-Matthew
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung kanino ba dapat maniwala.
Sabi ni Jale, siya raw ang argabyado, ang nagsasabi ng totoo. Pinopormahan daw ni Nathan si Coleen. Inaagaw raw sa kaniya ang girlfriend niya. Sabi rin ni Jay, hindi naman daw nagsisinungaling si Jale at talagang pinanigan niya ito dahil ito ang kaibigan niya. Kinwestyon niya pa nga ako kung nakapagsinungaling na ito sa akin pero wala akong matandaan dahil puro kabutihan lang ang ipinapakita nito sa akin.
My thoughts exactly. Lahat kasi ng dapat ko malaman, ipinaaalam sa akin ni Jale. Puwede niya rin ako takbuhan dala ang mga pera ko pero hindi niya ginawa.
Sila Coleen naman... ewan ko. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako maniwala. Kilala ko siya at gustong gusto ko maniwala sa lahat ng mga sinasabi niya. Isa rin kasi siya sa mga taong hindi kayang magsinungaling sa akin. Siguro nagtago na siya ng mga bagay-bagay sa akin pero mga bagay na walang kinalaman naman sa akin ang mga iyon.
"Wala ka man lang bang maitutulong so problema ko?" tanong ko sa hangin saka ininom ang hawak kong bote ng alak.
Nandito ako ngayon sa pampang. Medyo malayo ang pinwestuhan ko dahil hindi ko pa sila kayang harapin. May ilang tumatabi nga sa akin pero pinaaalis ko. Wala akong panahon sa kanila ngayon. Isa pa, hindi ko naman sila mapapatay so ano pang sense ng pagtabi nila sa akin.
Hindi rin hangin ang tinatanong ko kung hindi si Kamatayan. Alam naman siguro niya na siya kinakausap ko kapag nagsasalita ako mag-isa.
"Wala." Napatigil naman ako sa paglagok ng beer nang marinig ko ang sagot niya. "Problema mo iyan, ikaw ang lumutas."
Napangisi ako at napailing. Ayos rin itong kamatayan na ito, eh. Estudyante niya ako pero hindi man lang niya ako matulung-tulungan.
Nakakatatlong bote na pala ako. Hindi naman ako lasing. Matino pa naman ako. Tipsy. Tipsy lang.
"Alam mo naman siguro kung... sino ang dapat kong paniwalaan sa kanila, hindi ba? Puwede mo bang sabihin sa akin? Kahit iyon lang sabihin mo, ayos lang."
"Hindi."
"Langya naman, oh." nakasimangot na tugon ko saka ko ibinato iyong bote sa dagat.
Tumayo ako dahil wala na rin naman akong gagawin dito. At saka, naiihi rin ako. Hindi ko na kayang pigilan. Baka sumabog na pantog ko kapag pinigil ko ito. Ang layo pa man rin ng cottage mula dito sa pinagpuwestuhan ko para uminom kaya hindi talaga option na bumalik pa ako ruon para lang umihi. Bahala na sa tabi-tabi.
Naglakad ako papunta sa medyo liblib na lugar. Halos puro puno na ang pinasukan ko. Wala na rin masyadong ilaw at tanging ilaw na lang ng buwan ang nagbibigay liwanag rito. Tumigil na ako sa paglalakad matapos ko ilibot ang paningin ko para siguraduhin na walang ibang tao na makakakita sa gagawin ko bago ko ginawa ang dapat gawin.
At dahil nga dinadama ko iyong ginagawa kong pagbabawas, napapikit ako. Nang imulat ko iyong mga mata ko, nakakita ko ng dot ng ilaw na parang nalipad? Nalutang? Tapos kasunod nuon ay iyong parang... babae yata? Hinahabol yata iyong ilaw na iyon.
Lasing ba ako? Parang hindi naman. Alam ko sa sarili ko na tipsy lang ako pero bakit parang naghahallucinate na ako?
Tinapos ko na ang idinayo ko rito saka sinundan iyong daan kung saan nagpunta iyong ilaw at iyong babae.
Sino kaya iyon? At saka, bakit naligaw siya sa parte na ito? Masyado nang liblib rito, ha? Pero teka? On the first place, bakit ko ba iyon sinusundan? Yaan na nga. Nandito na rin lang ako, nasimulan ko na iyong pagsunod-sunod, might as well na sundan ko na. Naisip ko rin kasi na baka multo iyon. Makakita man lang ng multo, hindi ba? Never pa kasi ako nakakakita ng ganuon.
Nagtago ako sa isang shrub nang makita kong tumigil iyong babae sa tapat ng isang puno. Naging dalawa na rin iyong dot ng ilaw na nalipad. Tinatalon-talon na ito nuong babae. Napatigil ako ng bahagya nang may napansin ako. Kaparehas kasi ito ng damit ni Coleen. Lumapit pa ako ng kaonti at sinikap na huwag gumawa ng ingay hangga't hindi ko pa nasisigurado kung tama ang hinala ko. Then again, napahinto ako dahil tama ako; si Coleen nga.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko tapos tinignan ko ng maigi si Coleen. Napagpasiyahan ko nang lumabas sa pinagtataguan ko at nilapitan siya.
Napatigil siya sa pagtalon para maabot iyong ilaw - na firefly pala – tapos napatingin sa akin. "Matthew?"
"Anong ginagawa mo rito?"
Kahit madilim, napansin ko na lumukot naman iyong mukha niya tapos napansin ko iyong paggalaw ng ilong niya. Inilapit niya ng bahagya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko nang amuyin iya ako.
"Uminom ka ba?"
"Kaonti lang." Yeah. Kaonti lang iyong tatlong bote, ano, Matthew? "Ano nga ang ginagawa mo rito? Delikado sa ganitong lugar, ha?"
"Ah," Itinaas naman niya iyong kamay niya tapos itinuro iyong dalawang firefly na nalipad sa ibabaw namin. "Nakita ko kasi iyong isa kanina habang naglalakad ako. First time ko kasi makakita nuon kaya sinundan ko." tugon niya habang nakangiti.
Tungo na lang ang naisagot ko dahil hindi ko na alam ang isasagot ko at inantok bigla ako. Umupo ako at sumandal sa puno saka siya pinagmasdan.
Ayos, ha? Ano ba itong napasok sa utak ko? Kasi habang pinagmamasdan ko siya sa pagtalon-talon niya para abutin iyong mga firefly, gusto kong maniwala sa lahat ng sinasabi niya, na sa kaniya ako maniwala at hindi kay Jale. Napakainosente niyang tignan.
Bakit ka ba ganito, Coleen? Lagi mo na lang ginugulo ang utak ko.
"Coleen..." mahinang pagkuha ko sa atensyon nito kaya napatigil ito sa pagtalon. Pinipigilan ko talaga ang pagsara ng mga mata ko pero kada imumulat ko, bumabagsak rin kaagad.
"Matthew, huwag ka riyan matulog."
Naramdaman ko ang paglapit niya kaya napangiti ako. Tinapik ko iyong tabi ko saka siya nginitian. "Dito ka. Maupo ka."
"Ha?" Kahit nagtataka, ginawa niya pa rin. Habang nakapikit, iniyakap ko ang braso ko sa braso niya for support tapos ipinatong ko iyong ulo ko sa balikat niya. "M-Matthew, huwag ka matulog. Tara, duon na lang sa cottage."
Hindi ko na talaga kaya. Kahit ano pang tapik sa pisngi ko ang ginagawa niya, hindi talaga magising iyong katawang lupa ko. Ang huli ko na lang na naramdaman ay ang unti-unti kong pagbagsak at pagsubsob ko sa mga hita niya.
--
Nang magising ako, ang unang nakita ko ay iyong mukha ni Coleen. Iyong buhok niya, naging parang kurtina na pangharang sa mukha namin. Nakabend siya ng onti habang tulog.
Nasaan kami at bakit ganito ang ayos namin?!
Nakaunan kasi ako sa mga hita niya habang nakahiga nang magising ako.
Nagscoot ako pagilid tapos umupo bago ko inilibot ang tingin ko sa paligid. Umaga na pala. Napatingin ako kay Coleen na nakabend pa rin ang ulo. Tae. Baka magkastiff neck ito. Iniayos ko siya ng puwesto saka siya tinabihan. Ipinatong ko naman iyong ulo niya sa balikat ko para hindi siya mangawit sa puwesto niya.
Takte. Bakit kasi dito ako nakatulog. Nadamay pa tuloy itong babaeng ito. Baka pinagpiyestahan na kami ng mga lamok. Pero parang wala naman.
"Coleen," Tinapik-tapik ko iyong balikat niya gamit iyong kamay ko na ipinang-akbay ko sa kaniya.
Ilang beses ko iyon ginawa pero hindi ko pa rin siya magising-gising. Napabuntong hininga na lang ako at isinandal muna siya sa puno. Deep sleeper kasi si Coleen. Ganito rin kasi siya sa bahay, mahirap gisingin. Iyon bang kahit ano ang gawin kong tawag, hindi pa rin magising. Pero may mga oras naman na ilang tawag at kalabit ko lang, nagigising kaagad siya. Ang weird nitong babaeng ito.
Binuhat ko siya na parang bagong kasal at nagsimula nang maglakad. Baka rin kasi hinahanap na kami ng mga kasama namin. Baka akala, iniwan na namin sila.
Ang galing lang. Kasama ko ngayon iyong babaeng hindi ko alam kung paniniwalaan ko tungkol sa bagay na isinumbong niya, iyong kay Jale.
Napatingin naman ako sa kaniya, sa mukha niya to be exact nang bigla siyang umungol. Augh. Heto na naman iyong labi niya na pinagpipiyestahan ko palagi sa isip ko.
One deep kiss wouldn't hurt, right? It's not like ikamamatay namin iyon. Tama. Magnanakaw na lang ako since tulog naman siya.
Huminto ako at inilapit ko iyong mukha ko sa mukha niya.
"Anong ginagawa mo?" narinig kong bulong ng boses ni Kamatayan sa tenga ko pero isinawalang bahala ko ito at dahan-dahan ko pa rin ibinababa ang ulo ko para magawa ang balak ko. Malapit na. "Matthew, bawal iyang ginagawa mo."
Napatigil ako at inis na tumingin sa kawalan. "Alam mo, epal ka." Banas naman kasi. Napatigil pa tuloy ako. Ngayon lang ako magnanakaw, tapos halik pa. Ano bang mawawala, e, lalasahan ko lang naman iyong labi ni Coleen? It's not like made-devirginize...
Oo nga pala. Hindi siya sing linis ng iniisip ko. Nilapastangan na pala siya nuong hinayupak na taong iyon. Nakakapanlumo. Nakapagbitaw tuloy ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko na pala siya puwedeng angkinin dahil may nakauna na sa kaniya.
Pero bakit pakiramdam ko, hindi na mahalaga iyon? Bakit parang hindi na mahalaga kung may nakauna na sa kaniya? Hindi ko na nga iniisip madalas iyon. Augh. Ang sarap tuktukan ng ulo mo, Matthew. Ayan ka na naman sa kawirdohan mo.
At saka, bakit ba ako pinagbabawalan nitong kamatayan na ito magnakaw ng halik? Eh, ano? Masama man iyon, ano naman sa kaniya? Edi magnakaw rin siya ng halik. Bakit siya? Masama naman siya. Hindi naman siya magiging kamatayan kung hindi siya masama.
Oh, baka talagang ipinanganak na siyang kamatayan?
Hindi bale na. Isang beses lang naman. At saka, lust lang naman ito. It's not like I love her. Oo, tanda ko iyong punyetang batas na sinabi nuong kamatayan. Batas-Batas. Akala naman nila, lalabagin ko iyon. Asa. Ma-in love? Walang babae ang makakapagpahulog sa akin.
"Isa lang." tugon ko rito saka ko itinuon ang atensyon ko sa mukha ni Coleen.
"Umiibig ka ba sa babaeng iyan?"
Again, natigil ulit ako sa paglapit ng mukha ko sa mukha ni Coleen. "Hindi. At hinding hindi mangyayari iyon kaya huwag ka na umepal. Lust lang ito. Marami na akong ikinamang babae, minahal ko ba sila? Hindi naman, hindi ba?" sagot ko saka itinuloy ang ginagawa kong paglapit ng mukha ko kay Coleen.
At ayun nga; nangyari na iyong kanina ko pa binabalak, na dapat kanina ko pa nagawa kung hindi lang dahil sa epal na kamatayan na iyon.
Medyo nakabukas ng onti iyong bibig niya kaya pinasadahan ko ng dila ko iyong labi niya. Nakakadiri man dahil bagong gising ako pero wala na akong pakielam. Baka kapag pinalagpas ko pa ang pagkakataong ito, hindi na mangyari ito.
While kissing Coleen, the moths on my stomach went on a rampage. I don't know. I love this feeling; fuzzy, heavenly and warm.
Alam kong mali itong ginagawa ko dahil pinagtataksilan ko ang kaibigan ko pero wala na akong pakielam. Ang swerte lang niya kasi girlfriend niya itong babaeng ito at puwede niyang halik-halikan ito kahit kailan niya gustuhin.
Shet! Eto iyon, eh! Tagal ko nang gustong gawin ito!
Inilayos ko na rin naman iyong ginagawang pag-aalmusal ng bibig ko sa bibig ng babaeng hawak ko. Mahirap na kasi baka biglang magising ito. Habang hinahalikan ko nga ito, kinakabahan rin ako at paulit ulit ko dinarasal na sana huwag itong magising.
Shet! Ang sarap ng almusal ko. Almusal pa nga ba? Hindi ko alam kung tanghalian o ano dahil hindi ko alam kung ano ang oras na. Pero tantiya ko, nasa 11 na.
"Tandaan mo, bawal kang umibig sa mortal, Matthew."
Tanginang paalala iyan. Alam ko naman iyon. Kapag umibig si Matthew ganito ganiyan yadaa yadaa sa isang mortal, ikakamamatay ni Matthew. Pwe!
"Yeah. Whatever." sagot ko nang itigil ko ang paghalik kay Coleen pero bumalik ulit ako sa paghalik rito.
Habang hinahalikan ko si Coleen, iniisip naalala ko ang ginawa kong pag-iwas-iwas sa kanila. Hindi ko naman gustong iwasan sila pero kasi kapag nakikita ko siya, naiinis ako. Tapos iyong tatlong bugok pa, nilayuan ko rin. Ayoko kasing makapagbitaw ako ng salitang hindi nila magugustuhan dahil lang sa inis ko. Alam ko na napapansin nila ang inis ko kapag nakikita nila ako kaya lang hindi ko ito mabura sa mukha ko kasi naaalala ko iyong eksena kung saan nakahawak si Jay sa kamay ni Coleen.
Hindi maialis sa utak ko iyon. Kaya nga imbis na matulog kagabi, nag-inom na lang ako para makapagpaantok. At hindi ko rin maiwasang isipin na baka totoo ang sinasabi ni Jale na nilalandi ni Coleen si Jay kaya ganuon.
Ang hindi ko lang rin maintindihan ay kung bakit parang walang inis si Jale kay Jay kung alam niyang nilalandi - yata - ni Coleen ito. Usually, ang initial reaction ng mga boyfriend kapag may nilalandi ang girlfriend nila ay magalit sa nilalandi nito, hindi ba?
Ewan ko- ang gulo.
--
"Pinag-alala niyo ako." galit na sinabi ni Nathan saka ito uminom ng juice. "Kagabi pa ako-" Bigla namang tumikhim si Jay kaya ito napatigil. "Kami naghahanap. Napuyat na nga kami kahahanap sa inyo." Magsasalita sana si Coleen pero nagsalita ulit si Nathan. "Tawag kami nang tawag sa cell phone niyo, tapos malaman-laman namin na nandito pala at iniwan niyo. Hindi ko naman naisip na malulunod kayo dahil parehas kayong marunong lumangoy."
"Nathan," Napatingin naman kami kay Coleen nang magsalita na ito. Nakangiti ito habang nakatingin kay Nathan. Bakit ganiyan siya makangiti kay Nathan? Tangina. "Lumabas ako kagabi para magpahangin. Nakakita kasi ako ng firefly kaya sinundan ko. Hindi ko naman alam na magkikita kami ni Matthew sa lugar na iyon. Lasing rin yata si Matthew-"
"Tipsy." pagsapaw ko.
"Tipsy. Tapos iyon, nakatulog siya. Tatawagin sana kita para magpatulong na buhatin si Matthew pabalik kaso natakot ako na baka may ligaw na hayop duon na puwedeng manakit sa kaniya kaya napagpasyahan ko na lang na samahan na lang siya duon."
"Huwag ka na ngang oa," Napatingin naman silang lahat sa akin dahil sa biglaang pagsingit ko. "Nandito na nga kami, hindi ba? Kung ipinaghahanda niyo na lang kaya kami ng pagkain dahil wala pa kaming kain."
Gamit iyong peripheral vision ko, napansin ko iyong pagtungo ni Coleen at iyong pag-iling niya. Bigla naman siyang tumayo tapos sinundan siya ni Nathan.
What's with them? Ah, baka ipaghahanda na iyong pagkain. Oh, well.
"Iyong totoo?" Hindi ko pinansin si Jay na umupo sa tabi ko tapos si Jale naman naupo sa harap ko. "Saan kayo galing?"
"Kasasabi lang namin kanina, ha?" sagot ko habang nakatingin pa rin sa basong ininuman ko kanina. "Ikaw nga, magsabi ka ng totoo. Ano ba talaga ang nangyari at binugbog mo si Nathan?" seryosong tanong ko kay Jale matapos ko ituon ang atensyon ko rito.
"Matt, clearly, he's stealing Coleen from me." galit na sagot nito. "Tignan mo, sinundan niya pa si Coleen."
"Oo nga." entrada naman ni Jay. "Seriously, halatang may gusto iyon kay Coleen. Tangina. Ang lakas ng loob na magnakaw ng girlfriend ng iba."
I'm confused. Para naman kasing nagsasabi sila ng totoo. Bakit bubugbugin ni Jale si Nathan? Ano iyon? For fun? Kilala ko si Jale. Hindi siya iyong tipo ng tao na nagsisimula ng gulo. Hindi niya ugali iyon. Pero why is Coleen siding with Nathan? Mabait si Coleen. Honest. Sa sinabi niya kagabi, gustong-gusto ko maniwala.
Ewan. Natotorture iyong isip ko sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako maniwala; kung sino iyong nagsasabi ng totoo.
"May misyon ka."
Napabuntong hininga ako nang marinig ko iyong boses ni Kamatayan. Misyon na naman. Bakit ba kasi ang daming namamatay? Sabagay. Marami rin naman kasing nabubuhay araw-araw- na siyang pumapalit sa puwesto ng mga namamatay.
Ipinikit ko ang mata ko. Ilang saglit lang rin naman nang mahiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Patuloy lang sa pakikipag-usap iyong katawan ko kina Jay at Jale pero iba na iyong topic ng pinag-uusapan nila; pagkain na.
Tumagos ako sa pader ng cottage at lumabas. Titignan ko muna kung nasaan sina Coleen bago ako pumunta sa misyon na ipinagagawa ni Kamatayan. Makakapaghintay naman siguro iyong kaluluwang iyon. Nakita ko rin naman sila kaagad. Magkatabi silang nakaupo sa buhanginan habang nakatingin sa dagat.
"Iyon na nga, eh." ani Coleen. "Kaya ka siguro niya tinrato ng ganuon kasi akala niya, ikaw iyong nagsimula ng away. Hindi ka naman dapat tratuhin ng ganuon ni Matthew kanina. Nakakainis lang." nakasimangot na lintaya niya saka pumulot ng buhangin at ibinato ito.
Hindi dapat tratuhin na ano? Na bossy? Tae naman. Nagugutom na kaya ako kaya sinabi ko na ipaghanda kami ng pagkain. Ano ba ang mali ruon? Isa pa, para rin naman sa kaniya iyon kasi hindi pa rin siya nag-aalmusal.
"Hayaan mo na. Wala na tayong magagawa. Duon siya naniniwala, eh. Sino rin ba naman tayo? Kumpara sa akin, mas matagal silang naging magkaibigan ni Jale. Kumpara sa atin, mas may pinagsamahan sila. Tayo? Kailan lang naman niya tayo naging kaibigan. Mahigit isang taon? Anong laban nuon sa ilang taon, hindi ba?" matawa-tawang sinabi ni Nathan.
Anong drama nitong dalawang ito? Seriously, pakiramdam ko, tinatablan ako ng drama nila kasi napakagenuine ng expression sa mga mukha nila. At isa pa, bakit sila magsisinungaling kung alam nilang wala naman kami sa paligid nila. It's not like nakikita nila ako kaya iyan ang sinasabi nila.
Sila ba? Sila ba ang dapat kong paniwalaan? Kung sila nga, ano iyon? Itatapon ko iyong pagkakaibigan namin nila Jale para lang maipaglaban ko iyong samahan namin nila Coleen at Nathan? Iyong pagkakaibigan namin? Ganuon?
Why am I even in a situation like this? Hindi ako sanay sa mga ganitong drama. Sawa na ako sa ganuon. For many years, I lived my life as care-free as possible dahil ayoko na ulit magdrama.
Unti-unti, nagpalamon na ako sa usok na pumalibot sa katawan ko dahil hindi ko na alam ang iisipin. Baka kapag nagstay pa ako at nakarinig ng kung ano-ano, sumabog na utak ko.