-Matthew
"Outing?" Isinubo ko ang kutsarang hawak ko tapos tinignan si Coleen ng may pagtataka.
Nasa hapag kainan kami habang kinakain ang iniluto niyang sinigang na baboy. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang bumalik ako. At sa bawat araw na iyon, lagi akong may kinukuhang kaluluwa. Tatlo hanggang apat iyong nakukuha ko each day.
Tumango siya habang nakangiti saka isinubo iyong kutsara niya. "Sabi kasi ni Nathan, dapat raw icelebrate natin iyong Fake Death mo. Naisip ko naman, why not, hindi ba?"
"Sure. Nainform na ba si Jale about sa outing na pinaplano niyo?"
Iyong ngiti niya, biglang nawala at napalitan ng malungkot na ekspresyon. Tumungo siya tapos bumuntong hininga. Bakit? Anong mayroon? "Hindi."
"Bakit?"
"Basta." Iniangat niya iyong ulo niya at tinignan ako habang nakangiti, pilit na ngiti. "Apat lang tayo. Si Sheena, ako, ikaw pati na rin si Nathan."
Kahit naguguluhan, tumango na lang ako at hindi na nagfish-out ng sagot.
Nag-away na naman ba sila? Tae naman iyon si Jale. Siguro siya na naman ang nag-umpisa.. At saka, ang weird lang kasi hindi pa napunta si Jale rito. Usually naman, oras-oras, nandito iyon. Pero these past few days, wala; walang napuntang Jale rito sa bahay.
Nang matapos kaming kumain, pumunta ako sa garden. Gusto ko kasi magpahangin. Bigla ba namang naging mabigat iyong atmosphere sa loob ng bahay, eh.
"Dessert?"
Napatingin ako kay Coleen na bigla na lang sumulpot sa gilid ko habang may hawak na cup ng icecream. Nginitian ko naman siya tapos tinanggap ang inaalok niya. "Bakit isa lang? Nasaan iyong para sa iyo?"
"Ha? Isa lang binili ko." Ngumiti siya ng bahagya tapos umupo sa katabing upuan ng inuupuan ko.
"Share tayo." pag-aalok ko habang nakalahad ang cup ng icecream.
"Ha? Huwag na. Para sa iyo talaga-"
"Share na tayo. Ano ka ba?" Kinuha ko iyong kamay niya tapos inilagay ruon iyong cup.
Nagpumilit pa siya na hindi na raw siya makikisalo kasi maliit lang iyong cup pero mananalo ba naman siya sa kakulitan ko? Napapayag ko naman siya. Kahit konti iyong icecream, pinagsaluhan talaga namin.
Habang kinakain namin iyong icecream, hindi ko maiwasang isipin iyong plano ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko magagamit sa mga trip ko itong kapangyarihan ko.
Tangina kasi. Pinag-isipan ko iyon at desidido talaga akong gawin pero nang itinuloy ko, pusang gala, ang saklap. Iyong plano ko kasi, bosohan si Coleen habang naliligo. Gagamitin ko iyong kaluluwa ko para mamboso since nakakatagos naman ako sa mga pader kung gugustuhin ko; sa kahit anong bagay.
Putang inang iyan. Hindi ko nagawa. More like hindi ko magawa. Nang papasukin ko na kasi iyong pinto ng cr, hindi ako nakapasok. Parang may shield. Forcefield? Parang ganuon. Hindi ko nga alam kung ano ang itsura kasi invisible ito. Sinubukan ko naman sa ibang paligid ng cr pero hindi talaga ako makapasok.
Kahit sa magkabilang gilid, sa likod, mula sa second floor at sa ilalim, bawal. Bwisit lang.
Oo, manyak ako. Ano naman? May ganitong klase ako ng kapangyarihan kaya dapat sulitin na. Kaso hindi ko naman nasulit kasi hindi rin naman magamit sa pangboboso kay Coleen. Bawal yata.
Bwisit lang. Kahit anong suntok ko sa forcefield, hindi ako makalagpas ruon sa nakapaligid sa cr. Unang-una sa lahat, bakit iyong cr lang iyon ang may ganuong forcefield? Ano iyon? Para hindi talaga magamit iyong abilidad ko sa katarantaduhan? Tae. Planadong-planado ng kamatayan na iyon, eh. Ilang beses ko na kayang sinubukan pero wala talaga.
--
Bakit ba ayaw pumayag ni Nathan na pasamahin ko si Jale pati si Jay, iyong kaibigan ni Jale? Seriously, hindi ko talaga alam kung bakit.
Ilang beses ko na siyang kinausap simula kahapon. Siyempre, kahit naman labag sa loob ko na pasamahin si Jale, kailangan niyang sumama. May gusot yata sila ni Coleen kaya dapat maayos iyon. Labag lang sa loob ko kasi sa totoo lang, gusto ko mabawasan ang mga kasama para mas may chance ako na masolo si Coleen.
Bahala na. Isisikreto ko na lang iyong pagsama ni Jale at Jay.
Kinabukasan, nang magising ako, tinawagan ko si Jale pati si Jay. May hesitation sila pero napapayag ko rin naman. Tinakot ko pa. Tangina. Bubugbugin ko sila kapag hindi sila sumama.
"Ayos na ba iyong gamit niyo?" tanong ni Nathan. Napangisi ako nang pumasok siya sa bahay habang dala-dala iyong bag niya.
Ayos sa attire, ha? Muntanga lang. Paano, bulaklakin iyong short tapos iyong top niya, may ilang bulaklak rin na prints.
"Nasaan iyong isa? Iyong kaibigan mo?" tanong ko kay Coleen. Ang alam ko kasi, sasama iyon. Nasabi kasi niya.
"Si Sheena? Hindi raw makakasama." Umupo si Nathan sa tabi ko tapos ipinatong niya iyong bag niya sa isang upuan sa gilid niya. "May emergency raw kasi."
Buti naman at hindi iyon kasama. Girls are loud. Ano bang malay ko kung bungangera iyon? Buti na nga lang at hindi maingay si Coleen.
Tumayo na ako saka binitbit iyong gamit ko. Tinignan ko ulit si Coleen, na nag-aayos ng sarili sa salamin. Napangiti na lang ako habang nakatingin rito. Simple lang kasi iyong suot niya pero nadala niya. Sando na pinatungan ng loose shirt, na mukha nang hanging kasi labas na ang isang balikat niya tapos short na hindi lumagpas sa tuhod.
Sinabi ko na dadalahin ko na sa sasakyan iyong bag niya. As usual, tumanggi siya at sinabi na siya na lang pero hindi ko na lang siya pinansin at binuhat na iyong gamit niya at inilagay sa sasakyang gagamitin namin; iyong sasakyan ko.
Ako na iyong magdadrive since alam ko naman iyong location ng sinabi nilang pagsu-swimming-an namin.
Ilang saglit lang rin nang maiayos na lahat ng dapat iayos. Itinext ko na muna sila Jale at Jay bago ko pinaandar iyong sasakyan. Duon nga naupo sa likuran si Coleen, eh. Mahihiga raw kasi siya since maaga siyang gumising para magprepare ng pagkain namin. Sa harapan tuloy umupo itong tukmol.
"Ano ito?" narinig kong tanong ni Nathan. Gamit ang pheriperal vision ko, napansin kong lumingon siya sa akin. "Matt, kasama sila?" Tinanguan ko siya kahit na nagtataka ako sa inaakto niya. Para kasi siyang hindi mapakali. "You don't know what you're doing. Bakit mo pa sila pinasama?"
Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaba ko ang bintana tapos inihinto iyong sasakyan sa harap ng dalawa pang kasama, na naghihintay sa harap ng bahay ni Jale. Sinabi ko na maupo na sila sa likuran. Medyo natigilan pa nga silang dalawa nang makita si Coleen na nakahiga ruon.
"Coleen, palit tayo. Dito ka sa harap." utos ni Nathan na biglang hinawakan ang braso ni Coleen para maitayo ito mula sa pagkakahiga. Ano bang problema nito? Ginagawa ko nga ito para makapag-usap iyong dalawa kahit papaano, para maayos na ang gusot ng mga ito.
Labag talaga sa loob ko ang ginagawa ko pero kailangan ko itong gawin.
"No. Coleen, diyan ka lang." Tinignan ko naman ng masama si Nathan. Napabuntong hininga ito tapos nanahimik na lang pagkapasak niya ng dalawang earphones sa magkabilang tenga niya.
"Matthew," pagkuha ni Coleen sa atensyon ko. Nilingon ko naman siya at nakita ko na umaayos na ng upo sina Jale pero ibinalik ko sa kaniya ang atensyon ko. Isa pa ito. Iyong itsura niya kasi, parang humihingi ng tulong na ewan. Ano bang problema kung pagigitnaan siya ng dalawa?
Nginitian ko na lang siya saka itinuon ang atensyon sa harap pero tinignan ko pa rin siya mula sa rearview mirror. Nakatungong umayos siya ng puwesto bago niya niyakap iyong unan na dinala niya; iyong throw pillow sa salas.
Habang nagdadrive, pakiramdam ko, wala akong kasama sa sasakyan. Sobrang tahimik. Ang bigat pa ng atmosphere. Ano bang mayroon sa mga ito? Ano bang nangyari habang wala ako?
Mukhang mahaba-habang biyahe ito, ha?
---
Hindi talaga ako mapakali sa ayos namin ngayon. Alam ko na ginusto ko na sa likod paupuin si Coleen para lang makapag-ayos na iyong dalawa. Pero hindi ko mapigilan makaramdam ng inis dahil ang lapit-lapit nila sa isa't isa, which is normal kasi magsyota sila.
Preteng prente lang akong nakaupo habang nagmamaneho pero tinitignan ko parati si Coleen sa likuran kapag humihinto kami at hangga't may pagkakataon. Napansin ko kasi nang tignan ko siya kanina, halata ang discomfort sa mukha niya. Mukha ngang mas gugustuhin niya na lang na tumalon paalis sa sasakyan kaysa mapagitnaan ng dalawang iyon; well, iyon ang interpretation ko sa itsura niya.
"Matthew, Nate," pagkuha ni Coleen sa atensyon namin ng katabi ko. Nahuli niya rin ako na nakatingin sa kaniya kaya itinuon ko kaagad ang tingin ko sa daan. "Matutulog muna ako, ha?" Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya panandalian kaya nakita ko ang ginawa niyang pagyakap sa bag na nasa kandungan niya. Kinuha niya rin ang neck pillow na nakasabit sa headrest ng upuan ni Nathan saka siya ruon umubob matapos niya ito ipatong sa bag niya.
"Sige lang." tugon ko.
Halos kalahating oras rin yata ang lumipas nang mapansin ko si Coleen na gumagalaw galaw habang nakasubsob pa rin ang mukha sa unan. Narinig ko rin ang mahina pero sunod-sunod na paghinga niya. Binabangungot ba siya?
Tinapunan ko ng tingin sina Jay para sana ipacheck kung anong nangyayari kay Coleen. Nakita ko ang ngisi na nakapaskil sa mga mukha nila at si Jay, medyo gumagalaw rin kahit hindi naman malubak ang dinaraanan namin.
"Stop... please." narinig kong bulong ni Coleen kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Binabangungot nga yata talaga siya.
"Coleen-" titignan ko sana siya para icheck kung ayos lang ba siya kaya lang bago pa man ako makalingon, biglang may nag-overtake na sasakyan kaya naapakan ko ang break dala ng kaba. "s**t!" Buti na lang at wala masyadong sasakyan ngayon dahil weekend kasi kung may sasakyan sa likod namin, malamang sa malamang ay nabunggo na ang likuran dahil sa biglaan kong paghinto.
"Aray..." ungot ni Nathan kaya nilingon ko ito, na mukhang gulat rin sa pangyayari.
"Anong nangyari?" tanong ni Jale saka ako kinalabit sa balikat.
"May gago kasing bigla na lang nag-overtake." Itinabi ko muna sa gilid ang sasakyan para macheck ko ang mga kasama ko. Mahirap na, baka mamaya may nadisgrasya or what. Tinanggal ko ang seatbelt na nakayakap sa akin saka ko nilingon ang mga nasa likod. "Ayos lang..." napatigil ako at nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa nahagip ng mga mata ko. "Ano iyan?"
Bigla akong nakaramdam ng matinding inis dahil nakita ko. Magkahawak kasi ng kamay sina Coleen at Jay. Hindi ko talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit bigla na lang ako nakakaramdam ng ganito kapag may connection kay Coleen. It's not like I have feelings for her.
"Ano-" Natatarantang inialis ni Coleen ang pagkakahawak niya sa kamay ni Jay saka umayos ng upo.
"Kaya ba ayaw mo na sa akin?" Napalingon ako bigla kay Jale dahil sa pagsingit niya. Nakasimangot ito habang nakatingin kay Coleen tapos tinignan niya rin saglit si Jay bago ibinalik ang tingin sa syota niya. "Kasi si Jay talaga ang gusto mo?" Umiling siya ng bahagya saka bumuntong hininga bago tumingin sa bintana. "Kaibigan ko naman kinakana mo. Magpakasaya kayo."
Nilingon ko si Coleen at instead na lungkot or sakit ang nakapaskil sa mukha niya, mukha pa siyang nagtataka. Tumingin siya sa akin, siguro para magpaliwanag pero umayos na lang ako ng upo saka binuhay ang sasakyan.
Bakit ganuon si Coleen? Hindi siya mukhang malandi at alam ko na hindi siya malandi pero ano iyong eksena kanina? Hindi ko naman alam kung anong nangyayari sa relasyon nila ng kaibigan ko pero dahil sa nakita ko kanina, hindi ko maiwasang isipin na mukhang dahil kay Coleen kaya siguro naging ganuon si Jale pagdating sa kaniya.
-Coleen
"Ayos na iyong cottage." Napatingin ako kay Nate na biglang dumungaw sa bintana ng sasakyan. "Narentahan na nina Matt."
Hindi man lang nakangiti si Nathan nang sabihin niya sa akin iyon. This day should've been full of smiles, not full of frowns. Nagpaiwan rin ako dito sa sasakyan. Sinabi ko na dito na lang muna ako at babantayan na lang iyong mga gamit.
Si Nate lang ang pumasin sa akin kanina. Wait. Pati pala si Jay kaso nakakapanggigil lang siya ng lamang loob. Galit ako sa hayup na iyon. Galit na galit. Kinamumuhian ko siya. Laking pasasalamat ko na nga lang kanina at biglang pumreno si Matthew. Kung hindi, naituloy niya iyong ibinabalak niyang kahalayan.
This day's supposed to be fun. Mag-eenjoy sana ako para naman kahit papaano mawala sa isip ko ang mga nakakatakot na bagay na nangyayari sa akin. Kaya lang nang dahil sa pang-iimbita ni Matthew sa dalawang iyon, sirang-sira na ang mga plano ko para makapag-enjoy kami.
"Ah. Sige-"
"Ano na naman ba ang ginawa nila sa iyo kanina? Bakit rin magkahawak kayo ng kamay nuong gagong iyon?"
Napatungo na lang ako at napabuntong hininga. Dapat ko pa bang sabihin? Malamang rin masira ang pagstay ni Nate rito. Ayoko naman na nang dahil lang sa akin, masira itong celebration na ito. "Wala; napagtripan lang." Binuksan ko na iyong pinto ng sasakyan at dinala iyong bag namin ni Matthew. Iyong bag naman kasi ni Nate, nakasukbit na sa likod niya. Bahala na iyong bag nuong dalawang iyon rito sa sasakyan. "Muntikan lang akong masubsob kaya hindi ko alam na kamay ni Jay iyong mahahawakan ko."
Maglalakad na sana ako kaya lang hinawakan ni Nathan iyong braso ko kaya napatigil ako. "Coleen," Seryosong seryoso ang itsura niya habang nakatitig sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.
Hindi siya naniniwala. Sino ba naman ang maniniwala sa sinabi ko? Not Nate. Alam kong alam niya na nagsisinungaling ako, which is amazing kasi hindi naman kami ganuon talaga magkakilala yet he knows stuff about me.
Nginitian ko lang siya saka marahang tinanggal iyong pagkakahawak niya sa braso ko. "Tara na,"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka iyong tunog ng pagsara ng pinto ng sasakyan. Naglakad na kami papunta sa cottage. Habang naglalakad, dinadama ko ang hampas ng sariwang hangin. Sa sobrang sarap ng ginagawang paghaplos ng hangin sa balat ko, napapapikit ako para mas mapakiramdaman ko ito. Marami ring tao kahit pa sabihin na hindi naman bakasyon. Bawat cottage or hut, may nag-iihaw ng kung ano. Nang makarating kami sa sinabing cottage ni Nate, nakita ko si Matthew na nakatayo sa tapat ng pinto habang nakahalukipkip. Mukhang hinihintay niya kami.
Nang makalapit kami sa kaniya, naunang pumasok si Nate sa loob nang hindi man lang ito pinapansin. Nagtataka nga ako kung bakit. Kanina pa rin talaga sila hindi nagpapansinan.
"Matt-" Napatigil na lang ako sa pagsasalita nang bigla niyang kuhanin sa akin iyong bag niya tapos pumasok na rin sa loob. Galit ba siya? Bakit? Ano bang ginawa ko? Parang wala naman, ha? Bumuntong hininga ako saka pumasok sa loob ng cottage.
Mukhang... hindi talaga magiging masaya itong celebration na ito, ha?
--
Napatingin ako kay Nate na biglang umupo sa tabi ko. May dala-dala siyang stick ng hotdog. "Oh," pag-aalok niya saka inilahad ang stick.
"Salamat." nakangiting kinuha ko naman ito tapos tumingin ulit sa mga tao na masayang nagtatampisaw sa dagat.
"Alam mo," Napatigil naman ako sa pagkagat nang magsalita siya. Tinignan ko siya habang nakataas iyong isang kilay ko, urging him to continue. "Kahit hindi mo sabihin iyong nangyari kanina sa sasakyan, okay lang. Bahala ka. Ang sa akin lang, kung grabe na iyong ginagawa nilang panggagambala sa iyo, sabihin mo lang sa akin nang maitawag na sa pulis." Bumuntong hininga siya habang nailing. Tapos gamit iyong stick niyang pinagtusukan ng kauubos lang na hotdog, nagsulat siya ng kung ano sa buhangin. "Bakit ba kasi ayaw mo pang isumbong sa pulis. Ako naghihintay lang ako ng go signal sa iyo."
"Nate-"
"Ah, oo nga pala. Kasi mahal mo pala siya, ano?" mahinang sinabi niya sabay tawa ng bahagya. Tumingin naman siya sa akin ng may seryosong ekspresyon. "Hanggang ngayon ba, siya pa rin, Coleen?" Napatungo ako. Hindi ko alam. Ayaw kong alamin. Pero sa tingin ko, kahit galit ako sa kaniya, kahit kinamumuhian ko siya, siya pa rin. "Siya pa rin pala." Napatingin ulit ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. "Coleen, alam mo, hindi naman masama magmahal. In fact, being in love is a wonderful thing. Pero ang masama, iyong patuloy ka pa ring nagbibigay ng pagmamahal pero ang kapalit naman nuon ay sakit."
"Gusto ko naman siyang kalimutan. Gustong gusto ko."
Naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni Nathan. Tama rin si Nathan sa sinabi niya kanina. Alam ko naman iyon. Bad thing nga lang dahil napasama ako sa mga tangang tao na nagpapakatanga sa love. Hirap na hirap akong bitawan siya.
Si Jale kasi... siya ang kauna-unahang tao na nakapagparamdam sa akin ng pagmamahal. Hindi ko lang alam kung totoo nga iyong ipinakita at ipinaramdam sa akin pero nakaramdam talaga ako kung paano magmahal dahil sa kaniya. Sa pamilya ko? Hindi naman nila ako minahal. Si Joco na kapatid ko lang ang naging mabuti sa akin. Buong pagsstay ko sa tabi nila, hindi nila ipinaramdam na kapamilya nila ako, na mahal nila ako.
Dahil ampon ako.
Lagi nilang ipinamumukha sa akin iyon. Lagi nilang isinasampal sa akin na wala akong karapatan na maghangad sa kahit anong bagay na may kinalaman sa kanila. Sa lahat ng pagmamalupit nila sa akin, sa lahat ng pagpapahirap nila sa akin, wala akong ibang ipinalit sa mga iyon kung hindi ngiti. Oo, alam kong ang tanga ko para hindi lumaban. Ang tanga ko dahil, ayun na; may karapatan akong lumaban. Tama na ipagtanggol ko ang sarili ko mula sa kanila pero ano? Hindi ko ginawa.
Hindi ko magawa.
Dahil mahal ko sila.
Hindi ko na hinanap iyong totoo kong pamilya dahil sila na ang itinuring kong mga kadugo; kahit pa kung ituring nila ako ay katulong, alalay, palamunin. Minsan nga, hindi pa nila ako itinuturing na tao. Para akong robot dahil kahit may sakit ako, todo utos pa rin sila sa akin. Buti nga at natutulungan ako ni Joco minsan pero pinagagalitan rin siya kapag tinutulungan o ipinagtatanggol ako.
Pinalayas nila ako nang makarating sa kanila iyong videong ginawang pangblackmail sa akin ni Jay pati nuong hayup na lalake na iyon. Ang dali-dali sa kanilang ipagtabuyan ako, isigaw sa mundo kung gaano ako kapatapong babae. Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko dahil ayaw nila akong pakinggan.
Mahirap. Masakit.
Pakiramdam ko talaga, hindi ako tao.
Matagal rin kaming natahimik at pinakinggan na lang ang paghampas maliliit na alon. I thought, sobrang trust worthy niya kaya ikinwento ko sa kaniya ang nangyaring panggagago sa akin ni Jay kanina habang nasa sasakyan.
Hindi kasi ako nakatulog dala ng kaba habang nasa byahe kami kanina. Pagitnaan ba naman ako ng dalawang taong kinasusuklaman ko, makatulog pa kaya ako. Gusto kong magsumbong kanina sa kanilang dalawa dahil sa ginawa ni Jay kanina.
Nananahimik ako. Pilit ko pinakakalma ang sarili ko dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko. And then out of nowhere, biglang ipinatong ni Jay iyong kamay niya sa hita ko. Pilit kong inilalayo ang sarili ko, to the point na hinahawakan ko na ang kamay niya para lang mailayo ito sa akin.
Wrong move pa nga ako sa ginawa kong iyon dahil nabaliktad ang sitwasyon at ang kamay ko ang nahawakan niya. Unti-unti niyang hinila ang kamay ko hanggang sa mapunta ito sa ibabaw ng pagkalalake niya kaya halos magmakaawa na ako sa lahat ng Diyos at Santo para lang matigil na ang ginagawa ni Jay sa akin at laking pasasalamat ko naman dahil sa nag-overtake na sasakyan. Duon ko naisip na, siguro hindi talaga ako pinarurusahan ng husto ng Diyos dahil nagawa pa niya akong iligtas sa sitwasyong iyon.
Puro mura at halatang sasabog na si Nate nang matapos ko ang pagkukwento. Kahit sino naman kasi, magagalit kapag ginawan ng kababuyan ang kaibigan mo. Nagawa ko naman siyang pakalmahin. Napagalitan pa nga ako dahil dapat raw ay galit na galit na ako, to the point na nagwawala na ako pero pinipili ko pa rin kumalma. Sinabi ko na lang na nangyari na at mas magandang isawalang bahala na iyon dahil ito ang araw para mag-enjoy kami at hindi magkaroon ng ganitong eksena. Duon niya rin nakuha ang idea kung paano naging magkahawak ang mga kamay namin ni Jay.
--
"Tara!" nakangiting hinala ako papatayo ni Nate. "Swimming tayo!"
Tumayo na rin ako para hindi na siya mahirapan. Ang hyper lang nitong lalakeng ito. Kanina, medyo wala siya sa mood. Ngayon naman, parang may sugar rush.
"Baliw ka ba, Nate?! Gabi na kaya!"
Oo, gabi na. Alas otso na. Tumambay lang naman ako ulit rito sa shore kasi sarap na sarap ako sa paghampas ng hangin sa balat ko. Isa pa, hindi ko matagalan ang katahimikan sa cottage namin. Gusto ko man yayain si Matthew pero iniiwasan niya ako. Nalulungkot tuloy ako dahil sa kaniya. This day was suppose to be for him pero iniiwasan niya kami nang iniiwasan.
"Ano ka ba? Mas masarap lumangoy ngayon kasi malamig kaya tara na!" Bigla niyang hinubad iyong tshirt niya tapos itinapon sa kung saan saka niya ako hinila pasulong sa dagat.
At oo, tama nga siya; ang sarap sa pakiramdam ng ganito; iyong dinadama iyong paghampas ng maliliit na mga alon habang nasa ilalim ng buwan at masayang nagtatawanan. Despite the fact na sobrang lamig, nawawala naman iyon sa isip ko dahil sa pakikipaglaro kay Nate.
Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya. Hindi ko na nga maidescribe kung ano ba ang tunay na happiness. Iyong mga happiness kasi na itinuturing ko, sila pa iyong nag-cause ng sakit.
Pamilya ko, sila iyong unang definition ko ng happiness. Pangalawa naman, si Jale. Pangatlo, si Matthew na bigla-biglang nanglamig.
"Bestfriends na tayo, ha?" masayang alok ko rito. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang hinahayaan ang sarili ko na lumutang.
Napatigil naman siya sa pagsasalita dahil sa biglaang alok ko tapos bigla siyang ngumisi. "Coleen, I already consider you that. Kaya nga nagsstay ako sa tabi mo noong akala natin, wala na si Matt." Itinaas niya iyong kanang kamay niya habang nakangisi. "Apir!"
Nag-apir kami tapos nagtawanan. Bumalik na rin naman kami sa dalampasigan dahil sa sobrang nilalamig na talaga kami.
Sabi niya, hintayin ko na lang siya rito at kukuha lang siya ng tuwalya para sa amin. Sa lahat kasi ng dapat matandaang dalahin, iyong tuwalya pa talaga ang hindi namin naalala bago kami lumusong. Kaya ang ginawa ko, umupo muna ako sa buhanginan habang yakap-yakap iyong sarili ko. Ang lamig na rin kasi talaga.
Ilang saglit lang rin nang dumating siya na may dala-dalang mga tuwalya at ilang branches ng puno. Ibinigay niya sa akin iyong isang tuwalya kaya kaagad ko itong kinuha at iniyakap sa katawan ko. Nakangiting pinasalamatan ko siya at nginitian niya rin ako pabalik.
Lumuhod siya saka sinimulan ang paggawa ng apoy. Umupo siya sa kabilang banda nang masindihan na niya iyong branches.
Nice. Bonfire.
Itinapat namin ang palad namin sa apoy para mainitan kami kahit papaano.
"Ano sa tingin mo? Galit kaya iyon si Matthew sa akin?" tanong ko saka ko nirub ang dalawang palad ko tapos ibinalik iyong pagtapat ng mga ito sa apoy. Ang sarap sa pakiramdam.
"Hindi ko alam. Pansin ko nga rin na hindi ka pinapansin simula kanina pa. Well parang lahat naman tayo, hindi niya pinapansin simula kanina pa." Ganuon rin ang ginawa niya; nirub nang nirub iyong mga palad niya saka itinapat sa apoy.
"Bigla na lang nga niya akong hindi pinansin, simula pa lang duon sa sasakyan-" Napatigil naman ako nang biglang may nagsalita at umupo sa gilid namin ni Nate.
"Wow. Bonfire." masiglang bungad nito.
Si Jale.
Napatingin bigla ako kay Nate. Gusto ko makuha niya na gusto ko nang umalis rito kaya lang hindi siya nakatingin sa akin, kung hindi sa lalakeng nakiupo sa puwesto namin. Ang sama ng tingin niya rito tapos nang ibaling niya iyong tingin niya sa akin, tumayo siya at inilahad iyong kamay niya sa akin.
"Tara; pasok na tayo sa loob, baka lamigin ka." mahinahong alok nito.
Kinuha ko naman iyon at tumayo na. Ayoko na rin kasi iyong malapit sa akin si Jale. Ewan ko. Parang nasasakal ako kapag malapit siya sa akin despite the fact na boyfriend ko ito. Naninikip iyong dibdib ko. Masakit. Makirot.
Should I still consider him as my boyfriend though? I mean, wala kaming proper breakup. All I know is I hate him for selling me.
Lalakad na sana kami paalis duon kaya lang biglang hinawakan ni Jale iyong kamay ko habang nakaupo pa rin siya.
"Bakit ka sasama sa kaniya?" matigas na tanong nito.
Napatigil si Nate sa paglalakad tapos napatingin rin kay Jale. Tumayo naman si Jale habang hawak pa rin ang braso ko.
"Jale..." pabulong kong sinabi. Kahit kasi galit nag alit ako sa kaniya, kinakain pa rin talaga ako ng takot kapag malapit siya sa akin. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin niya para mapahamak ulit ako.
Utang na loob, Jale. Kung sasaktan mo lang ako, lubayan mo na lang ako. Itigil mo na itong larong ginagawa mo. Tama naman na. Nakakapagod, eh.
"Leen, girlfriend kita. Bakit ka sumasama sa kung sino-sino?" tanong niya pero halata sa boses niya ang pang-aasar habang nakatingin kay Nate.
Ayan na naman. Naririnig ko na naman iyong tawag niyang iyon sa akin. Leen. Siya lang ang bukod tanging tumatawag sa akin nuon at peste lang dahil ang lakas ng epekto sa akin everytime na binabanggit niya iyong pangalan ko.
Ganuon ko ba talaga siya kamahal?
Tumingin naman ako kay Nate para humingi ng tulong, na hilingin na ilayo niya ako rito, na ilayo niya ako kay Jale. Nakangisi siya habang nakikipagsukatan ng tingin rito.
"Girlfriend mo siya?" matawa-tawang tanong niya, na para ring nang-aasar. "Parang hindi naman."
"Pare, huwag kang makielam rito." Napatingin ako kay Jale nang sabihin niya iyon na parang kakainin na si Nate dahil sa tono ng boses. Parang nagbabanta na talaga siya na papatulan niya ito kapag hindi siya sinunod. "Kakausapin ko girlfriend ko."
"Ikaw ang huwag makielam. Tigilan mo na si Coleen!"
Bigla naman silang nagstep forward hanggang sa magkaharap na talaga sila habang hawak pa rin iyong kamay ko ng kamay nila. Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari. Ayoko ng gulo. Ayokong mas lalo pang sirain ang araw na ito na para dapat kay Matthew. Gusto ko silang awatin kaya lang alam ko na sa lagay nila ngayon, wala silang balak na magpapigil. Ganito siguro talaga ang mga lalake.
"Bakit? Sino ka ba sa buhay namin, ha? Bigla-bigla ka na lang umeepal!" Gamit iyong free hand ni Jale, itinulak niya sa dibdib si Nate kaya napaatras ito at nasama ako.
"Kaibigan ako ni Coleen!"
"T-Tama na-" pagpapatigil ko sa mga ito kaya lang sinapawan lang ako sa pagsasalita.
"Kaibigan?! Kaibigan ka lang pala, eh! Girlfriend ko si Coleen at alam kong alam mo iyon! Hindi kami naghiwalay! Hindi kami nagbreak! Anong akala mo?! Naghiwalay kami?! Ulol mo!" Bigla akong hinila ni Jale pero binitawan niya rin ako tapos bigla siyang sumugod at sinuntok sa pisngi si Nate kaya napabitaw ang isa sa akin.
Hala! Gulo na naman! Gulo na naman nang dahil sa akin! Nasaktan pa si Nate nang dahil sa akin!
"Nathan!" lalapitan ko sana si Nate kaya lang bigla akong itinulak paalis sa daan ni Jale. Sumugod ulit siya at sinapak as mukha si Nate, dahilan para mapatumba ito. Naisalag naman nito ang dalawang braso habang nakahiga dahil bigla na lang siyang pinaulanan ng suntok ni Jale. "Tulong!" sigaw ko sa mga taong dumagsa para manuod sa amin. Ano ba itong mga ito?! May nagpapatayan na, nanunuod lang sila?! Napaiyak na lang ako habang pinagmamasdan si Nate na halos mawalan na ng malay dahil sa ginagawa ni Jale na pagpapaulan ng suntok. "Nate, lumaban ka!"
Bakit kasi hindi siya nalaban? Bakit nagpapaubaya lang siya? Nadamay pa pati siya. Nang dahil sa akin, nadamay pa siya. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ito ginusto.
Nilapitan ko si Jale at pinipilit na awatin pero itinutulak niya lang ako. Napalinga-linga ako para makahanap ng puwedeng ipanghampas kay Jale para mapatigil ito kahit papaano pero wala akong nakitang kahit ano. Puro buhangin...
Tama.
"Jale!" Tumingin naman siya sa akin at napatigil saglit sa pagsuntok kay Nate. Ibinato ko sa mukha niya iyong nadakot kong buhangin. Gusto kong damihan iyong ibinato ko sa kaniya pero kaonti lang ang kinuha ko dahil ang kailangan ko lang naman, mapatigil siya.
"s**t! Aaahhh!" Umalis naman siya sa ibabaw ni Nate tapos napahiga siya sa buhanginan habang hawak iyong mukha niya.
Hinila ko naman si Nate patayo at inalalayan. Nang maitayo ko siya, tinignan ko iyong mga taong nanunuod. "Shet kayo! Mamamatay na itong kasama ko, hindi niyo pa rin ako tinutulungan!"
Para namang natauhan iyong dalawang lalake sa harap namin dahil sa pagsigaw ko kaya nilapitan nila ako. Aalalayan na sana nila si Nate pero hindi ko ito ibinigay sa kanila dahil sa tindi ng inis ko. Sinabi ko na si Jale na lang iyong kuhanin nila kaya ito ang nilapitan nila.
Nakahiga lang ruon si Jale habang patuloy na nagmumura at isinisigaw kung gaano kasakit iyong mata niya.
Dapat lang sa iyo iyan!
"Hindi mo dapat ginawa iyon..." pabulong na sinabi ni Nate.
"No. Bagay lang sa kaniya iyon. Kaonti nga lang ang ibinato ko, eh. Bakit ba kasi hindi ka lumaban?" Umiling na lang siya sa tanong ko.
Hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko iyon dahil iyon lang ang alam kong way para mapatigil siya. Hinding hindi ko pagsisisihan iyon dahil kung tutuusin, kulang pang kabayaran iyon sa ginawa niya sa akin. Mata lang ang puwedeng mawala sa kaniya pero iyong sa akin? Buong pagkatao ko, wala na. Wala nang paraan para maibalik pa.
Dinala ko kaagad si Nathan sa cottage namin. Sinalubong nga kami ni Matthew na mukhang nag-aalala. Ikinwento ko sa kaya iyong mga nangyari habang nililinisan namin iyong mga sugat ni Nate pero parang may inis pa rin siya habang nakikinig sa akin.
Hindi ko alam kung saan siya naiinis; kung kanino siya naiinis.
Sa akin kaya?
Bakit ba kasi siya naiinis sa akin kung sa akin nga siya naiinis?