kabanata 5

2683 Words
Mabuti na lang ay walang pasok si Ruby ngayon kaya buong umaga lang siyang nakahilata sa higaan, tinatamad siyang gawin ang module na dapat ay inaasikaso niya ngayon. Gusto niyang magmistulang totoong pahinga naman ang rest day niya, mamayang gabi rin naman ay may pasok siya sa kanyang part time job. “Girl, nabalitaan mo ba ‘to?” tanong ni Clara na ginagamitan ng blower ang buhok, maya maya lang din kasi ay papasok na ito. Kumunot ang noo ni Ruby habang naniningkit ang mata na tinitignan ang pinapakita nito sa cellphone. “Ano ‘yan?” Nagkibit balikat ito. “Natagpuan lang kaninang umaga, hindi nila alam kung ano ang gumawa nito at ang suspetya nila ay isang hayop. Pero anong klase naman?” Pinagmasdang mabuti ni Ruby ang mga larawan, isang babaeng duguan na nakahandusay sa isang eskinita. Sa ibang larawan ay kitang kita ang kagat ng kung ano man sa leeg nito, ang mata ng babae ay dilat at ang bibig ay nakabuka. Halatang nahirapan pa ito bago bawian ng buhay, grabe ang pamumutla ng mga balat nito na sa tingin niya ay naubusan ng dugo ang dahilan. Napangiwi siya at kinilabutan. Naalala niya tuloy ang duguan na bangkay ng kanyang kidnapper, lumipas na ang halos dalawang buwan mula nang mangyari ito pero paminsan-minsan ay naaalala niya pa rin ang nangyari nang gabing iyon. Pakiramdam niya kasi ay may nakalimutan siya, ngunit kahit anong isipin niya ay wala naman. “Baka aso?” tanong niya sa kaibigan. “Hindi! Hindi ako naniniwalang aso ang may gawa niyan.” “Bakit naman?” Ngumisi siya. “Baka naman wolf?” “Sus! Wala naman gano’n dito e. Payag ako kung werewolf pa, parang si Jacob Black.” Hagikgik ni Clara saka tumayo at inayos ang kanyang uniporme, kinuha ang bag. “Aalis na ko, male-late na ko, bye!” Kumaway na lang si Ruby kahit hindi na iyon nakita ng kaibigan dahil lumabas na agad ito ng pinto, napapikit na lang siya at nagbuntong hininga. Wala na nga siyang gagawin ay wala pa siyang kasama, ang kaibigan nilang si Emma ay kaninang alas sais y media pa umalis. Nagising pa nga siya kanina habang kumikilos ito dahil may hinahanap na naman, napailing na lang siya habang iniisip ang kaibigan. Nagpasya na lang siyang lumabas at tumungo sa isang bookstore para bumili ng mga libro, tuwang tuwa siya nang makita ang librong Appeasement by Tim Bouverie. Ang libro na matagal niya nang hinahanap! Matapos bumili ay sunod siyang nagtungo sa isang coffee shop at doon tumambay para basahin ang nabiling libro habang hinihintay oras sa kanyang trabaho para mamaya. “Nice to see you again, Ruby.” Bati ng owner na si Icarus pagkapasok niya sa coffee shop nito. “Hello, Icarus! Pwede ba akong tumambay dito?” “Sure, no problem.” Saglit pa silang nagkamustahan bago iniwan ni Icarus si Ruby dahil may gagawin ito, umupo siya sa pinakadulong parte ng coffee shop. Icarus is a closed friend of hers, nagkakilala sila dahil kay Emma sa isang club. Mas matanda ito ng ilang taon sa kanya at nakapagtapos ng kursong culinary kaya naman nagawa na nitong magtayo ng sariling coffee shop. Sa itsura ni Icarus na mukhang playboy, hindi niya aakalain na meron itong ganitong business. Suot ang kanyang earphones ay sinimulan niyang basahin ang libro. Ang magbasa ng mga history books ang pinaka paboritong gawin ni Ruby tuwing rest day niya, lalo na kapag may nalalaman siyang panibago. Gustong-gusto niya kasi na kinukwento rin iyon sa mga estudyante niya. “Ma’am..” Kumunot ang kanyang noo nang ipatong ng isang waitress ang isang tasa ng paborito niyang cafe chai latte sa kanyang lamesa, nag-angat siya ng tingin sa nagdala nito. Tinanggal niya ang kanyang earphone at pinatong ang binabasa niyang libro sa lamesa. “I’m sorry, but I didn’t order this.” Aniya. “Certainly, but I did.” The low chilling, familiar voice reached her ears before he sat down in front of her. Nanlaki ang mata ni Ruby nang makita ang taong ngayon ay nakaupo sa harap niya. Lumipas na ang lagpas isang linggo mula nang makita niya ito sa masquerade party na dinaluhan niya, matapos ng gabing iyon ay hindi niya na ito nakalimutan. “Hello again, love.” Nagpawis ang kanyang mga palad, her throat went dry because of his gaze. Isang itim na damit ang suot nito at ang buhok na hanggang balikat ay nakatali. His forest green eyes that framed with thick lashes— ignited a fire under her skin. Then his lips curved into a harsh smile, which deepened lines on his face that only made him look more attractive. She spent days of days remembering of what this stranger looked like, thinking about his elegant but strong features. Ngunit walang wala ang mga inalala niya sa nakikita niya ngayon, it was more than she remembered and she can’t take it. Nang sumakit ang kanyang dibdib ay saka niya lang napagtanto na hindi pala siya humihinga simula nang dumating ito, humugot siya ng malalim na paghinga at kinagat ang kanyang labi. “H-hello...” Her heart tumbled, and it was like he knew because his lips quirked and raised a dark brow. Dumapo ang mata niya sa isang babasaging baso na hawak nito. He took a sip, licking his lips clean. Her blood heated to an impossible level— thinking about the kiss that they shared that night together. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang epekto ng estrangherong ito sa kanya. Para siyang nanghihina! “Nice to see you again.” Kahit nanunuyo ang lalamunan ay nagawa niya muling magsalita, binaba ang tingin sa cafe chai latte sa lamesa. “Thank you for this, this is my favorite one..” “My pleasure.” Ruby couldn’t get his accent, she’s not good at differentiating those. But the way words coming out of his mouth are like music to her ears. She stared at him for a moment and nodded, awkwardly. She squeezed her crossed legs together and bit the inside of her cheeks. “Are you cold?” he asked. “Huh?” “You’ve been shivering a lot since i sat here.” he observed. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi at walang pag-iisip na nagsalita. “What’s your name?” “Samael Libéreau.” “Uhm, Ruby..” she smiled. “Ophelia Ruby Chavez.” His sensual lips curled into a smile. “Lovely to meet you, Ophelia.” Saglit siyang napatitig dito. She’d never like her first name, since she was a kid. Ayaw niyang may taong tumatawag sa kanya nito, pero ang manggaling ito sa bibig ni Samael ay hindi na masama. “You too.” Parang may nabunot na tinik sa kanyang dibdib. Magmula nang gabing iyon ay araw araw siyang nagsisisi kung bakit hindi niya naitanong ang pangalan nito, she wanted to assure herself that this gorgeous man in front of her was not just her imagination. She felt relief to know that she wasn’t crazy enough to create a scenario of her kissing a man, it was very true. At ang taong iyon ay nakaupo sa harapan niya ngayon. Samael Libéreau. Oh, what a name! It suits his dark and mysterious aura very well. Sabi ni Ruby sa sarili. Ang apelyido pa nito ay kakaiba. Bubuka na sana ang bibig niya para magsalita nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagulat si Ruby nang mapagtantong alarm niya ito para sa kanyang trabaho, kailangan niya nang umuwi at magmadali! Dapat nga ay ganitong oras ay nag-aasikaso na siya. Agad siyang napatayo at tumingin sa kaharap. “I’m sorry, but i have to go.” He stopped her with a hand on hers. Nakuryente si Ruby sa hawak nito, napasinghap siya at agad na nailayo ang kanyang kamay. “No.” he said, almost commanding. Natigilan si Ruby dahil doon. “S–sorry, pero kailangan ko nang—” “May I see you again?” His voice lowered and it was mesmerizing. “Please, allow me.” Ruby smiled. “Sure.” “Tomorrow?” he said with a warm tone. “I mean, i want to see you again tonight but i’m willing to wait all night and much of tomorrow.” Ruby almost gasped, it was impossible to say no. She swallowed and managed to relax. “Alright, tomorrow..” Hindi niya alam kung paano niya nagawang iwan ang taong iyon. She didn’t wanna go! Kung wala lang siyang trabaho ay mananatili pa sana siya ng matagal, hindi niya maiwasan na mainis sa nangyari. It happened so fast! Niyakap niya ang dalang libro at kinagat ang kanyang labi habang naglalakad, it felt surreal. Nasa trabaho na si Ruby ay iniisip niya pa rin ang nangyari, ni hindi siya makapag concentrate ng maayos! Kinulong niya ang kanyang pisngi gamit ang mga likod ng kanyang palad at bumuga ng hangin, pakiramdam niya kasi ay nag iinit ito. “Hoy, ano ‘yan!” Napaigtad si Ruby dahil sa pabirong paghampas sa kanya ng katrabaho niya, lumingon siya rito saglit at pinagpatuloy ang inaayos na lamesa. “Tulala ka kanina ah? Bakit?” Tumawa siya. “Hindi ah, hinawakan ko lang ang pisngi ko.” Hindi ito naniwala ngunit wala nang sinabi, bagkus ay pinagmasdan lang siya ng kakaiba. Iiling-iling na iniwan niya ito, nagpaalam na pupunta ng banyo para maghilamos. Pinagmasdan niya ang kanyang basang mukha sa salamin at nagbuntong hininga, napatigil na lang siya sa pagpupunas ng kanyang kamay nang makarinig siya ng malakas na pagtili ng isang babae. A horrifying scream of a woman echoed. Agad siyang napalabas ng banyo at naabutan ang mga kasamahan at mga customer na natigilan sa lahat ng ginagawa, nagkatinginan silang lahat. Ni walang nakapagsalita dahil sa gulat, ang sigaw ay nanggaling sa labas ngunit halatang malapit lang sa restaurant na pinagtatrabahuhan nila. “s**t, ano ‘yon?” Tanong ng kasamahan niya. “Oh my God!” Isa na namang tili ang narinig nila at mas lalo itong malakas, kumabog ng malakas ang dibdib ni Ruby. Nang tignan niya ang oras ay nakita niyang alas onse na ng gabi, halos kapareho nito ang oras no’ng may nagtangkang kumidnapped sa kanya. And no one helped her. “Lock the entrance!” Utos ng manager nila. “Wait!” Napatingin ang lahat kay Ruby dahil doon. “L-let me check..” Nanlaki ang mata ng mga kasama niya ngunit hindi niya na ito pinansin at nagmamadaling lumabas, sinigawan siya ng mga kasama niya ngunit hindi na siya sinundan dahil sa takot. Hindi na niya pinansin ang mga tawag nito, niyakap niya ang kanyang sarili dahil sa takot habang mabilis na lumilinga-linga sa paligid. I might still save her, aniya sa sarili. Wala na muling sumigaw. Nang dumaan sa kanya ang malakas na hangin ay nagtaasan ang mga balahibo niya, para siyang nanlalambot dahil sa kaba. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa taong sumigaw, ngunit maaaring buhay pa ito— ayon ang pinang hahawakan ni Ruby. Alam niya ang pakiramdam nang walang tumutulong sa iyo sa ganoong sitwasyon, kahit na ano pang sigaw niya. She felt helpless, akala niya nga ay matatapos na siya no’ng gabi na ‘yon. Sinuwerte lang siya, siguro ay hindi niya pa nga talaga oras. Nang may nakita siyang kahoy na pamalo ay dinampot niya ito, hinanda ang sarili habang pinipilit aninagin ang mga madidilim na pasilyo. Hindi tumitigil sa pagkabog ng mabilis ang dibdib niya, wala na siyang ibang naririnig kundi ang mga hinahangin na dahon ng mga puno. Ang mga building at ang mga bahay ay sarado na, ang restaurant na pinagtatrabahuhan niya ang tanging nakabukas ng ganitong oras kaya dinadayo talaga ito. “Oh, Lord!” Napasigaw siya nang may dumaan na daga sa kanyang paa, nagsisisi siyang hindi niya dinala ang cellphone niya na sana ay nagagamit niya bilang flashlight. Muli siyang napasigaw nang muntik na siyang madulas dahil sa isang madulas na likido, nagbaba siya ng tingin at agad na nanlaki ang mata nang makita ang dugo sa kanyang paanan. There is no way in hell that this isn’t blood! Umatras siya at mas hinigpitan ang hawak sa kahoy na pamalo. Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim para ihanda ang sarili, nang maramdaman niya ang malamig na kamay sa kanyang braso ay bigla na lang siyang nanigas. Hindi niya na nagawang gumalaw dahil sa sobrang takot, pakiramdam niya ay mawawalan na lang siya ng malay dahil sa labis na takot na nararamdaman! “Ophelia..” Humupa ang lahat ng takot nang marinig niya ang boses na iyon, nagdilat agad siya ng mata at nagtaas ng tingin sa taong kaharap niya. “Samael?” her eyes widened. “Anong ginagawa mo rito?” Nakatalikod siya sa ilaw sa poste kaya hindi siya sigurado kung nakikita siya ng maayos nito, pero siya ay kitang kita niya. His lips are oddly reddish tonight, it might be just her imagination ngunit nakita niya ang dumaan na pula sa mata nito. Sobrang bilis nito na hindi niya alam kung namamalikmata nga lang ba siya. “I would like to ask that question, also.” Sambit ni Samael sa malamig na boses, kinilabutan si Ruby dahil doon. “What are you doing at this hour in a dark alley? “M-may narinig akong babaeng tumitili,” aniya. “Gusto ko siyang tulungan, Samael. Hindi mo ba iyon narinig?” Kumunot ang noo nito. “I... heard that, as well.” “Kaya ka ba nagpunta rito?” Tanong niya at mabilis na nilinga ang madilim na pasilyo kung saan nanggaling ang mga dugo na natapakan niya kanina, tinuro niya ang mga dugo sa daan. “Look! There’s blood all over! Baka nandoon ang babaeng sumigaw kanina sa dilim, she might be badly hurt! We might still save her life!” Nang hindi sumagot si Samael ay bumaling muli rito si Ruby, nagulat siya nang malaman na sa kanya lang nakatuon ang atensyon nito at hindi sa sinasabi niya. Hindi man lang nilingon ang tinuturo niya— na para bang hindi ito interesado. She gulped at the sight, his gaze did strange things to her defences. Magsasalita na sana siya nang may ilang ilaw na nanggaling sa flashlight ang naaninag niya sa hindi kalayuan, napapikit siya habang inaaninag ang mga taong paparating. Nang malaman niyang mga pulis ito ay nakahinga siya ng maluwang, siguro ay ang mga kanyang katrabaho ang tumawag sa mga ito. Si Samael ay hindi man lang lumingon sa mga parating, nang maramdaman niyang aalis ito ay agad niya itong hinawakan sa braso. “Don’t—” saad niya at pinagmasdan ito. “Don’t leave..” His forehead creased then his eyes grew darker and a strange feeling pervade the air— it was heavy, cold and strange. Her throat went dry and she shivered, binitawan niya ang braso nito at umatras ng isang beses. “Oh, sorry...” Gulat na sambit niya. Did i make him mad? He looked confused for a moment then he sighed, his eyes got back to normal and brushed his finger along her cheek. Napapikit siya dahil doon. “I’ll see you tomorrow.” his voice was deep and sultry. Wala na siyang nagawa kundi tumango, bago pa man makarating ang mga pulis ay nakaalis na ito sa harapan niya nang hindi niya namamalayan. “Ikaw po ba si ma’am Ruby Chavez?” Tanong ng kadarating lang na mga pulis, dahil doon ay nakumpirma niyang mga katrabaho niya ang tumawag ng mga ito. Wala sa sarili siyang tumango kaya gano’n din ang mga ginawa nito, nang ilawan nila ang lugar kung saan siya nagsususpetya na nandoon ang narinig niyang sumigaw ay wala silang nakita na bangkay. Ngunit may mga dugo na nagkalat doon. “Ayos lang ba kayo, ma’am?” tanong ng isang pulis at inabutan siya ng isang bote ng tubig. Tumango lang siya at kinuha tubig, pagkatapos niya uminom ay pumikit siya habang niyayakap ang kanyang sarili, pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya. She felt a shiver down her spine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD