2

4199 Words
-Matthew "Bakit kasi ayaw mo sabihin kung bakit ka pinalayas?!" sigaw ni Jale kay Coleen tapos ibinato niya iyong nadampot niyang throw pillow mula sa sofa. "Jale," Tumayo si Coleen tapos pinipilit niyang pakalmahin si Jale sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito. "Tama naman na, oh?" mangiyak-ngiyak nitong pakiusap habang hawak ng dalawa nitong kamay iyong isang kamay ni Jale na may hawak na kung ano. Pinigilan yata siya ni Coleen na ibato iyong gamit na iyon. Hindi ko naman kasi makita ng malapitan iyong gulo nila kasi nandito ako sa second floor habang nanood sa kanila. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kating-kati ako na bangasan si Jale kasi nasasaktan si Coleen; both emotionally and physically. Natatamaan kasi ito ng mga ibinabato ni Jale. Ang gago lang ni Jale; kung makapagbato kasi ng mga gamit, akala mo sa kaniya iyong mga sinisira niya. Siyempre, as usual, hindi ko naman siya masita. Hinahayaan ko lang kasi talaga siya na gawin ang gusto niya dito sa bahay. Parang kaniya na nga rin ito kung tutuusin. Hindi ko naman alam kung bakit galit na galit siya. Ano naman kung ayaw sabihin ni Coleen iyong dahilan kung bakit ito pinalayas? Hindi naman porque magsyota sila, dapat alam na nila iyong sikretong itinatago ng bawat isa. Hindi na ako nakatiis. Pinutol ko na iyong panunuod ko at binaba na sila. "Aray. Jale..." Napakunot iyong noo ko kasi sa lakas ng pagkakawala ni Jale mula sa hawak ni Coleen sa kaniya, tumama iyong likod ng kamay niya sa pisngi nito. At heto naman si Jale, parang gago! Parang wala man lang pakielam kahit na nasaktan si Coleen. Teka. Kailan pa ako nagkaroon ng pakielam kung may masaktan man na babae? Eto na naman iyong weird side ko, lumalabas. "Tama na iyan." Marahan kong hinatak papunta sa likod ko si Coleen para hindi na masaktan ni Jale. Why do I feel the need to protect her? Ang ironic ko na, tangina. "Pre, huwag kang-" Hahatakin niya sana iyong kamay ni Coleen pero tinampal ko iyong kamay niya habang nakangiti; ngiting alam niya kung ano iyong ibig ko sabihin. Tama na. "Jale, tigil na. Nasasaktan na girlfriend mo." "Parang ewan lang kasi!" sigaw niya bago niya ibinagsak iyong sarili sa couch. "Tinatanong, ayaw sumagot. Wala ba akong karapatan? Boyfriend niya ako, eh." Humarap ako kay Coleen, na umiiyak pa rin hanggang ngayon. "Wait here." Inalalayan ko siyang umupo sa katabing upuan ng hinihigaan ni Jale. Hinarap ko naman si Jale, na kasalukuyang nakatingin kay Coleen. "Dude," Napatingin naman ito sa akin. "Tama na. Nakakasakit ka na." Napangisi siya sa sinabi ko. Bakit? "At talagang sa iyo pa nanggaling iyan." Tumawa siya ng mahina bago tumingin sa ibang direksyon pagkatapos niya umupo. Oo nga naman. Sa akin pa talaga nanggaling samantalang ako nga iyong walang pakundangan kung manakit at pumatay ng babae. Nakakatawa. Nawi-wirdohan na ako sa sarili ko. Napabuntong hininga ako at napailing bago ako pumunta sa kusina para ikuha si Coleen ng maiinom. Pagkakuha ko nuon, ibinigay ko na rito iyon. Nagpasalamat naman ito pero sobrang hina ng pagkakasabi nito though narinig ko naman. -- "Hintayin mo ako," utos ni Jale kay Coleen habang nakaharap sa salamin at inaayos iyong buhok niya. Akala naman niya ikagagwapo niya iyon. "Gagawan ko ng paraan para makuha iyong mga damit mo." Mula sa peripheral vision ko, napansin ko na tumango si Coleen tapos inilagay iyong throw pillow sa kandungan niya. Inilipat ko naman iyong channel nuong TV pagkasandal ko. "Stop," Narinig kong may ibinulong si Coleen kaya napatingin ako sa kaniya. Nakaharap lang siya sa T.V tapos nakasimangot. Medyo hindi ko narinig iyong ibinulong niya pero parang 'tap' iyong sinabi niya. Ewan. "Ano, Coleen?" Napatingin naman siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Ha? A-Ano?" "May ibinulong ka." "Wala. Don't mind me." Nginitian niya ako pero halatang pilit saka pumihit paharap sa TV para manuod. I just shrugged at itinuon ko na lang ulit iyong atensyon ko sa TV. Nilipat ko naman ulit iyon at naghanap ng magandang palabas. "Ano ba ito? Ang hirap ayusin." Narinig kong sabi ni Jale na mukhang nafu-frustrate na yata sa ginagawa niya. "Iyon. Tom and Jerry..." Napatingin na naman ako kay Coleen ng bigla siyang tumawa ng mahina habang nakatitig sa TV. Napatingin naman rin ako rito. Naitigil ko pala sa Cartoon Network iyong channel. At iyong pusa at daga na naghahabulan iyong palabas. "Matt," tawag sa akin ni Jale mula sa likuran na may kasama pang tapik sa balikat ko saka ako niyaya na lumabas. "Leen, stay here and wait for me." utos ni Jale kay Coleen bago kami lumabas. "Bakit?" tanong ko nang makalabas kami. "Matt, puwede ba na dito muna si Coleen?" Parang may nagliwanag sa kaloob-looban ko nang itanong sa akin ni Jale iyon kaya hindi ko naiwasang mapangiti ng bahagya. "B-Bakit?" "Huwag kang ngumiti ng ganiyan. Off limits si Coleen." seryosong sabi niya. "Alam ko." Pagsasawalang bahala ko sa sinabi niya saka ko winagayway ang kamay ko sa harap ng mukha niya. "Ilang beses mo na ba sinabi iyan?" Sumandal ako sa glassdoor na namamagitan sa living room at mini garden dito sa labas saka siya tinignan sa mata. "Gusto ko lang na ipatanda sa iyo na off limits si Coleen kaya huwag mo na subukan." "Tae ka. Sige na. Umalis ka na." Itinulak ko siya palabras ng gate kahit binibigatan niya ang katawan niya. Pasaway talaga. "Matt," Tinignan niya ako ng seryoso habang nakaharap sa akin pagkasara ko ng gate. Alam ko naman kung ano iyong gusto niya iparating; bakit kailangan niya pa ulit-ulitin sa akin ang bagay na iyon? Wala ba siyang tiwala sa akin? Sabagay, kahit ako, hindi rin magtitiwala sa sarili ko. "Oo na. Nakakabobo na paulit-ulit mo na ipinapaalala mo sa akin na off limits si Coleen. Alam ko iyon, Jale." Then again, ngumisi siya. "Sige na, ikaw na muna bahala sa kaniya." Pakiusap niya saka siya naglakad papalayo. Ano ba ang meron dun at laging nakangisi? Pumasok na ako ulit sa loob at nadatnan si Coleen na yakap-yakap iyong throw pillow habang patawa-tawang nanunuod nuong pusa at daga na nagpapatayan na yata. I know that show but I'm not a fan. Napatingin naman siya sa akin at nginitian ako, na siyang dahilan kung bakit naramdaman ko na naman iyong mga moth sa tiyan ko. She's so beautiful and cute at the same time. That's why I'm eager stealing her from Jale. I want her to be mine. And if that happen, I'll kill her. I want to see her blood dropping from my hands and hold her heart, literally. -- "Uhh..." Napatigil si Coleen sa ginagawa niyang pagluluto nang maramdaman niya ako sa likod niya. "What are you doing?" takang tanong ko habang nakatingin sa hawal niyang spatula. I know that that's a stupid question kasi nga sobrang obvious naman na nagluluto siya pero gusto ko lang naman malaman kung bakit siya ang nagawa niyan at hindi iyong katulong? Pagkakaalala ko, pinapunta ko iyong katulong ngayon para ipagluto kami. Isa pa, bisita siya. Dapat lang naman siguro na siya ang pagsilbihan dahil siya ang bisita, hindi ba? "Cooking?" nagtataka niyang isinagot habang hawak pa rin iyong spatula. Hindi ba gagapang iyong mantika sa kamay niya? Kanina pa nakataas iyong spatula na hawak niya. Alam ko na nagluluto siya. She's just stating the obvious. Something hit me. Iyong mga ganiyan sagot, kapag nagtatanong ako, iyon bang binabara ako, sinasamaan ko ng tingin o kaya sinasaktan ko pero bakit ngayon na si Coleen iyong nangbara na parang hindi naman talaga nangbara, bakit parang okay lang? Medyo napangiti pa nga ako. You're effin' weird, Matthew. "I know." sinabi ko habang natawa tapos ginulo ko iyong buhok niya. "What I meant was, bakit ikaw ang nagawa niyan? Bisita ka, hindi ba? Isa pa, pinapunta ko iyong katulong rito." "Itong pagluluto?" Tumango ako. "I hope you don't mind na pinakielaman ko iyong mga gamit rito sa kusina. Nagpalaam na rin ako kay Manang na ako na lang muna magluluto ng breakfast since may ginagawa pa si Manang kaya siya na nagsabi na sabihin ko raw sa iyo na hindi siya makakapunta. At saka, para na rin pasasalamat ko sa iyo; pasasalamat kasi hinayaan mo ako na magstay rito kahit hindi mo naman ako kaano-ano." "Silly." Kasunod ng pagkakasabi ko niyan, parang automatic na lang na umangat iyong kamay ko at pinisil ko iyong ilong niya. Ang weird ko na. Nasobrahan na yata ako sa kakapatay at pagkahumaling sa mga dugo, laman, patay at pagpatay. "Hindi mo naman kailangan gawin iyan. Pero salamat." Nakangiting sinabi ko habang pisil-pisil pa rin iyong ilong niya at ibinabaling iyon sa kaliwa at kanan. Binitawan ko rin naman na dahil grabe na iyong kabog ng dibdib ko na sinasamahan pa ng mga moth sa tiyan ko na parang nagrarally. "No. I should be the one thanking you. So yeah; thank you, Matthew." Medyo nailang naman ako sa ngiti at tingin niya kaya umiwas na lang ako ng tingin at umupo na sa harap ng lamesa. Bakit hanggang ngayon, ganito pa rin ako ka-weird everytime na nandito o malapit sa akin si Coleen? Ang gulo-gulo na ng utak at katawan ko. And why the hell am I smiling like an idiot? Nakakafrustrate itong kaweirdohan ko. -- Two weeks na si Coleen sa bahay. At sa buong dalawang linggo na iyon, naging mas close kami. Tapos araw-araw, kada hapon, around 4 hanggang sa mag-6 ay umaalis siya at may pinupuntahan. Tinatanong ko naman kung saan siya pumupunta. Ang isinasagot niya lang, sa mga kaklase niya. Sa bawat pag-alis niyang iyon, iyon at iyon lang ang idinadahilan niya. Jale constantly checks on her. Kaso may times na nag-aaway sila, na si Jale ang nagsisimula. Kahit na maliit na bagay, ikinagagalit niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit. Gustuhin ko man na umawat sa away nila, hindi ko ginagawa. Away nilang magsyota iyon. At saka, sinabihan ako ni Jale na huwag manghimasok sa gulo nila dahil gulo nilang dalawa iyon. Heto kami ni Coleen ngayon, parehas na walang pasok; parehas na nakatutok sa TV; parehas na nakaupo sa sahig; parehas na nakaconcentrate sa TV at parehas na may hawak na controller ng XBOX. "Talunan ka naman, eh!" matawa-tawang pang-aasar ko sa kaniya. Sinimangutan niya ako tapos itinulak sa braso pagkalapag niya sa sahig ng controller. "Ang daya mo! May cheat ka yatang ginawa bago tayo magsimula, eh!" "Ano? Cheat? Noob ka lang talaga!" Hinablot ko iyong throw pillow na nasa lap niya tapos ibinato iyon sa mukha niya habang tumatawa pa rin. "Weak!" "Augh. Madaya ka! Thirteen - zero? Sino ang maniniwala sa iyo na hindi ka nagchi-cheat kung ganiyan iyong score? Wala akong panalo." Hindi naman kasi talaga ako nagchi-cheat. Sadyang hindi lang kasi talaga siya marunong tapos puro babae pa iyong ginagamit na character. Girls are weak. Tell me, paanong hindi siya matatalo sa ganuon? Naglalaro kasi kami ng Bloody Roar. At ngayon lang siya naglaro nitong laro na ito. Nalaman ko rin na first niya maglaro ng XBOX. Tinuruan ko pa nga siya. Tapos magtataka siya kung bakit natatalo siya? Sira ulo rin. Sasabihan pa ako na nagchi-cheat? "Aminin mo na kasi na weak ka." pang-aasar ko sa kaniya tapos siniko siko ko siya sa balikat. "Expert's luck lang iyan. Tignan natin kung matalo mo pa ako." Nakasimangot siyang humarap sa TV at iniayos na ulit iyong game. Expert's luck? What the f**k? Beginner's luck dapat iyon, ha? Siya na nga itong beginner kaya dapat siya iyong magkaroon ng swerte, hindi ba? Buong maghapon kaming naglaro hanggang sa mag-alas quatro na. At dahil nag-alas quarto na, nagpaalam na siya sa akin na pupuntahan niya na raw iyong kaklase niya. Tinanong ko naman siya kung anong oras siya uuwi at ang sagot lang niya, saglit lang raw siya. Baka may mangyari pa na masama sa kaniya kaya susundan ko na lang siya. Kung may mangyayari man na masama sa kaniya, ako dapat ang may kagagawan nuon. Nandito ako ngayon, nakapuwesto sa malayo pero kita naman kung ano iyong ginagawa ni Coleen. Nakatago siya sa mga shrub ng halaman habang nakatingin sa isang bahay, bahay na may mga lalake na nag-iinuman sa harap. Anong ginagawa niya ruon? At saan ba talaga siya nakatingin? Sa bahay o sa mga nag-iinuman na mga matatandang lalake? Hindi naman totally matanda; nasa fortys siguro nila? I don't know. Nagring iyong cellphone ko pero hindi ko na lang pinansin. Mas importante ay ang malaman ko kung ito ba iyong palaging pinupuntahan ni Coleen everytime na umaalis siya ng bahay, na palaging alas kwatro niya ginagawa. Napakunot iyong noo ko nang biglang nagtaas baba iyong balikat ni Coleen na parang umiiyak na yata tapos itinakip niya iyong dalawa niyang kamay sa bibig niya. Teka. Umiiyak ba siya? Bakit? May sariling buhay yata iyong mga paa ko kasi hidi ko namalayan na nakailang hakbang na pala ako. Agad naman akong umatras at nagtago ulit. What the f**k, Matthew? Nag-sspy ka nga tapos magpapakita ka? Maya-maya, biglang may kinuha si Coleen sa bulsa niya. Pinilit ko tignan kung ano man iyong kinuha niya para sana magkaidea kung ano ba talaga ang nangyayari. Cellphone pala. May natawag yata sa kaniya. Idinikit niya kasi iyon sa tenga niya. Parang hindi naman siya mapakali nang ibaba niya iyong cellphone matapos ang pagkikipag-usap niya sa kabilang linya. Itinago niya ulit iyon sa bulas niya tapos tumakbo papunta sa kung saan kaya sinundan ko pa rin. Nakarating ako sa isang park sa kakasunod sa kaniya. Augh. Stalking is not in my vocabulary. This is so not me. Matthew De Vera would never do this kind of thing, should never do such a thing; ngayon lang. Sa sobrang weird ko, gusto ko na papalitan iyong apelyido ko. Matthew De Weirdo na. Nagtago ako sa hindi kalayuang puno. Halatang hingal na hingal siya kasi nang may nilapitan siyang lalake, itinukod niya iyong dalawang kamay niya sa mga tuhod niya. Lalake? Sino iyon? Kaibigan? Kakilala? Kamag-anak? Tumayo iyong lalake mula sa pagkakaupo niya tapos marahas na hinawakan si Coleen sa pisngi gamit iyong isang kamay niya. Tangina, ano iyon?! Bakit niya ginawa iyon?! "Gusto mong ikalat ko ito?!" sigaw nuong lalake, na umabot iyong boses hanggang sa puwesto ko tapos iwinagayway niya iyong hawak niyang cellphone sa harap ng mukha ni Coleen. Umiling naman si Coleen, na parang nagmamakaawa. "Iyon naman pala, eh! Bakit pinagtataguan mo pa rin ako?! Hindi ba, ang sabi ko-" Mas hinigpitan pa yata niya iyong hawak niya sa panga ni Coleen kasi napahawak na iyong dalawang kamay ni Coleen ruon sa braso nuong lalake. Hindi ko na alam kung ano iyong sunod na sinabi nuong lalake kasi mukhang ibinulong niya lang. Ano ba iyong lalakeng iyon? Sino ba siya? Napapatingin na sa kanila iyong iilang tao na napapadaan, oh? Mukhang umiiyak na rin si Coleen kasi nagtataas baba na iyong balikat niya, parang iyong kanina, noong nagtatago sya. Ano iyong narinig ko kanina? Ano ba iyong pinag-uusapan nila? Bakit pinagtataguan ni Coleen iyong lalake? Ano iyong ikakalat nuong lalake na parang ayaw ipakalat ni Coleen? At sino ba iyong lalakeng iyon? Putang ina, ano iyon?! Bakit biglang hinalikan nuong lalake si Coleen?! Nagtagis ang bagang ko tapos wala sa sarili ko pa na nasuntok iyong puno kaya napatingin sa akin iyong ibang nadaan at mga nakaupo sa benches. Nauna na ako umuwi nang maghiwalay sila. Umuwi ako na sobrang gulong-gulo iyong isip. Bakit umiyak si Coleen habang nakatingin ruon sa bahay o hindi kaya ay duon sa mga nag-iinuman? Ano iyong bagay na ayaw ipagkalat ni Coleen, na nanduon sa cellphone? Sino iyong lalake? Bakit siya hinalikan nuong lalake?! Pumunta ako sa kusina para linisin iyong sugat na natamo ko nang suntukin ko iyong puno. Nakakainis. Bakit ko pa kasi sinuntok iyong puno? Nagkasugat pa tuloy ako. Ano naman kung halikan siya nuong lalake? Ano naman sa akin? Ah. Baka kaya ako nagalit kasi gusto ko ako lang iyong magpapakasaya sa labi, katawan, sa lahat-lahat ng mayroon si Coleen. Tama. Iyon nga iyon. Dapat lang talaga na magalit ako duon sa lalake kasi sa akin si Coleen. Ako lang ang may karapatan sa bawat parte ng katawan niya dahil sa akin siya kahit hindi ko pa siya girlfriend - duon rin punta nuon. "Matthew?" Napatingin naman ako sa entrance ng kusina at nakita ko si Coleen na nakatayo ruon na mukhang nag-aalala habang nakatingin sa akin. Mukha rin na kagagaling niya lang sa iyak, which is alam ko, dahil namumula ang mga mata niya. Ibinalik ko na lang iyong paningin ko sa kamay ko na may sugat at hindi na lang siya binigyang pansin. Ewan. Naiinis pa rin ako sa kaniya kasi nagpahalik siya ruon sa lalake. Ginusto niya man iyon o hindi, hinalikan pa rin siya nuon kasi nagdampi iyong mga labi nila. Teka nga, alam ba ni Jale itong bagay na ito? Girlfriend siya ni Jale, hindi ba? Alam ba ni Jale na may lalake si Coleen bukod sa amin? I mean sa kaniya? "Aray." mahinang ungot ko nang hugasan ko sa sink iyong kamao ko. s**t. Ang sakit nuon, ha? "T-Teka," Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy lang iyong paghuhugas sa kamao ko. "Patingin?" Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya dahil sa pagkakatutok ko sa kamao ko tapos kinuha niya iyong kamay ko na may sugat pagkalapag niya ng first aid kit sa gilid niya. "Ano ba - aray!" reklamo ko pagkadampi niya ng kung anong gamot sa na inilagay niya sa bulak sa kamao ko. "Sorry; ginagamot ko lang." Napatingin ako sa mukha niya. Seryoso siyang nakatutok sa paggamot sa kamao ko. Hindi ko na nga alintana iyong hapdi habang nakatingin sa mukha niya. Dapat galit ako sa kaniya pero bakit? Ano ba iyong dapat ko ikagalit? Hindi naman kami para magalit ako dahil sa nasaksihan ko. Ako lang naman iyong umaangkin sa kaniya. Ni hindi niya nga yata ako gusto. Napabuntong hininga ako. Tama. Hindi naman yata niya ako gusto. Hindi ko alam kung bakit masakit isipin na hindi ako gusto ni Coleen so I'll do whatever it takes para magustuhan niya ako. Nang sa gayon, maangkin ko na siya mapatay at nang mawala na iyong sakit sa dibdib ko kapag iniisip kong hindi ako gusto ni Coleen. "Saan mo ba ito nakuha? Paano ka nagkasugat?" tanong niya habang nilalagyan ng benda iyong kamao ko. "Wala. Napaaway lang." balewalang sagot ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Sa susunod, huwag kang makikipag-away. Masama iyon, masasaktan ka pa." Iyong ginawa mo, hindi ba masama iyon? Hindi ka ba nakasakit? Just to make things clear, hindi ako iyong nasaktan. Si Jale iyon. Mali pala pagkakasabi ko. Hindi ka ba makakasakit? Iyon pala dapat. Natanga lang ako. -- I decided not to tell Jale about the scene I witnessed. Coleen's his girlfriend so it's him who should discover the things that her girlfriend's hiding. Kinumpirma ko rin iyong pag-alis-alis ni Coleen every 4PM. Dalawang beses ko ulit siya sinundan at duon nga siya pumunta tapos umiiyak rin siya everytime na pumupunta duon sa mga shrub ng halaman. Hindi ko naman matanong kung bakit kasi baka malaman niya pa na sinundan ko siya. At good thing naman na hindi siya nakipagkita sa lalake niya noong mga araw na sinundan ko siya. Hindi ko lang alam kung nakipagkita ba siya sa mga araw na hindi ako sumunod sa kaniya. "Ano ang gusto mo for lunch, Matthew?" tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko pero may distansya naman. Gusto ko tuloy siyang hapitin palapit sa akin at halik-halikan. Gustong kong lunch ba kamo? Ikaw. Kahit tanghaling tapat, gusto kita gawing lunch. "Kahit ano." sagot ko sa kaniya habang nakangiti. Itinigil ko na iyong pagsusungit ko sa kaniya noong isang linggo. Oo, isang linggo na iyong nakakaraan simula nang masaksikan ko iyong hindi kaaya-ayang eksena. I don't see any reason naman kasi para ipagpatuloy ko iyong pagsusungit ko dahil hindi pa siya totally sa akin. "Ah. Okay." Saglit lang siyang nakinuod sa akin saka siya tumayo. "May gagawin pa pala ako." pabulong niyang sinabi tapos napakamot pa sa ulo niya. Napataas ang isang kilay ko dahil bigla siyang tumakbo paakyat. Oo, alam kong paakyat kasi sinundan ko siya ng tingin. Bumaba naman siya na may dala-dalang mga gamit; school supplies tapos lumabas siya papunta sa garden. Nagring bigla iyong cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa pagkakalapag ko sa mini table. Unknown number? "Sino ito?" tanong ko pagkasagot ko rito. "Hi, Matt. Si Ella ito." Ella. Iyong babaeng nililigawan ko ngayon. Siyempre, kailangan ko pa rin naman na aliwin iyong sarili ko, ano. Isa siya sa mga patagong girlfriend ko. Lahat kasi ng nagiging girlfriend ko, secret on lang. Hindi ako naggigirlfriend na nalalaman ng kahit sino na nililigawan ko iyong babae at kapag naging kami nuong babae, maliban kay Jale. Pinapangakuan ko naman silang ibubunyag ko iyong relasyon namin once na mag-one week na kaming magsyota. Siyempre, bago ko pa ibunyag, na hindi ko naman talaga gagawin iyong pagbubunyag dahil hindi ako tanga, pinapatay ko na sila. Siyempre naman, baka malaman na ako iyong dahilan ng pagkamatay at pagkawala ng mga anak o kaibigan nila. Sinabi ni Ella na 'kami' na kaya pinapunta ko siya dito sa bahay namin. Malalaman ko rin kung may makukuha pa ba ako dito o wala na. May makuha man kasi ako sa kaniya o wala, papatayin ko pa rin naman siya. Sinabi niya na hintayin ko siya sa labas kaya ganuon ang ginawa ko. Habang naghihintay, may nakita akong lalake sa hindi kalayuan na nakatingin sa akin habang nakangisi. Napakunot naman iyong noo ko nang lapitan ako nito. "Malapit ka na." nakangising sinabi niya sabay tawa tapos naglakad na papalayo. Ano raw? Ano ang pinagsasabi niya na malapit na ako? Siraulo yata iyon, eh? Ilang saglit lang rin nang dumating na siya. Hinalikan ko muna siya bago kami pumasok sa loob. Tangina, hindi pa marunong humalik. "Sino siya?" mataray na tanong niya sa akin pagkaturo niya kay Coleen na kapapasok lang. May mga smudge pa nga ng pintura sa pisngi at damit nito. "Si Coleen. Kaibigan ko." Iniwan ko muna si Ella tapos nilapitan si Coleen habang nakangiti kaya napahinto ito sa pag-akyat. "Anong nangyari sa iyo? Bakit puro pintura ka?" matawa-tawang tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam na may pagkaburara siya sa paggamit ng pintura. "Ginagawa ko iyong project ko." Napatingin naman siya sa likuran ko, kung nasaan si Ella saka siya ngumiti. "Hi," pagbati niya rito tapos ibinalik rin kaagad iyong tingin sa akin. "Sige, may kukunin lang ako sa taas." Tumango na lang ako tapos umakyat na siya. "Dito siya nakatira?" tanong sa akin ni Ella pagkaupo ko sa tabi niya. "Yeah. Wala na siyang matirahan, eh. Kaibigan ko naman siya tapos girlfriend pa siya ng kaibigan ko kaya I offered my place." "May boyfriend siya tapos kaibigan mo pa? Ha. I noticed how she looked at you kanina. Parang ang landi niya. Parang nilalandi ka niya sa mga tingin niya." Medyo nagtagis iyong bagang ko dahil sa narinig ko. Tarantado pala ito, eh. Nagseselos lang yata tapos kung ano-ano pa ang pinagsasasabi tungkol kay Coleen na wala namang katotohanan. Flirtatious looks are not even evident in Coleen's way of looking at me. Parang wala nga lang. Walang halong kalandian. Gusto ko man siyang bigwasan, hindi ko magawa dahil baka makipagbreak siya tapos hindi ko pa makuha iyong kayamanan at buhay niya. "You don't know her kaya huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan." inis kong sinabi sa kanya. Halatang nagulat siya dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko. "S-Sorry." maghinang tugon niya saka ako inirapan. May naisip tuloy ako para mas mapadali ko iyong pagkuha sa buhay at kayaman niya. Better act fast. Baka hindi ako makapagpigil at hiwalayan ko ito at hindi mapatay dahil sa ugaling ipinakita niya. Ayoko sa mga babaeng tulad niya. She reminds me one my ex; parehas silang maarte. "Hindi naman mababawi ng sorry mo iyong sinabi mo, hindi ba? The damage has been done. Magsorry ka man, may damage pa rin. Huwag na huwag mo pagsasalitaan ng ganiyan ang mga kaibigan ko." "Sorry na." Mabilis na humawak siya sa braso ko gamit iyong dalawa niyang kamay saka niya ito niyakap, making me feel her chest. "You know what?" Tumayo ako saka inialis ang pagkakahawak niya sa akin. "I think mas okay pa na umuwi ka muna. Mamaya na tayo mag-usap." "Bakit ba sobrang affected ka sa sinabi ko sa babaeng iyon?" "Just go. Kakasagot mo pa lang sa akin, ngayon pa lang nagkaroon ng tayo, ipinapakita mo na iyong ugali mo." "S-Sorry. Sorry na." Then again, hinawakan niya ulit iyong braso ko. "Babawi ako. Promise, Matt, babawi ako. Kung gusto mo, hihingi rin ako ng paumanhin sa babaeng iyon." Iniwas ko iyong tingin ko saka ako ngumiti ng pagkalaki-laki saka ito hinalikan sa noo para hindi maghinala sa nakita niyang ngiti na nakapaskil sa mukha ko. Everything is going according to plan. Biruin niyo nga naman, makakapatay ulit ako. I wonder... Kailan ko kaya maaangkin si Coleen? Basta, I'll do whatever it takes para mahulog siya sa akin at nang mapadali iyong pagkuha ko ng lahat-lahat sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD