5

2674 Words
-Matthew "Patulong naman!" reklamo ko dahil kanina pa ako nasigaw para magpatulong pero wala pa rin pakielam ang kasama ko. Bwisit na Jale ito. Ayaw akong tulungan magbitbit rito sa babaeng ito. Ang bigat-bigat kaya. Ilang steps na lang, Matthew. Ilang steps na lang, makakababa ka na. Ilang steps na lang, matatapos na iyan. At s**t naman. May mattress pa pala. Bwisit na kama. Hindi naman puwedeng sa kwarto ko iyon sunugin. "Kaya mo na iyaaan." pang-aasar nito. Napalingon ako kay Jale. Nakaupo pa rin siya sa sofa. Nakatutok rin siya sa cellphone niya tapos itinapat niya iyon sa tenga niya. Tangina naman. "Jale, baka madulas ako sa dugo, eh!" Takte naman. Parang kada five seconds lang ako kung makahakbang ng isang step pababa. Nag-iingat kasi ako dahil baka madulas ako sa dugong natulo sa katawan ng babaeng ito. Napatingin ako sa mukha nitong buhat ko. Dilat pa iyong mga mata tapos nakabukas ng onti iyong bibig. Nice. Nakakatawa itsura niya. "Edi masaya!" Napatingin ulit ako kay Jale dahil sa sinabi niya. "At least nakaganti iyang babae mo sa iyo kahit patay na siya." Tinawanan niya ako at tumutok ulit sa cellphone niya matapos niya ito ihiwalay sa tenga niya. Tangina. Kaibigan ko ba ito o ano? "Tatawa-tawa ka diyan, si Coleen, wala rito. May pinuntahan. Hindi ka man lang ba nag-aalala sa girlfriend mo?" Ipinagdiinan ko talaga iyong girlfriend para malaman niya na responsibilidad niya iyon kung ano man mangyari kay Coleen. Napalingod naman siya sa akin. "Wala iyon-" Natigilan siya at nagulat dahil sa itsura ko. "Magdamit ka nga! Tangina. Para kang may show, ha? Hindi ka man lang maconcious na wala ka man lang ni isang pirasong tela sa katawan?!" Onting steps na lang, Matthew! Onti na lang! "Magdadamit? Marurumihan lang rin naman ng dugo iyon kung magdadamit ako. At saka, ano pa ba itatago ko sa iyo kung lahat na sa akin, nakita mo- Shet!" Napakapit kaagad ako sa support ng hagdan pagkabitaw ko ng isang kamay ko sa bangkay kaya nabitawan ko iyon at nagpagulong-gulong pababa sa hagdan. "Mas okay pa pala iyan, ano? Bakit hindi ko naisip iyan? Pinahirapan pa ako." Ang tanga ko pala minsan? Bakit kasi hindi ko na lang pinagulong iyong bangkay pababa sa hagdan kesa pahirapan ko pa iyong sarili ko. "I'm out." Itinaas ni Jale iyong dalawang kamay niya na parang na-surrender tapos tumayo't tumalikod na. Hala; iyong kama pa! "Hoy! Patulong sa kama!" "Bahala ka!" Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pinto saka hinawakan iyong doorknob. "Kalat mo, linis mo!" Naman, o! "Wala kang kwentang kaibigan! Lock mo iyong pinto!" "Oo, alam ko! May makahuli pa sa iyo!" Napangiti ako dahil sa narinig ko. Kahit papaano talaga, ayaw niya akong mahuli. Kapag nahuli naman kasi ako, mawawalan siya ng trabaho. Bumalik na ako sa kwarto tapos kinuha ko iyong kama, na putang ina lang dahil pinahirapan ako sa pagbubuhat! Kaya ang ginawa ko, ibinagsak ko na lang rin mula second floor papunta sa first floor. Bahala na kung magkalat iyong dugo, lilinisin ko na lang. Pagkatapos kong ibalot sa garbage bag iyong katawan ni Ella, inilagay ko na iyon sa trunk ng kotse ko. Bumalik naman ako sa salas para maitago ko muna sa basement iyong kama. Nilinis ko na rin iyong mga dugo na nagkalat sa salas tapos naligo at nilinis ko na nang maigi iyong buong katawan ko. Nakakagutom. Napagod ako ruon, ha? Nang sa tingin ko ay malinis na ang lahat at wala nang bakas ng krimen na naganap, pinapunta ko na si Manang para magluto. Tumambay lang ako buong magdamag sa kwarto ni Coleen dahil wala naman na akong mahihigaang kama. Nang pumunta ako sa kusina para tignan kung tapos na iyong iniluto ni Manang, hindi ako nabigo at naghain na ng pagkain dahil gutom na talaga ako. Wala na rin si Manang sa bahay. Kapag nagpapaluto naman kasi ako sa kaniya, iiwanan niya na lang iyong iniluto niya sa kusina dahil may mga alagain rin siya, iyong pamilya niya. Pagkatapos kong kumain, inayos ko na iyong dapat ayusin tapos dumiretso na ako sa paglilibingan ko ng bangkay. Libing talaga ang dapat. Hindi naman puwedeng itapon ko na lang sa ilog dahil baka may makakita tapos iyong mga marka ko pa ruon sa babae iyong maging ebidensiya na ako iyong pumatay. Pagkatapos kong ilibing iyong bangkay, bumalik na rin kaagad ako sa bahay. I wonder. Nasaan na kaya iyon si Coleen? Wala pa rin kasi siya pagkarating ko dito sa bahay, eh. I already checked every room pero wala pa rin siya. Umupo ako sa couch habang hawak iyong bowl ng chips. Binuksan ko iyong tv tapos isinampa ko iyong dalawang paa ko sa center table. Tae. Amoy patay pa rin pala. Ano ba iyan; tatayo na naman ako. Tumayo at inilapag sa table ang kinakain ko saka ko kinuha iyong air freshener at inispray-an ang buong bahay. Bumalik rin naman kaagad ako sa couch dahil manunuod pa ako ng tv. Tatawagan ko pa lang sana si Coleen habang nanunuod kaya lang nauna na siyang tumawag. "Hello? Col-" "s**t! Aahh!" Sino... Sino iyon? Boses ng lalake? "Tu-Tulong!" Mas nanglaki ang mata ko nang narinig ko ang sigaw ni Coleen tapos humihikbi-hikbi pa siya. "Coleen?!" Napatayo naman ako kaagad kaya natapon iyong bowl ng chips sa lapag. "Hello, Coleen?! Coleen-" "Ahh!~ s**t!~ Mahigit isang buwan palang kitang pinakawalan, sumikip ka na kaagad? s**t- Ano iyan?" "Huwag-" "Akala mo matutulungan ka nitong tinawagan mo? Ulol! Hindi na kita pakakawalan!" "Col-Coleen! Coleen!" Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko, tama nga iyong hinala ko. Ibinaba niya iyong tawag dahil bigla itong nawala. Ano ang nangyayari kay Coleen?! I tried calling her over and over again pero nakapatay na yata iyong cellphone niya. I called her for who knows how many times pero puro fail iyong tawag dahil nakapatay iyong cell phone niya. Putang ina! Ano ang nangyayari kay Coleen?! Hindi naman sana tama itong naiisip ko! Hindi sana tama itong nasa isip ko! Sinipa ko plastic na center mini table sa harap ko kaya umitya iyon sa tv. Pati iyong mga vase na nakapatong sa table, tulad ng tv, nabasag dahil sa ginawa ko kaya nagkalat ang mga bubog sa lapag. Dali-dali akong sumakay sa motor ko. Kaya lang dahil sa pagkataranta at sa sobrang kaba ko, nakalimutan kong buksan muna iyong garage door. Dali-dali ko namang binuksan iyon saka pinaharurot iyong motor palabas. Nasaan ba kasi si Coleen? Ano ang nangyayari sa kaniya? Bakit ganuon iyong mga narinig ko sa cellphone? Pinagtitripan lang ba ako ni Coleen? Pero... mukhang malabong mangyari naman iyong pagtripan ako Coleen sa ganuong paraan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta na lang akong nagmamaneho without even knowing where to start looking for Coleen. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito kagrabe. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang ito naramdaman. Oo, nakaramdam na ako ng kaba nuong unang tatlong beses kong pag-angkin at pagpatay sa mga babae pero nang masundan na iyon, wala na iyong kaba ko, puro saya at tuwa na lang. Pero kung ikukumpara iyong kaba ko dati sa kaba ko ngayon, masasabi ko na MAS pa iyong ngayon. Walang wala ang mga iyon sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam iyong gagawin ko. Maya't maya rin akong humihinto para subukan tawagan si Coleen pero wala talaga. Paano kung napahamak si Coleen? Paano kung nasaktan siya? Hindi ako papayag na hindi ako ang makakapanakit sa kaniya. Paano kung... ginagalaw na ng ibang lalake si Coleen? Ayan iyong pumasok sa isip ko kanina na ipinagdadasal ko sa lahat ng Santo na huwag naman sanang mangyari. May idea na ako na iyon nga ang nangyayari ngayon kay Coleen pero pinipilit ko lang talaga na huwag na lang isipin iyon. May sumasakit kasi sa kaloob-looban ng dibdib ko kapag sumasagi sa isip ko iyon. Kapag sumasagi sa isip ko na may ibang hahawak o humahawak kay Coleen; sa mga pribadong parte ng katawan ni Coleen, hindi ko maiwasang makaramdam ng gigil. Sa akin lang iyon. Lahat ng mayroon si Coleen, pag-aari ko. Pero hindi ko talaga maialis iyong pag-iisip sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon sa kaniya. Ano iyong mga narinig ko? Umuungol na lalake, na parang nasasarapan tapos si Coleen na nagmamakaawa at humihingi ng tulong? Ano iyong mga iyon? Hindi naman pwedeng naglalaro lang sila ng patintero, chinese garter, piko o tumbang preso, hindi ba? Bahay-bahayan. Malamang iyan na ang nangyayari kay Coleen. Iyon ang itinatak ko sa isip ko. Kasi naman, Coleen, nasaan ka na ba? Napahawak ako sa pisngi ako at nagtaka talaga ako kung bakit basa iyon. Napaangat naman ako ng tingin para tignan kung naambon ba o ano. Pero hindi. Saan ba nanggaling iyon? Umiiyak ba ako? Bakit? Bakit naman ako iiyak? Dahil kay Coleen? Hindi naman ako iyong tipo ng tao na iiyak para lang sa babae, so saan nanggaling iyon? Binalewala ko na lang iyon saka pinaharurot ulit iyong motor ko. "Pandacan. Beata Subdivision. House no. 8." Napakunot iyong noo ko dahil sa narinig ko. Bulong ng isang lalake. Pamilyar iyong boses sa akin. Naisip ko rin naman kaagad kung kanino galing iyong boses na iyon. Isang disembodied voice na laging bumubulong sa akin at nagsasabi ng kung ano-anong kagaguhan, na kesyo malapit na ako, iyong importanteg kaibigan ko iyong magiging sanhi ng pagkamatay ko at kung ano-ano pa. Nandiyan rin iyong pagti-tripan ako minsan at su-sutsutan pa. Kaya kahit naguguluhan, tinahak ko iyong daan papunta sa subdivision na iyon. Alam ko naman iyong lugar na iyon dahil malapit lang rin iyon sa subdivision kung saan ako nakatira. At isa pa, duon nakatira sa subdivision na iyon iyong kaklase ko; si Nathan. Tinawagan ko naman kaagad si Nathan at sinabi na abangan niya ako sa gate. Hindi naman kasi ako basta-basta makakapasok ruon dahil hindi naman ako residente duon. Nang dumating ako, pinapasok na ako dahil kay Nathan. Nagtataka nga ito kung bakit napasugod ako sa subdivision kung saan siya nakatira, to think na anong oras na. Around eleven na rin ng gabi. Hindi ko ugali iyong surprise visit dahil hindi ko naman ginagawa iyon. Pinauwi ko na rin naman kaagad si Nathan. Naghihingi ito ng rason kung bakit napapunta ako sa subdivision nila pero hindi ko sinagot iyon kaya hindi na ito nagtanong. Nang makarating ako sa harap ng bahay na sinabi nuong disembodied voice, walang ano-ano, pinasok ko iyon. Buti na nga lang at hindi nakalock. Walang akong nakitang tao sa salas. Umakyat naman ako sa second floor at may nakita akong dalawang- hindi. Tatlo. Tatlong lalakeng may hawak na baril na nagbabantay sa isang pinto sa pinakadulo ng hallway. Hindi ko alam iyong gagawin ko kaya nagtago muna ako. Hindi ko rin alam kung bakit napasugod ako sa bahay na ito. Dahil ba sa sinabi ng boses? Mas okay na na sundin ko iyong boses dahil wala naman akong idea kung saan magsisimulang maghanap. Naguguluhan rin ako kung bakit ako napasugod dito. Mahalaga sa akin si Coleen, oo. Pag-aari ko siya, eh. Mapapasugod ba ako rito kung hindi siya mahalaga sa akin? Oo. Sobrang mahalaga sa akin si Coleen dahil para sa akin siya. Itinakda ko na iyon simula nang ipakilala siya ni Jale sa akin. Pero ano ba iyong binabantayan nuong tatlong lalake na iyon? Ano iyong nasa loob ng kwarto na iyon? Hindi kaya alam nuong nagbulong sa akin ng address na ito kung nasaan ang hinahanap ko? Si Coleen nga ba iyong naruon o ipinahamak lang ako nuong disembodied voice na iyon? Sa isip-isip ko naman, bahala na. Basta malaman ko lang kung ano iyong naruon at siguraduhin kung naruon nga si Coleen sa loob ng kwarto o wala. Bumaba ako tapos nagbasag ng pinggan para makuha iyong atensyon nuong mga bantay. Nang marinig ko iyong mga yabag ng paa nila mula sa itaas, tumakbo ako palabas ng bahay tapos inakyat ko iyong puno sa gilid ng bahay; na sa tingin ko ay kung saan nanduon rin iyong puwesto ng kwarto na binabantayan nuong mga lalake. Nang maakyat ko iyong puno, tinalon ko iyon para makapunta sa terrace ng isang kwarto. "T-Tama na..." May kung anong bagay na nadurog sa dibdib ko at medyo makirot iyon nang marinig ko ang mahinang pakiusap ng isang boses, na alam kong kay Coleen galing. Nagmamakaawa ba siya? Kanino? Binuksan ko iyong glassdoor ng terrace at halos madurog na iyong buong pagkatao ko sa nakita ko. Si Coleen, hubo't hubad habang nakatali iyong paa at kamay sa headboard at paanan ng kama habang gumagalaw iyong lalake sa ibabaw niya. Nakuha ko naman ang atensyon ni Coleen pati nuong lalake, na parang nasa Early thirty's na. "Si-Sino ka?!" gulat na tanong nito saka hinila iyong kumot at ipinangtakip sa katawan niya pati sa katawan ni Coleen. Parang pinipiga iyong dibdib ko ngayon. Ang sakit. Tangina! Natatandaan ko itong lalake na ito dahil siya iyong lalakeng kinatagpo ni Coleen sa park. Pero bakit binababoy niya si Coleen?! Tapos nakatali pa ito na parang preso?! Putangina! Sino siya para gawin iyon kay Coleen?! Hindi ko na pinansin iyong lalake dahil nakatingin ako kay Coleen. Umiiyak lang ito tapos tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan ko. "Matthew..." Ang sarap pakinggan pero medyo masakit din para sa akin dahil hindi siya masaya habang tinatawag ako. Nahihirapan siya; binababoy; nasasaktan. Nagtagis ang bagang ko saka sinugod iyong lalake. "Putangina mo ka!" Pinaulanan ko ito ng suntok sa mukha nang mahila ko ito paalis sa kama. Nagdilim talaga iyong paningin at isip ko. Wala na akong ibang gustong gawin kung hindi patayin ang lalakeng hawak-hawak ko. Ano ba relasyon nila? Bakit binaboy niya si Coleen? Wala siyang karapatang babuyin ito dahil pagmamay-ari ko si Coleen. Bawat suntok na itinatapon ko sa lalake ay may kasamang malulutong na mura ang lumalabas sa bibig ko. Well, I was born a cussing machine. "Matthew..." Para naman akong natauhan nang tawagin ako ni Coleen. Hingal na hingal ako nang tumayo at nilapitan siya. Basag na basag iyong dibdib ko sa nakikita ko ngayon. Parang hayop si Coleen sa itsura niya. May mga kalmot sa ilang parte ng katawan, namumula iyong mga sensitibong parte sa katawan at basang-basa ng luha iyong mukha. Pulang pula rin ang magkabilang pisngi niya, marahil ay dahil sa pag-iyak o pagsampal- hindi ko na alam. "Coleen..." Iyong kaninang napansin ko na nawawala sa kama, hindi ko rin nakita. Iyong dugo. Dugo na nagpapatunay na malinis pa si Coleen. Pero bakit wala? Bakit walang stain ng dugo sa kama? Hindi kaya... hindi na malinis si Coleen gaya ng sinabi niya sa akin noon? Na patapon na siya? Iyon ba iyon? Iniimply niya ba na marumi na siyang babae dahil gamit na siya? Lahat ng iniisip ko ay dinismiss ko na lang. Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, nailigtas ko na si Coleen. Ayan na naman. May tumulo na namang luha, hanggang sa nagsunod-sunod na iyong pagpatak nito. Bakit ba ako naluluha? Dahil ba sa awa? Kailan pa ako naawa? Dahil sa naunahan ako sa isang babae? Hindi rin, eh. Bakit ba kasi? Dali-dali kong tinanggal iyong pagkakatali sa kamay at paa niya saka ko siya niyakap nang maiayos ko iyong pagkakabalot ko ng kumot sa katawan niya. Awang-awa ako sa kaniya. Nasasaktan rin ako sa hindi malamang dahilan para sa kaniya. Hindi ko alam pero parang may nadudurog na kung ano sa dibdib ko. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong nararamdaman para kay Coleen. Puro kahalayan at kung ano-ano lang pero bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan ngayon? Naguguluhan na talaga ako. I'm not capable of loving or even liking someone so why am I crying? "Matthew!" Napamulat naman kaagad ako nang sumigaw si Coleen. Lilingon na sana ako para tignan iyong nasa likod kaya lang hindi ko na nagawa dahil may kung anong bagay ang bumaon sa likuran ko. "Coleen..." Nakita ko ang takot sa mukha niya habang iniinda ko ang sakit ng pagtama ng kung ano sa likod ko. Unti-unti, kasabay ng paulit ulit na pagtawag sa akin ni Coleen ay ang pagsara ng talukap ng mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD