10

2247 Words
-Matthew Iniwan ko muna iyong pisikal na katawan ko habang nagda-drive pauwi sa Manila. May pasok na naman kasi kaya kinailangan na naman umuwi. Simula kanina, wala talagang naimik nang makapaghanda na kami sa pag-uwi. Talagang hindi nagkikibuan. Well, ako pala ang hindi nila kinikibo. Ewan ko ba. Parang lumalabas tuloy na ako pa ang may kasalanan kung bakit sila nagkagalit-galit. Para rin nabaliktad ang sitwasyon; ako ang unang hindi namansin sila nang makarating kami sa pinagswimmingan namin tapos ngayon, para nila akong ginagantihan dahil hindi nila ako pinapansin. Si Coleen at Nathan, nasa likod, nag-uusap naman sila. Pinagigitnaan ni Coleen at Jay si Nathan. Habang si Jale naman, heto, nasa tabi ko habang natutulog. Hindi kasi puwedeng pagtabihin sila Jale at Nathan dahil baka magpang-abot ang mga ito. Dalawang kaluluwa ang kukuhanin ko ngayon sabi ng kamatayan. Grabe. Matrabaho pala itong ganito. Hindi lang naman ako ang nagtatrabaho sabi ni Kamatayan. Marami kami. Natural naman na sa rami ng tao sa mundo, imposible namang ako lang iyong mag-isang nakuha ng kaluluwa. Nandito na ako sa unang pagkukuhanan ko ng kaluluwa. Wala masyadong sasakyan ang nadaan kung saan ako dinala ni Kamatayan. Hapon na rin kaya hindi na ganuon kalakas ang sinag ng araw. Isang babae na lasog-lasog ang katawan ang dinantnan ko. Naliligo na rin ito sa sarili nitong dugo. Biktima siguro ng hit and run. Nasa kalsada kasi nakahandusay iyong katawan niya nang makit ko. Napangiti naman ako nang pagmasdan ko ang kabuuang itsura nitong babae. Nakakatawa. Lasog-lasog iyong katawan habang ang mga mata nito'y nakamulat habang nakatingin pataas sa langit. Nag-indian sit ako saka ko itinapat iyong daliri ko sa dibdib ng babae. Unti-unti kong iniangat ang daliri ko at kasabay nuon ay ang mainit na pakiramdam na pumalibot sa mga daliri ko, indicating na umaangat na ang kaluluwang kukuhanin ko. "Sa akin iyan." Napatingin naman ako sa babae na biglang nagsalita sa gilid ko. "Anghel ka?" Tumango naman siya habang nakangiti. "Alam mo naman sigurong estudyante ako ng isang kamatayan, hindi ba?" Again, tumango siya habang nakangiti. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Magkalaban mga uri natin, ha?" Ewan ko, ha? Iyon ang alam ko. Anghel siya, ako, demonyo yata? Technically speaking, Kamatayan na ako, hindi ba? Ang weird lang kasi. Bakit niya ako nginingitian kung alam niyang estudyante ako ng Kamatayan? Tumawa siya kaya hindi ko maiwasang magtaka. Ang angelic rin ng tawa niya, parang si Coleen. Bigla namang pumasok ang babaeng iyon sa isip ko- tumatawang Coleen. Kung tutuusin, taob itong anghel na ito sa babaeng iyon kung pagandahan lang ng pagtawa ang pag-uusapan. Sobrang hinhin kasi talaga tumawa ni Coleen. "Hindi naman porque anghel ako at kamatayan ka, magkaaway na. Walang away na mangyayari o nangyari." Lumapit siya sa akin tapos ibinaba iyong kamay ko sa dibdib ng babae. Sobrang warm ng kamay nito kaya ang sarap sa pakiramdam nang pagkakahawak niya sa akin. "Sige na, kukuhanin ko na siya." Nagkibit-balikat na lang ako at nagpalamon na sa usok para sa susunod na pagkukuhanan ko ng kaluluwa. Ang galing. Nakakita ako ng anghel. Ganuon pala itsura nila. Pero bakit parang wala naman akong nakitang pakpak sa kaniya? Iyong gintong bilog na nalutang sa ulo, oo, mayroon ito. Pero iyong pakpak? Wala. Iyon talaga ang hinahanap ko, eh. Pero ang ipinagtataka ko talaga ay wala bang filtering system ang mga kamatayan? Basta lang nila pinapupunta ang mga estudyante nila sa mga patay para tignan kung anong kaluluwa ang kukuhanin namin? Ang hassle kaya. Hindi ba nila naa-identify kung pula o asul ang kaluluwa ng isang tao? Sana naman magkaroon na sila ng ganuon para hindi na hassle at sa tamang tao na kami pupunta sa susunod. -- Nandito ako ngayon sa pinapasukan kong eskwelahan. Kahit naman kasi kamatayan na ako, dapat ko pa rin itong gawin. Nakakatamad nga, sa totoo lang. Kailangan ko pa rin kasi magblend in. Kailangan ko itong gawin para magmukha akong normal na tao. Kung tutuusin, may choice naman ako. Puwede akong huminto sa pag-aaral at tumambay na lang sa bahay o magtrabaho sa resto ko. Syempre, nakakatamad naman sa bahay kaya mas ginusto ko na lang na pumasok. Kaso sa bahay, parang ako lang mag-isa. Si Coleen kasi todo iwas sa akin. Kapag kakain kami, naghahain lang siya ng pagkain tapos babalik na ulit siya sa pagpapakabusy niya. Mostly pa nga nasa kwarto lang siya. Ayoko nga nitong nararamdaman ko, eh. Ang bigat-bigat sa pakiramdam kapag nakikita ko na siyang linalayuan ako, kapag tinatalikuran na ako. I know na she doesn't have any rights na mag-inarte nang ganuon dahil nasa puder ko siya pero... ewan ko. Feeling ko, tama lang na iwasan niya ako; tama lang na layuan niya ako. Tingin ko, kasalanan ko talaga kung bakit humantong sa ganito ang mga nangyayari. Ano bang mayroon? Ako lang ba iyong walang alam? Gusto ko na kasi na magkaayos kami ni Coleen. That's what matters most. "Oh? Anong mukhang iyan?" Napatigil ako sa paglalaro ng pagkain ko nang may magsalita at umupo sa harap ko. Si Larry pala. Blockmate ko. Hindi kami close pero magkaibigan naman kami. Nandito ako ngayon sa cafeteria since vacant na namin. Ang ingay nga, eh. Peste lang. Hindi ako makapag-isip ng maayos. "Wala." walang ganang sagot ko sa kaniya. "Problema sa pag-ibig na nga ba itong nakikita ko?" Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Nakangisi lang siya habang inaayos ang pagkain niya. Problema sa pag-ibig? Siraulo ba ito? Kailan pa ako nagkaroon ng interes sa pag-ibig na iyon? "Gago. Anong pinagsasabi mo? Hindi pa sira ulo ko para mamroblema sa katarantaduhang iyon." Napailing na lang ako at itinuloy na ang pagkain ko. Ang ayoko talaga ay iyong makakarinig ako ng katangahan o kagaguhan kapag kumakain ako. Parang pati iyong kinakain ko, nawawalan ng lasa. "Nagago pa ako." matawa-tawang banat niya. "Alam mo, ganiyan rin ako dati." Again, napatingin ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ganito... dati? Parehas kami ng problema? "Parehas tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya sabay inom sa bote ng softdrinks na hawak niya. "Alam mo, Matt, in love ka. Halata masyado. Namomroblema ka sa pag-ibig." Ano? In love? Ako? Gago nga ito. Buong akala ko pa man rin, parehas kami ng problema; na problema sa mga kaibigan. Iyon pala, iba tinutukoy niyang problema. Nilukot ko naman iyong tissue na hawak ko tapos ibinato ko ito sa mukha niya. "Siraulo. Hindi ako in love." Napabuntong hininga na lang ako at napatungo nang biglang may pumasok na isang bagay sa isip ko. "Ni hindi ko nga alam iyong feeling na iyon." halos pabulong na pag-amin ko. Totoo naman. Hindi ko talaga alam kung anong pakiramdam nuon. It's a fact na marami na akong naging girlfriend at naikama pero iyon bang minahal ko? Wala. Well, I don't think na mayroon sa mga naging girlfriend ko. Kasi kung may minahal ako sa kanila, hindi ko ito papatayin para makasama pa ito, hindi ba? But then again, I don't really know what love is and how it fees like to be in love. "Weh?!" Napaangat ulit ang tingin ko at tinignan siya habang salubong ang mga kilay ko. "Ikaw? Habulin ka ng babae tapos hindi mo man lang alam iyong pakiramdam ng in love?!" Naibato ko bigla sa kaniya iyong hawak kong plastic fork dahil sa isinigaw niya. Tangina. Nakuha kaya niya lahat ng atensyon ng tao sa cafeteria. Bwisit na iyan. Sa akin pa sila lahat nakatingin. "Tumahimik ka nga." singhal ko sa kaniya. "Ano naman? Masama ba iyon? Wala akong panahon sa mga ganiyang bagay." Itinuloy ko na lang iyong pagkain ko at hindi na lang siya inintindi tutal wala namang katuturan iyong mga pinagsasasabi niya. Ano naman kung hindi pa ako nakakaramdam ng love na iyon? Ikamamatay ko ba? Mas ikamamatay ko pa kamo kapag na-in love ako. Pero nakakacurious din pala. Ano nga ba iyong pakiramdam na iyon at parang baliw na baliw sila ruon, na halos ibuwis na nila iyong happiness na mayroon sila para lang makuha iyong love na iyon mula sa isang tao? Ganuon ba talaga kasaya iyon? Ganuon ba talaga kasarap sa pakiramdam iyon? -- At dahil nga nacurious ako, heto, nakatapat ako sa laptop ko at nakalagay iyong browser sa google. I typed what is love? matapos ang makabagbag damdaming pagtitig ko rito ng ilang minuto. Iniiisip ko kasi kung anong mapapala ko rito pero kasi sobrang nacurious talaga ako. Bumungad sa akin ang grupo ng babae na Twice ang pangalan tapos iyong kanta nilang What is love? Kunot noong pinalitan ko ang sinearch ko ng what is the meaning of love. Seriously kasi hindi ko alam kung ano ang love. May idea ako na obsessed sila sa isang tao ganito ganiyan pero iyong meaning talaga, hindi. Kaya iyan muna ang isesearch ko. Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya hanggang sa pagbuwis ng buhay. Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. "Ano ba ito? Kingina, ang lalim naman. Nakakabobo. Pati ba naman dito sa net, nakakabobo ang love?" bulong ko sa sarili ko habang nagbabasa sa laptop. Ang dami kasing lumabas. Naisipan ko na sa Wikipedia isearch since accurate iyong mga result pero changgala- ang lalim nito! Sabi ni Google, ang source raw ng sagot na iyan ay wikipedia. Hindi bale, nagets ko naman kahit papaano. Nakakadugo lang ng utak dahil sa sobrang lalim. How to know if you're in love? "Ano ito?" bulong ko na naman sa sarili matapos ko ipress ang enter sa keyboard. If s*x is part of your relationship it is by mutual desire and agreement without the slightest hint of commitment testing or persuasion. Gago pala nagsulat nitong mga ito, eh. Ayan kasi bumulaga sa akin. Ni hindi pa nga kami nagsesex ni Coleen- Hoy, teka lang, Matthew! Sandali! Bakit si Coleen kaagad naisip mo?! Ang dami-daming resulta, puro iba-iba pa iyong opinyon. Bwisit. Tangina. Paano ko malalaman kung in love nga ba ako? On the first place, bakit ko nga ba ako pinag-aaksayahan ng oras ang pagse-search ng mga kagaguhang ito? As if naman na may nagugustuhan ako. Wala ngang malapit na babae sa akin except kay Coleen. Lahat ng naging girlfriend ko, pinatay ko na. Si Coleen na lang talaga ang hindi pa since hindi pa nagiging kami. Kaya lang bawal na pala ako pumatay kaya hindi ko na mapapatay si Coleen. May ilang nabasa ako na medyo tumutugma sa nararamdaman ko except for one thing. Selos? Nagseselos nga ba ako? Kung oo, kanino naman? Teka, iyong definition kasi niya, ang sabi, fear, insecurity at takot na mawala sa iyo iyong isang bagay na sobrang mahalaga sa iyo. Combinations of emotions such as anger, resentment, inadequacy, helplessness and disgust. In it's original meaning, jealousy is in distinct of envy. Teka, paano ko iaapply iyang mga iyan kung wala naman akong subject o specimen? Pero iyang mga iyan... kay Coleen ko nararamdaman. Iyong inggit kapag hinahawakan siya ni Jale- kapag malapit si Jale sa kaniya. Galit kapag may ibang humahawak sa kaniya, lalo na iyong time na may humalik sa kaniya- iyong demonyong lalake na iyon. Insecurity? Parang nakaramdam ako niyan minsan. Napaisip kasi ako one time kung bakit si Jale pa, hindi hamak naman na mas gwapo ako ruon at mas mapera. Pero kahit na mas angat iyong mga katangian ko kay Jale, ito pa rin iyong nagustuhan niya. Sumasakit lang ulo ko sa mga ito. Isinara ko na lang iyong laptop saka ko hinablot iyong cellphone ko sa gilid. "Hello, Lars?" "O?" bungad nito nang masagot na iyong tawag ko. "Paano mo ba..." Napatingin ako sa hagdan nang makarinig ako ng yabag ng paa. Nagkatinginan kami ni Coleen pero nauna siyang nag-iwas ng tingin. "Malalaman kung in love ka sa isang tao?" mahinang pagkakatanong ko. Narinig ko naman iyong pagtawa niya ng malakas sa kabilang linya. Tangina. Nagtatanong, tatawanan ako?! "Umayos ka, bwisit ka!" Habang sinasabi sa akin ni Larry iyong mga bagay na tungkol sa signs ng pagiging in love, hindi ko maialis ang tingin ko kay Coleen na papunta sa garden habang may hawak na paint set. Importante iyong tao sa iyo; napapangiti ka niya kahit na sobrang liit bagay lang iyong binibigay niya; gusto mo, lagi mo siyang nasa tabi; nagagalit ka kapag may humahawak sa kaniyang iba; simpleng ngiti pa lang niya, buo na araw mo; lapitan ka lang o ngitian ka lang niya, malakas na iyong pagkabog ng dibdib mo. He keeps on talking at talaga namang pumapasok sa isip ko iyong mga sinasabi niya. Bakit... Bakit tugma lahat ng nararamdaman ko sa mga sinasabi niya? At lahat ng nararamdaman kong iyon ay kay Coleen. Am I... "Lars..?" "O?" "Tug-Tugma lahat." "Good news iyan, Pre!" "Kay Coleen..." "Ha? Sino?" Shit! Why did I blurt that out?! "Kay Coreen! Coreen! Tama! Coreen. Tugma lahat!" "Tae. Pakilala mo ako sa Coreen na iyan, ha?" Nagpaalam na ako sa kaniya at ibinaba iyong laptop at cellphone sa tabi ko. Am I really in love with Coleen? Kasi lahat ng sinabi ni Larry pati ng mga nakasulat sa mga website na nakita ko, tugma sa lahat ng nararamdaman ko. I don't know. But I think I am. I do love Coleen. Ibig bang sabihin dati ko pa siya gusto? At ang mangmang ko lang kasi hindi ko man lang nalaman na mahal ko pala siya? Tangina, ikamamatay ko ito. Kailangan hindi malaman ni Kamatayan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD