-Matthew
"Saan ka galing?" seryosong tanong ko kay Coleen na kapapasok lang ng bahay. Dume-quatro ako at naghalukipkip. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan na ipinwesto ko sa harap ng pintuan para kapag papasok na siya, ako kaagad ang bubungad sa kaniya.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nasapo niya rin ang kaniyang dibdib pero ibinaba niya rin kaagad ito at nginitian ako ng bahagya. "Matthew-"
"Anong oras na?" pagpuputol ko sa pagsasalita niya. Gustong gusto ko marinig mula sa kaniya ang katotohanan. Kahit naman kasi may balak akong patayin siya, in a way, nag-aalala pa rin ako. Isa pa, I want to know what's going on.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya saka nakatungong sumagot. "Seven?"
Bumuntong hininga ako saka ako tumayo at linapitan siya. Medyo napaatras siya nang maramdaman niya ang paglapit ko saka tumama ang likod niya sa pinto dahil sa ginawa niyang pag-atras. "Coleen, don't you think you're being too careless?!" sigaw ko sa kaniya na siyang ikinabigla niya. Pumamewang ako at tumingin sa itaas saka bumuntong hininga ng nakapikit.
Nafu-frustrate na kasi ako. Gusto ko na kasi talaga malaman kung bakit lagi siyang pumupunta ruon sa bahay na iyon tapos iiyak-iyak siya habang nakamasid ruon.
Oo, sinundan ko na naman siya at nakita ko na naman iyong ginawa niya; nagmasid duon at umiyak. At saka, nakakainis lang kasi. Nasa puder ko siya so kapag may nangyaring masama sa kaniya, natural naman na ako kaagad ang tatanungin. Kababae niyang tao, gabi na siya kung umuwi. Hindi man sobrang late pero gabi pa rin. Tulad ngayon. Maraming siraulo diyan sa labas. What if mapano siya? Kung may mangyaring masama sa kaniya?
Iniisip ko pa lang, gusto ko na pumatay, eh.
Inuulit ko; kung may mangyari man na masama sa kaniya, dahil sa akin dapat iyon.
"Matt-"
"Gabi na, Coleen. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo at umuuwi ka palagi ng ganitong oras?"
"Matt-"
"Paano kapag may nangyaring masama sa iyo? Paano kapag may nanakit sa iyo? Paano kapag may mga siraulo diyan na pinagdiskitahan ka? Paano kapag pinagsamantalahan ka? Paano-"
"Matthew," pagsingit niya habang nakangiti tapos tinakpan niya iyong bibig ko gamit iyong dalawa niyang kamay. The stupid moths are on a riot... again. "I really appreciate na concern ka sa akin-"
Inalis ko kaagad iyong mga kamay niya pagkahawak ko sa mga iyon dahil sa narinig ko. "Hindi ako concern." mabilisan kong sinabi habang nakasimangot saka umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng malalambot niyang mga kamay na hawak-hawak ko pa rin. Para akong napaso sa mga kamay niya kaya binitawan ko kaagad ang mga iyon saka siya tinalikuran at patakbong umakyat sa kwarto ko.
Ako? Concern? Asa naman.
Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako nagkakaroon ng pakielam sa mga tao. Hindi na ako marunong mag-alala sa mga tao. Ako? Si Matthew De Vera? Concern? Where on earth did she get that sick joke?
--
From: Ella
"Matt pls anu b gus2 mo gwin ko pra mkabawi?"
Iyan ang nakita kong text sa akin ni Ella nang buksan ko iyong message sa inbox ko.
Napabuntong hininga ako saka humiga sa kama tapos inispread ko iyong dalawang braso ko. Hindi ko pa naman kasi pwedeng tapusin iyong buhay niya kaagad. Three days na rin siyang tanong nang tanong kung paano siya makakabawi sa kasalanan na nagawa niya.
Gustuhin ko man na tapusin na kaagad iyong buhay niya, hindi ko pa magawa since nandito nga si Coleen sa bahay. Saan ko naman kasi gagawin iyon? Alangan naman na sa hotel? Sa motel? Sa bahay nila? Hindi naman puwede iyong mga lugar na iyon para sa pagpatay ko sa kaniya. Ayokong makulong.
Sa talahiban? Nah, masyadong makati ruon.
Hindi naman puwede rito kasi nga baka makita ni Coleen iyong gagawin kong pagpatay sa Ella na iyon. Edi nalaman niya pa na killer ako. At kapag nalaman niya iyon, malamang lalayuan niya ako. Or worse, magsumbong siya sa pulis.
Paano ko siya maangkin, hindi ba?
Nagreply ako kay Ella at sinabi na pag-iisipan ko kahit pa alam ko naman na talaga iyong pangbawi niya. Ang gulo naman ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ako makapatay ng malaya.
Bumangon ako sa kama tapos ibinato iyong cellphone ko sa ulunan saka lumabas ng kwarto para uminom ng tubig dahil nauuhaw ako at kakain na rin ako dahil nagugutom na ako.
Kasi naman, kanina pa ako nakakulong sa kwarto. Alas dose pasado na noong last na tingin ko sa time ng cell phone ko bago ako bumaba. Hindi pa nga ako nakain ng dinner. Plano ko kasi na iwasan muna si Coleen dahil sa sinabi niya kanina na concern daw ako. Tae. Iiwasan ko talaga siya para mapatunayan ko na hindi ako concern sa kaniya. Akala niya, ha?
Napatigil ako sa pagpasok sa kusina nang may narinig ako na suminghot at humikbi.
Ano iyon? May multo?
Baka isa lang iyan sa mga pinatay ko, nagpaparamdam. Akala naman niya, nila, matatakot ako. Noong buhay nga sila, hindi ako natakot sa kanila, ngayon pa kaya na kaluluwa na lang sila? Ha. Hindi nila ako masasaktan, ano.
Tumuloy na lang ako pero napatigil rin ulit ako dahil sa nakita ko. "Coleen?"
Medyo nagulat yata siya dahil sa naging reaksyon ng katawan niya. Iniharang niya iyong buhok niya sa mukha niya, iyong parang kay Sadako tapos pumailalim iyong mga kamay niya ruon sa buhok niya at mukhang pinunasan niya iyong mukha niya.
"M-Matthew, gising ka pa pala." bahagyang nakangiti na bungad niya sa akin. Rinig ko din ang pagkabasag ng boses niya, katibayan na galing siya sa pag-iyak.
Umiiyak ba talaga siya? Kung oo, bakit naman siya umiiyak?
Napatingin ako sa mga pagkain sa lamesa. Nagluto siya? Oh, iyong katulong iyong gumawa niyan? "Bakit gising ka pa? At saka, bakit ka umiiyak?" Nilapitan ko siya tapos umupo sa tabi niya. Umiling naman siya habang nakatungo tapos napansin ko na nagstiffen iyong braso niya kaya napatingin ako sa kamay niya. May hawak siyang papel yata o picture? I don't know.
I know na sinabi ko na iiwasan ko siya pero nacurious kasi ako bigla kung bakit gising pa rin siya sa oras na ito, umiiyak at bakit parang hindi niya pa nagagalaw iyong mga pagkain sa lamesa.
"Kain ka, Matthew." Naibalik ko iyong tingin ko sa kaniya. Inayos niya iyong paghahain ng pagkain sa plato na ibinigay niya sa akin pero napansin ko na may kuminang sa pisngi niya.
Luha? Umiyak nga siya.
Pinatigil ko siya sa paghahain ng pagkain at hinawakan sa magkabilang balikat saka iniharap sa akin. "Why are you crying?"
"W-Wala. Trip ko lang. May nabasa-" nakangiting sagot niya.
"Coleen, why are you crying?" pag-uulit ko ng tanong.
Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Wala, Matthew. Wala."
"Coleen, isa."
"Matt-"
"Dalawa."
"Kasi-"
"Tat-"
"My life's a mess." mabilisang sagot niya saka bumuntong hininga tapos umiwas ng tingin sa akin. "Sobrang gulo ng buhay ko. Napapagod na rin ako, Matthew. Sobrang napapagod na ako. Parang onti na lang, hindi ko na kakayanin. Kaunting-kaunti na lang, baka wala sa sarili kong tapusin iyong buhay ko. Hindi ko na alam gagawin ko."
Bigla siyang humagulgol kaya niyakap ko siya at ibinaon iyong mukha niya sa dibdib ko. Wala na akong pakielam kahit pa marinig niya ang malakas na kabog ng dibdib ko, na hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganuon na lang kalakas. Awa? Siguro nga. Siguro naaawa lang ako kay Coleen kaya malakas iyong kabog ng dibdib ko.
"Shh. Tahan na." pagpapatahan ko habang hinahaplos ang likod niya gamit iyong isa kong kamay tapos iyong isa ko namang kamay ay nakahawak sa likod ng ulo niya. "Ano bang problema? Bakit mo nasasabi iyang mga bagay na iyan?"
"Ang dami, Matthew. Sobrang dami."
"Come on, tell me. Makikinig ako. Hindi gagaan iyang mga dinadala mo kung hindi mo mailalabas iyan." Hinalikan ko iyong tuktok ng ulo niya saka itinuloy iyong paghagod sa likod niya. Medyo nabigla nga ako sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin.
"Family problem, si Jale tapos..." Then again, humagulgol na naman siya. "Hindi ko na alam. Napapagod na ako. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala akong ginawa kung hindi gawin iyong tama; iyong alam kong nararapat. Pero bakit ganito iyong balik sa mga ginagawa kong tama? I love my family to the extent na kahit na pinalayas nila ako dahil sa nalaman nila, hindi ko pa rin sila kayang iwan; hindi ko sila kayang bitawan. Araw-araw, pinagmamasdan ko sila. Araw-araw, nagtatago ako para lang mapagmasdan sila. Matthew, hindi ko naman ginusto iyong nangyari. God knows na hindi ko iyon ginusto pero bakit kahit anong paliwanag ang gawin ko, hindi nila ako pinakikinggan? Bakit hindi nila ako iniintindi? Dati pa man, hindi na nila ako pinahahalagahan pero kahit na ganuon, minahal ko pa rin sila. Ginawa ko ang lahat para lang maplease sila, para maging proud sila. Pero bakit ganuon? Ako iyong napaglaruan, ako iyong sinaktan, ako iyong winalang hiya pero bakit hindi nila ako kayang ipagtanggol?
"Si Jale. Hindi ko na alam kung bakit ganuon siya. Natatakot na rin ako sa kaniya. Lagi niya akong inaaway. Lagi niya akong sinasabihan ng kung ano-ano. Matthew, ang sakit. Ang sakit-sakit. Wala akong ibang ginawang mali pero nagagalit pa rin siya. Kahit nga wala akong ginagawa, nagagalit siya. Hindi ko alam kung bakit. Minsan, gagawa talaga siya ng paraan para magkapagsalita siya ng masama sa akin. Nasasaktan niya ako. Mentally, physically at emotionally, sobrang nasasaktan ako.
"Iyong isa pa..." Hindi niya naituloy iyong sasabihin niya kasi bigla siya nagbreakdown.
"Awang-awa na ako sa sarili ko. Ano ba itong mga nangyayari sa akin? Masama ba ako sa dati kong buhay? Binuhay lang ba ulit ako para ipadama iyong kabayaran para sa mga kasalanan ko noon sa dati kong buhay? Para paglaruan? Para saktan? Para ipapasan iyong mundo? Hindi ko na alam, Matthew. Napapagod na ako. Gusto ko na sumuko pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Sa tuwing susuko na kasi ako, pumapasok sa isip ko iyong pamilya ko, si Jale, kayo. Kayo na mga kaibigan ko. Gusto ko pa kayong makasama."
Iniangat niya iyong tingin niya kaya nagtama iyong paningin namin. "Sobrang patapon na ako, Matthew. Gusto ko na mamatay.
Tulog na si Coleen kaya iniakyat ko na siya sa kwarto niya saka siya inihiga sa kama. Nakatulog nga kanina sa kakaiyak niya habang nakayakap sa akin. Mukhang pagod na pagod siya.
Bumaba ulit ako para kainin iyong mga nakahain sa lamesa. Pagkatapos ko kumain, nagshower ako sa kwarto ko para mafreshen up naman ako, para medyo maclear iyong mga nasa utak ko. Hindi rin kasi ako sanay na hindi naglilinis o naliligo kahit pa ganitong madaling araw na.
Hinahayaan ko lang na dumausdos sa buong katawan ko iyong tubig na nanggagaling mula sa shower head habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Hindi ko naman alam na... Sobrang bigat pala ng mga dinadala ni Coleen. Sa pamilya niya, malaki problema niya. Kay Jale, na naturingang boyfriend, pero ito pa ang nananakit. Pati iyong isa pa na pinoproblema niya pero hindi niya nasabi. Parang natatakot nga rin siyang sabihin kaya hindi ko na inalam.
Hinayaan ko lang talaga siya na mailabas lahat ng hinanakit niya; lahat ng luha niya; lahat ng sama ng loob na ibinobote niya.
Sa bawat patak ng luha niya, sa bawat hikbi niya, sa bawat pagtatanong niya kung bakit siya nahihirapan, pinhihirapan, sa pagsasabi niya palagi na hindi niya na kaya, sa pagsuko niya, sa bawat pagbanggit niya kung gaano niya kamahal si Jale at sa paulit-ulit na pagsabi niya ng patapon na siya, parang pinipiga iyong dibdib ko tapos may kung anong matutulis na bagay na tumutusok.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko pa iyong pag-aangkin sa kaniya at pagtapos sa buhay niya. Pero in a way siguro, makakatulong pa ang pagtapos ko sa buhay niya para lang makawala na siya sa mga paghihirap na nararanasan niya.
I know na wala ako sa lugar para sabihin ito dahil sa sobrang dami na ng babaeng pinahirapan at pinatay ko pero Coleen doesn't deserve this kind of punishment; she doesn't deserve any of the s**t life has to offer. Kahit na ano pa iyong kasalanan niya, hindi niya naman dapat pinagdurusahan ito. Maraming masama ang loob riyan, maraming tarantado, maraming gago pero bakit kay Coleen pa napunta iyong mga ganuong parusa kung mabait naman si Coleen? Oo, sang-ayon ako sa mga sinabi niya na wala naman siyang ginagawang masama. Kitang-kita ko naman kasi. Kitang-kita ko kung gaano siya kabait.
Ako ang tarantado, masama, siraulo, gago pero bakit ako ang pasarap sa buhay at walang inaalala? Si Coleen ang mabait, walang maipipintas, mapagbigay, mapagmahal kaya bakit siya ang nahihirapan? Bakit siya pinahihirapan sa buhay?
Baliktad na ba ngayon? Ang masama na ang namumuhay ng matiwasay at ang mabait na ang naghihirap?
And I can't believe na sa akin pa manggagaling ito pero I just want to help her. And I'll help her in any possible ways.
Pero may hunch.
Once na okay na siya, I'll never let her go, keep her for myself and I'll be the one who'll end her life.
"No. Hintayin mo ako. Pupunta ako diyan."
"Pero, Matthew-"
"Bye, Coleeeeen." pang-asar ko sa kaniya saka ko ibinaba iyong tawag para hindi na siya makaangal.
Pangiti-ngiti akong bumaba ng fourth floor saka pumunta sa pavilion ng school dahil pupuntahan ko si Nathan; kaibigan ko at the same time ka-block ko. Duon kasi lagi siya nag-sstay every vacant period. Wala naman siyang ginagawa ruon kung hindi tumunganga at magsound trip.
Siyempre, kahit naman ganito ako, pumapatay ng mga tao, nakikipagkaibigan pa rin naman ako. Ang lungkot kaya ng buhay kapag walang kaibigan.
"Matt," bungad niya pagkalingon niya sa likuran, kung nasaan ako, pagkapatong ko ng kamay ko sa balikat niya.
"Papasa na lang nito." Inilahad ko sa kaniya iyong folder ko pero tinignan niya lang iyon.
"Bakit? Hindi ka papasok?" takang tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Oo, pupuntahan ko lang si Coleen."
"Coleen?" Tumango ako. "Sinong Coleen? Iyong kaklase natin sa Gen. Psych o Coleen as in Coleen na syota ni Jale?"
"Coleen na syota ni Jale." pagkaklaro ko. Magkakilala sila ni Jale pero hindi sila magkaibigan. Nagbabatian naman siguro kapag nagkikita pero hindi iyong extent na naglalapitan pa sila. Nagngingitian, nagtatanguan, ganuon.
"O? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?" tanong niya tapos kinuha na niya iyong folder ko.
"Wala lang. Malungkot kasi iyon kaya naisip ko na igala para kahit papaano, gumaan-"
"Siraulo ka." matawa-tawa niyang sinabi sa akin tapos tumayo at inalis iyong isang earphone na nakapasak sa tenga niya. "Bakit hindi mo hayaan si Jale, na boyfriend niya, ang magpasaya sa kaniya? Bakit ikaw pa? May balak ka ba na sulutin si Coleen?"
Sulutin? Bakit ko naman nanakawin ang sa akin naman talaga?
"Isa kasi si Jale sa nagpapahirap kay Coleen." diretsahang sagot ko na ikinabigla niya. Bumuntong hininga ako saka ko siya nginitian. "Sige na," pagpapaalam ko sabay tapik ko sa balikat niya tapos naglakad na palabas ng campus.
--
"Excuse me," Napatigil naman sa paglalakad iyong babaeng pagtatanungan ko matapos ko itong kalabitin. "May kilala ka ba na Coleen Domingo?"
"Uhh... Wala, Kuya."
Ayos. Kinuya ako. Mukha ba akong matanda?
Nakakainis naman. Hindi ko kasi naitanong kung ano iyong section niya. Hindi ko rin naitanong kung anong building niya rito. Mamaya nga, aalamin ko lahat ng dapat kong malaman sa babaeng iyon.
Muntik pa nga akong hindi makapasok. Nawala kasi sa isip ko na nakauniform pa ako ng ibang university. Tapos ang raming tanong nuong mga criminology student na nagbabantay sa entrance. Buti na lang at napakiusapan at nadala ng kagwapuhan ko iyong isang crim. student kaya nakapasok ako.
Nakailang tanong na ako sa buong 2nd at 3rd floor pero wala pa rin akong nakukuhang sagot sa whereabouts niya. Kanina ko pa rin tinetext at tinatawagan pero hindi man lang sinasagot.
Nakakainis naman iyong ibang babae rito, puro mahaharot. Kung makatingin, ang lalagkit. Para akong hinuhubaran. They're effin' eye r****g me - ako pa iyong lalake, ha?
Tangina, nakakairita. Ang sarap nilang patayin.
I stumbled upon a group of students nang makatungtong ako sa 4th floor ng left wing at duon ko siya nakita. Natutulog siya sa balikat ng isang babae tapos nakapalibot iyong iba pang mga babae na masayang nagkukwentuhan. Siya lang talaga iyong bukod tanging tulog.
"Excuse me," pagkuha ko sa atensyon nila. Iyong iba lang ang nakuha ko iyong atensyon, actually. Nakatingin na kasi sa akin iyong iba niyang kasama bago ko pa sila tawagin, na ina-eye r**e na rin yata ako.
"Yes, babe - aray." sabi nuong isang babae na ginawang pader iyong mukha sa dami ng pintura. I mean makeup.
"Bakit?" tanong nuong babae sa akin na pinagpapatungan ng ulo ni Coleen.
Tinuro ko si Coleen habang nakangiti. Napatingin naman silang lahat kay Coleen saka pinagbabato ng bag nilang maliliit kaya nagising ito.
"Hinahanap ka." nakangiting sagot nuong babae na pinagpapatungan ni Coleen nuong ulo.
"Nino... Matthew?" gulat na tinignan ako nito saka dali daling iniayos ang sarili.
Nilapitan ko siya saka ko hinawakan ang kamay niya. "Tara na." hinila ko siya patayo pero hindi siya nagpadala sa akin kahit nakatayo na siya.
"May klase pa kami." Tumingin siya saglit sa mga kasama niya pero ibinalik niya rin iyong tingin niya sa akin.
"Wala iyan. Tara na." Hinila ko ulit siya kaya napaabante na siya palapit sa akin. "Hiramin ko muna siya, ha?" nakangiting pagpapaalam ko sa mga babae. Pinagtutulak naman nila sa hita si Coleen habang itinataboy ito.
I'm aware na scholar siya at bawal siya magcut pero mas mahalaga naman siguro na sumaya siya, hindi ba? Mas mahalaga ang mental health niya.
"Yaaa!" Sigaw ni Coleen nang magsway ulit iyong sinasakyan naming ride.
Hindi ko napigilan na hindi matawa kasi takot na takot talaga siya. Kapag nga pababa na iyong pagsway ng ride, tinatakpan niya iyong mukha niya gamit iyong dalawa niyang kamay kaya hinawakan ko talaga iyong kamay niya para mas maexperience niya iyong ride na ito.
Oo, kanina ko pa talaga hawak iyong kanang kamay niya kahit na kanina pa grabe kumabog iyong dibdib ko pero binabalewala ko na lang.
For once, parang... everything is in place; eveything is right. I don't know pero iyon talaga iyong nararamdaman ko. Siguro masaya ako kasi may mapapatay na naman ako; namely: Ella.
"Grabe, hindi ko kinaya iyon!" reklamo niya habang tumatawa saka ako pabirong sinapak sa braso gamit ang isa niya pang kamay. Naramdaman ko na parang pinisil niya iyong kamay ko kaya bumitaw kaagad ako. Baka kasi kung anong isipin niya.
"Tara, kain naman tayo."
Pumunta kami sa pinakamalapit na pwedeng kainan saka ako umorder. Ibinigay ko sa kaniya iyong inorder ko na foods and drinks, snacks lang, saka umupo sa katapat na upuan niya.
"Matthew, thank you." Napatigil naman ako sa pagkagat sa hawak kong sandwich saka siya tinignan.
Thank you? For what?
"Para saan?" tanong ko saka ako kumagat sa hawak kong sandwich. Nagkasmudge pa ako ng mayo sa gilid ng labi kaya tinanggal ko ito gamit ang dila ko.
"Sa lahat. Sa lahat ng... ano... ginagawa mo. Sa lahat ng ibinibigay mo. Sa lahat ng kabutihan mo." Itinigil niya iyong pagkutkot niya sa hawak niyang sandwich saka ako tinignan sa mata kaya umiwas ako ng tingin kasi medyo nakaramdam ako ng hiya. "Thank you."
Thank you?
Magpapasalamat pa kaya siya kung alam niya na may plano ako? Na plano ko siyang angkinin tapos patayin? Panigurado, kamumuhian niya ako.
"Okay." balewalang sagot ko.
"Bakit ka nakasimangot?" Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
Nakasimang... Oo nga. Nakasimangot nga ako. Kaagad ko naman iyon pinalitan ng ngiti; kahit parang pilit yata ang kinalabasan. Ewan ko. Naging uneasy kasi ako bigla sa mga naisip ko.
Umiling na lang ako habang nakangiti saka kumagat ulit sa sandwich.
Nang matapos kami kumain, nagpahinga lang kami saglit, bumili ng ice cream tapos cotton candy at sumabak ulit sa rides.
Ang last ride na ginusto niya ay Ferris wheel.
Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara iyong eksena ngayon sa napapanuod kong mga palabas; na may lalake at babae na nakasakay sa ferris wheel tapos iyong magsisimula iyong mushy stuff kapag hinawakan na nuong lalake iyong kamay ng babae at nagsimulang magsalita.
Not in a million years na gagawin ko iyon kay Coleen, ano! I'm not a romance material kind of guy. In fact, wala akong gagawan noon kahit na kanino pa. Nakakahiya kaya.
"Alam mo..." pagbabasag niya ng katahimikan habang hawak iyong stuffed toy na napalanunan ko kanina sa isang booth. "Never namin ginawa ni Jale ito. Itong... pagpupunta sa mga ganito?" Tumawa siya nang mahina tapos tumingin sa akin pero halatang pilit lang. "Nakakatawa lang."
"Bakit? Ano ba iyong ginagawa niyo ni Jale at nakapagstay na maging kayo hanggang sa mag-isang taon kayo?"
"Wala?" marahan niyang sagot tapos parang patanong iyong tono.
"Ha?" What does she mean by wala?
"Literally, wala. As in, wala talaga."
"Bakit ayaw niyo pa maghiwalay?"
"Wala. Ayaw lang namin. Ayoko rin kasi mahal ko siya." Then again, tumawa ulit siya pero pilit. "Nakakatanga talaga ma-in love. Sa buong isang taon, wala akong matandaan na nagdate kami. Yeah, niyayakap niya ako pero halatang napipilitan lang siya. Hinahalikan niya ako pero smack lang palagi; parang nandidiri pa siya minsan. Every monthsary, hindi niya gustong i-celebrate. First anniversary namin, hindi namin naicelebrate kasi tinamad siya. Hindi ko alam. Kahit na nasasaktan na ako, hindi ko siya magawang iwan kasi wala, eh. Tanga ako. Mahal ko kasi. Nakakatawa."
"Oh, oh." Lumipat ako ng puwesto at tumabi sa kaniya kaya medyo umuga iyong sinasakyan namin. "Huwag ka umiyak."
"Sorry." mahina niyang tugon tapos pinunasan niya iyong mga luha niya gamit iyong likod ng free hand niya.
Bumuntong hininga ako saka ulit siya niyakap. Magiging habit ko na yata ito para lang mapagaan iyong loob niya.
Siyempre sinabi ko na tutulungan ko siya in any possible ways, hindi ba? Siguro naman, by this, matutulungan ko siya na bawasan iyong nararamdaman niyang bigat, na malaman niya na may kasama siya, na... may kaibigan siya.
Na may Matthew siya.
"Dinala kita dito para magsaya," pangaral ko hang hinahagod iyong likod niya. "Para kalimutan mo muna iyong mga bagay-bagay na nagpapahirap sa iyo; para ngumiti ka na ulit; iyong totoong ngiti mo." Kinuha ko iyong panyo sa bulsa ko tapos pinahiran ko iyong mukha niya na basa na dahil sa luha. "Dinala kita rito dahil baka kapag sumaya ka, bumalik na iyong dating ikaw. Iyong dating Coleen na sobrang kengkoy, sobrang kulit; iyong Coleen na masiyahin."
"Matthew..." Napaangat iyong tingin niya kaya nagtama iyong mga tingin namin.
"Gusto kong bumalik ka na sa dati, Coleen."
After niyang umiyak bumaba na kami dahil saktong natapos na iyong ride. Nagpaalam siya na mag-ccr lang siya kaya nang tumango ako, umalis na siya para magbanyo.
Umupo muna ako sa isang bench tapos ininom iyong binili kong softdrink na nasa lata. Inirest ko iyong braso ko sa sandalan ng bench saka pinagmasdan ang mga tao na naglalakad-lakad.
Napasimangot ako. Wala lang. Nakita ko lang kasi iyong mga pamilya na magkakasama. Hindi naman ako nalulungkot. Kayang-kaya ko naman bumuo ng pamilya kung gugustuhin ko.
Naramdaman ko naman na nagvibrate iyong cell phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko. Nagtext si Ella, tinatanong kung nasaan raw ako. Nanduon daw kasi siya sa tapat ng bahay ko. Umiling na lang ako at tinago iyong cell phone ko kahit hindi pa narereplyan.
"Malapit ka na." narinig kong bulong ng isang boses ng lalake sa kaliwang tenga ko. Pagkatingin ko naman sa gawing iyon, wala namang tao. "Hindi mo alam," Narinig ko na naman iyong boses ng lalake. This time, sa kanang tenga ko naman siya bumulong kaya lumingin ako ruon pero wala pa rin. "Iyong importanteng kaibigan mo iyong magiging dahilan ng pagkamatay mo."
Ano ba iyon? Tae, minumulto yata ako.