaming gumagala't kumukuha ng kaluluwa?" inis na tanong ko kay Kamatayan habang nakatingin sa katawan ng lalake na putol iyong dalawang buong braso pati iyong dalawang hita. Nakabigti rin iyong katawan nito at hugis punching bag na dahil nga wala na iyong mga braso at hita. Grabe. Para akong nasa horror movie. Ang creepy kasi ng bahay na ito. It's fuckin' out of nowhere. Kung wala nga lang itong manong killer na palakad-lakad rito, ewan ko dahil baka kinilabutan na ako sa lugar na ito. Hey, I'm not a coward. Ang creepy lang talaga ng lugar na ito. Imbis na matuwa ako sa nakikita ko ngayon, naiinis pa ako. Oo, alam ko na estudyante nga ako ng kamatayan na iyon pero kasi pabalik-balik ako; pisikal na katawan, kaluluwa. Pisikal na katawan, kaluluwa- paulit-ulit. Anim na beses na kaya akong nakakuha ng kaluluwa. Simula umaga hanggang ngayon nga na tanghali na, heto pa rin ako, kumukuha ng kaluluwa. Tangina. Alam ko na estudyante niya ako pero dapat naman siguro na may day-off, hindi ba? Sa araw-araw ba naman na dumadaan, lagi na lang akong kumukuha ng kaluluwa. I mean, wala bang silbi iyong iba pang estudyante na katulad ko?! Oo, pinahiram niya ulit ako ng buhay. Siyempre naman gusto ko pa ring gawin iyong mga gusto ko nang walang epal. I know. Ang kapal ko. Sa ganito ako, eh. Just fuckin' deal with it. "Marami," Ano ba namang sagot iyon? Hindi pa specific. Binalewala ko na lang siya at lumutang na lang para maabot ko iyong katawan nuong lalake. Inilagay ko iyong dalawang daliri ko sa dibdib nito saka kinuha iyong kaluluwa nito. Buti na nga lang at pula iyong kaluluwa niya kasi kung hindi, baka nagwala na ako. Siyempre naman, kung blue iyong kaluluwa niya, sayang pa iyong effort ko para sa pagpunta rito. Bumalik na rin naman ako sa pisikal kong katawan nang matapos ko na iyong misyon kong iyon. Nang makabalik ako sa pisikal kong katawan, naligo at nagbihis na ako para sa pupuntahan ko. I'm going to the restaurant, my restaurant. Pupuntahan ko kasi si Jale. I'm going to interrogate him. Pipigain ko siya para makuha lahat ng sagot sa tanong ko. But of course, I'm going to talk to Jay and Nathan as well. I know Nathan and I are not in good terms nang dahil nga sa nangyari pero hindi naman iyon hadlang para sa pakikipag-usap ko sa kaniya. Nathan's a good guy. That I can assure you. Pakikinggan ko siya sa lahat ng sasabihin niya. I don't think that Nathan's the kind of guy na nagsisinungaling. I don't know. I just know it. Hindi naman na ako nakapagpaalam kay Coleen ng personal since pumasok nga ito. Umabsent lang ako ngayon. Since wala siya rito sa bahay, I just composed a text messaged at sinabing lalabas muna ako at baka gabihin ako. She even asked kung ano ang gagawin ko at bakit ako gagabihin. I just couldn't help but smile while composing yet again another text message for a reply. I know na ang babaw pero... ewan? Ngayon lang kasi ako itinext ng ganito ni Coleen. I don't know what this feeling is called but I think it's kilig - that feeling that girls usually feel. I always get messages like this from my exes but this one's different because it's from Coleen. Am I a fuckin gay para makaramdam nito? Oh, hell, I don't think so. Would I love Coleen this much if I'm gay? Hell no. I'm effin' straight. Ilang babae na ba naikama at naging girlfriend ko? That alone can prove that I'm not gay. Going back to the subject; Coleen's simple gesture made me feel like jumping and shouting like hell because of joy. I feel like I'm his boyfriend because she asked that question. Hindi naman siya magba-bother magtanong kung hindi ako special sa kaniya, hindi ba? I know I'm assuming too much but what the hell. Whatever. I'm just feeling this kilig because of Coleen's question. Dinismiss ko na iyong kilig na nararamdaman ko at lumabas na sa salas saka pumunta sa garahe habang kagat iyong lower lip ko. I'm trying to stop my lips from curving but I can't help it. I'm just happy because I'm in love. So this is what it feels like when you're in love. Yeah. I kinda like- no. I love it. And I'm going to explore this thing even more kung ganito naman palagi iyong mararamdaman ko. Baka nga mas higit pa iyong saya kapag mas marami pa akong nalaman sa bagay na ito. -- "Good afternoon, Sir." Iyan ang paulit-ulit na pagbati sa akin ng mga crews and staffs sa restaurant habang naglalakad ako. Nandito na rin lang ako, might as well check this restaurant of mine. Baka kasi iyong hina-hire ni Jale rito, mga batugan. Nilibot ko ang paningin ko sa mga costumer na kumakain. Satisfaction, iyon ang nakikita kong nakukuha nila sa restaurant ko. Pati iyong mga station, tinignan ko rin. Maayos naman. Malinis. Ewan ko na lang kung maireklamo pa itong restaurant ko. "Where's Jale?" tanong ko sa chef nang pumasok ako sa station nila. Hmm. Ang bango ng mga iniluluto rito, ha? Maaya nga si Coleen dito sometime. That'd be awesome kasi para kaming nagdedate kapag nangyari iyon. "Sir, good afternoon. Nanduon po sa office niya." Tumango na lang ako dumiretso na sa office ni Jale. Since locked from the inside iyong office niya, kinuha ko pa iyong susi sa bulsa ko saka ko iyon binuksan. Nakita ko siyang nagsusulat ng kung ano sa papel. Tutok na tutok sa ginagawa niya. Hindi pa rin nagbabago ang loob nito. Kung paano ko ito ipinagawa noon, ganuon pa rin. Siguro nabawasan lang ng isang bookshelf sa kaliwang parte ng opisina. Hindi rin pumapasok ang ilaw mula sa labas dahil sa kurtina na nakaharang sa bintana. "Hey," Napaangat naman siya ng tingin at nginitian ako. "Upo-" Hindi pa man rin niya natatapos iyong sasabihin niya, umupo na ako. I don't need instructions from him. This restaurant is mine. I can do whatever I want. "Bakit nabisita ka rito?" Inilapag niya iyong ballpen na hawak niya niya sa gilid tapos itinabi sa dulo ng lamesa iyong papel na sinusulatan niya kanina. "Sinong nagsasabi sa inyo ng totoo?" diretsong tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. Ayoko na magpaligoy-ligoy pa. I'm here to ask him about the issue at hindi para tumambay or mag inspeksyon. Kating-kati na rin kasi ako umuwi at duon na lang hintayin si Coleen. Ewan ko ba. Dati pa ma rin, gusto ko lagi ko siyang nakikita. Bumuntong hininga siya tapos gamit iyong dalawang kamay niya, hinilot niya iyong magkabilang sintido niya. Why is he acting frustrated? "Matt naman. Nasa gitna ako ng trabaho tapos tatanungin mo ako ng mga ganiyan?" Kinuha niya ulit iyong ballpen at papel na sinusulatan niya saka tumutok ruon. "I thought I already answered-" Kinuha ko iyong pen at papel mula sa kaniya. "Dude!" "Huwag kang bastos, Jale," Sinamaan ko siya ng tingin saka ko inilapag ulit ang ballpen at papel niya sa lamesa. "Kinakausap kita." "Matt, sinasabi ko sa iyo; ako iyong nagsasabi ng totoo. Bakit? Nagdadalawang isip ka ba? Matt, ako iyong kaibigan mo. We're bestfriends. Bakit naman ako magsisinungaling sa iyo? Anong mapapala ko?" "Jale-" "Matt, sabihin mo lang kung nagdududa ka sa akin. Ako, malaki utang na loob ko sa iyo, so bakit kita lolokohin? Kasi kung plano talaga kitang lokohin, sana dati ko pa ginawa sana dati pa kita nilaglag sa mga pulis." Iniubob ko ang mukha ko sa mesa pagkapatong ko ng mga braso ko ruon. My mind is puzzled with question- questions that I don't know where to start looking for the right answers. I don't know if I'm going to believe Jale. There's doubt, true. Pero kasi... tangina naman. I know sinabi ko na huwag na lang ungkatin at pabayaan na lang pero kasi... hindi ako matahimik. I want to know the truth behind this issue. "Sorry. Naguguluhan lang talaga ako." -- Papunta na ako ngayon sa bahay ni Nathan. Nakausap ko na si Jay. What would you expect? Siyempre kakampi iyon kay Jale. At shet lang. Sakto pa na pagpunta ko ruon, may kinakabayong babae si Jay Pinatapos ko nga muna sila bago ko siya nakausap, eh. Tapos iyong babae pa, tangina! Nakakairita! Kung makatingin sa akin, ang lagkit! Namura ko pa nga kanina iyong babae. Habang kausap ko si Jay, bumaba ito tapos umupo sa tabi ni Jay. Nakatapis lang sila ng tuwalya. Iyong babae naman, panay kagat labi habang nakatingin sa akin. Buti na lang kamo, hindi syota ni Jay iyon. Talagang napulot niya lang para may makabayo siya. Nasabihan ko kasi talaga iyong babae ng Putang ina mo, huwag mo akong landiin, ha?!. Kaya, ayun. Tameme siya. Tinanong ko muna iyong guard ng subdivision kung lumabas ba si Nathan, tutal kilala naman ng mga ito ang hinahanap ko. Sabi nito, hindi pa raw nauwi at nasa school pa siguro. Napafacepalm naman ako nang maalala ko iyon. May pasok pala at umabsent lang ako. At bakit ba naman kasi hindi ko naisipan na itext, imessage o tawagan bago pumunta rito? Nakakabobo. Kaya, heto, nandito na ako ngayon sa school. Wala na akong pakielam kung makita ako ng mga kablock ko. Magsumbong sila kung gusto nila magsumbong duon sa mga prof namin. Tinawagan ko si Nathan at tinanong kung nasaan siya. Sabi niya, saglit lang raw kasi nasa klase pa nga at nag-excuse lang siya para masagot iyong tawag. Hinintay ko naman siya sa cafeteria gaya ng napag-usapan. Ilang saglit lang rin naman nang dumating na siya. "Ano na namang pag-uusapan natin at tinawagan mo pa talaga ako habang nasa klase?" Umupo siya sa harap ko tapos inilapag iyong bag niya sa lamesa. "Nathan, gusto ko lang magsabi ka ng totoo." "Oh, ano?" "Ano ba talagang nangyari? Bakit ka sinapak ni Jale?" seryosong tanong ko rito habang nakatitig sa mga mata nito. "Jale's still claiming that he's still Coleen's boyfriend." Oh? Bakit? Sila pa naman, hindi ba? "Sila pa, hindi ba?" "Hindi mo ba alam?" Tinignan ko siya ng may pagtataka saka marahang umiling. Ano iyong hindi ko alam? "Ikaw iyong kasama ni Coleen sa bahay, ha? Wala man lang ba siyang naikukwento sa iyo?" "Wala. Bakit? Ano ba iyong dapat niyang ikuwento? Ano bang hindi ko pa alam?" "Siguro si Coleen na lang tanungin mo. Ayoko kasi na sa akin manggaling iyong mga info. Pero ito lang ang masasabi ko..." Nagkamot siya ng batok saka bumuntong hininga. "Ayon kay Coleen, wala na sila ni Jale. Simula pa noong magtago ka at magpanggap na patay. Iyon lang ang puwede ko ibulgar sa iyo." That long?! Simula pa noong naging estudyante ako ni Kamatayan, wala na sila?! Bakit? "Paano... Paanong wala na-" Napatigil naman ako sa pagtatanong nang biglang nagring ang cellphone niya kaya kinuha niya ito sa bulsa niya. Itinapat niya iyon sa tenga niya tapos nanglaki bigla ang mga mata niya. "s**t!" Dali-dali niyang itinago iyong cellphone niya saka tumayo at isinukbit iyong bag sa balikat niya. "Matthew, mauna na ako." "Tek-" Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko kasi tumakbo na siya. Ano ba iyan? Tumayo na rin ako at bumalik na lang sa bahay. Sakto naman na nakita ko si Coleen pagkalapag ko ng bag ko sa lamesa. Nasa kusina siya at nakatapat sa stove. Nagluluto na pala siya. So kay Coleen ko talaga dapat malaman? On the first place, ano ba ang dapat kong malaman? "Coleen," Humarap siya sa akin habang nakangiti. "Matthew, nandito ka na pala." Inilapag niya iyong sandok sa plato na nasa tabi ng pinaglulutuan niya saka lumapit sa akin. "Akala ko ba gagabihin ka? Hapon pa lang, ha?" "Coleen, may itatanong ako." After this conversation, I just hope na malaman ko na iyong mga dapat kong malaman. Gulong gulo na kasi talaga ako. Pakiramdam ko, ang bobo ko kasi ako lang iyong walang alam sa mga nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD