kabanata 6

2645 Words
Kinaumagahan ay tinakdang missing ang babaeng narinig ng karamihan na sumisigaw nang nag daang gabi, dahil sa bag nito na nakita ng mga pulis na nakakalat sa kalsada ay napag-alaman ang pagkakakilanlan nito. Hindi niya ito kilala sa pangalan pero sigurado siyang nakita niya na ito sa kung saan, siguro ay sa TV o kaya ay sa diyaryo, hindi malabo iyon dahil sikat ang pamilya nito. “Madison Rigos, a seventeen year old tourism student. Nag-iisang anak ng isang politiko na si blah blah blah..” Binaba ni Emma ang kanyang cellphone para lumingon sa kaibigan na si Ruby. “Ito ang gusto mong iligtas kagabi?” Tumango lamang si Ruby. “Yes, pupunta rin ako sa presinto ngayon dahil may mga itatanong pa sila sa’kin.” “Ano naman ang isasagot mo doon?” tanong naman ni Clara na naglalagay ng cutics sa kuko. “Sabi mo ay pagdating mo ay wala na ‘yung babae, ano naman ang kakailanganin nila sayo?” “Baka lang may masabi ako na makatulong sa kanila.” “Kung ako sayo ay hahayaan ko na iyan, tutal ay nakapaskil na rin naman ang mukha no’n sa kung saan-saan,” ani Emma. “Malaki ang kapit ng magulang no’n kaya magagawan na nila iyon ng paraan.” “And?” Kumunot ang noo ni Ruby. “I’m just helping a kid, guys. Bata lang iyon ah, parang hindi niyo naman ako kilala! Mali ba itong ginagawa ko?” “Wala akong sinasabing mali! Ang iniisip lang namin ay ikaw, politiko ang tatay no’ng nawawala. Maaaring kalaban nila ang may pakana ng pagkawala ni Madison Rigos, delikado ang mga iyon. Ayaw lang namin na madamay ka, Ruby. Ang tahi-tahimik ng buhay mo, mamaya ay madamay ka pa diyan.” Nginitian niya ang mga ito. “Hindi iyan, wag kayong mag alala sa’kin..” Nagbuntong-hininga ang dalawa niyang kaibigan, ngumiti na lamang si Ruby at pinusod ang kanyang buhok habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Nagpaalam siya sa mga kaibigan para magpunta sa mga pulis, tinawagan siya nito kaninang umaga para sagutin ang ilan pang katanungan. Kagabi ay hinayaan na muna siyang umuwi ng mga ito, hinatid pa siya sa dorm. Ruby sighed. Hindi niya alam kung ano rin naman ang maitutulong niya, nakakaramdam lang siya ng panghihinayang dahil hindi niya nailigtas ito kahit pa binuwis niya ang kanyang buhay sa paglabas ng restaurant ng gabing iyon. At ang bata pa nito, kasing edad ng kanyang kapatid. Pumasok na lang bigla sa isip niya si Samael, wala siyang sinabi rito ngunit alam niya sa sarili niya na kaya ito basta umalis kagabi dahil umiiwas ito sa mga pulis. Hindi siya mapakali. Iniisip niya kung bakit nando’n iyon nang gano’ng oras at kung paano siya nito nakita, hindi niya maisip na coincidence lang ang lahat. Naaalala niya rin na niyaya siya nitong magkita sila ngayong araw, ngunit hindi niya alam ang detalye. Ang oras at lugar kung saan sila magkikita, hindi na niya naitanong ang mga iyon at hindi rin naman siya tinanong nito. Kung alam man niya, hindi siya sigurado kung sisiputin niya ito. Inaamin niya naman na kahit attracted siya sa lalake na iyon ay hindi niya naman ito lubos na kilala, ilang beses niya pa lang itong nakikita. Ngunit hindi niya naman inaasahan na makakasalubong na lang bigla niya ang taong hindi siya sigurado kung gusto niyang makita ngayong araw, si Samael. Malayo pa lang ay napansin niya na agad ito, nangingibabaw ito kahit pa ang dami ng mga tao. Napatigil siya sa paglalakad nang tumigil ito sa harapan niya. Suot ang kulay itim na damit at pantalon. He always wear these dark plain clothings, ngunit nababawi ang lahat dahil sa itsura nito. Napatitig siya rito at huminga nang malalim. Hindi niya alam kung kailan siya masasanay sa presensya ni Samael, she can’t get used of how much attractive this man was. Ang mga taong dumadaan ay napapasulyap dito at napapatitig, hindi niya naman iyon masisisi. “Are you well?” tanong nito, his voice was deep and rumbled through her. “Yes.” Tumango siya ng isang beses at tinitigan ito sa mata. “I wanted to ask you something, Samael.” “Ask me,” he demanded. She breathed deeply and narrowed his eyes at him. “Bakit hindi ka nagpakita sa mga pulis kagabi?” His eyes hardened. “I don’t wish to deal with them.” “Why were you there last night?” Kumunot ng bahagya ang noo nito dahilan para kabahan si Ruby, ayaw niyang ipahalata rito na pinag-iisipan niya ito ng kakaiba. Ayaw niyang magbintang ngunit nagtataka lang siya sa inasal nito kagabi, kung wala itong ginagawang masama. Bakit hindi ito magpapakita sa mga pulis? Hindi ito kumibo agad. He stared at her for a moment, his gaze emotionless. “I just happened to passed by that area.” “Naglalakad ka lang? To where?” “To my place, Ophelia.” Hindi siya nakasagot agad. She only nodded her head once, swallowing thickly. Ngayon pa lang ay alam niyang alam na nito ang kanyang ginagawa, but he just decided to go for it. “Is your place near here?” “Yes.” “Can i come?” He tilted his head thoughtfully to the side. She had only met him for a couple of times but she know that he do this when he was particularly amused. Ruby blushed fiercely and averted her gaze, gusto niya lang naman malaman kung totoo ang sinasabi nito na malapit lang ang tinitirhan nito. Dahil dati ay hindi niya naman ito nakikita, imposible rin na hindi niya ito mapapansin kung makakasalubong man niya. He responded simply, “Anytime.” Hindi na muling nakapagtanong si Ruby nang tinawagan ulit siya mula sa presinto, habang kausap ang nasa kabilang linya ay nag-angat muli siya ng tingin kay Samael. He was staring at her patiently, nang matapos ang tawag ay tinanong niya ito. “Gusto mong sumama?” Tumango ito. Hindi na nga tinanong kung saan sila pupunta, na para bang alam na nito kung saan sila patungo. Nang makarating sila sa presinto ay tinantya ni Ruby kung magugulat ito na nandito sila pero wala itong naging reaksyon. “Miss Chavez,” bati ng isang police officer bago ito gumilid para makadaan siya, pagkapasok niya ay nakita niya agad ang iilang pulis na may kanya-kanyang ginagawa. May isang mahabang desk sa gilid at may ilang upuan sa paligid nito, maraming nakakalat na papel sa lamesa. Bawat pulis na makakatinginan niya ay tinatanguan siya ng mga ito, kaya’t gano’n din ang ginagawa niya. “I am with a friend.” Marahan na sabi ni Ruby sa kaharap niya. Luminga ito kay Samael, Ruby noticed of how much the police officer’s body tensed when they made eye contact. Samael’s expression are usually dark and uncanny, partida ay hindi pa ito nagsasalita. Agad na bumalik ang tingin ng police officer kay Ruby. “Maghihintay na lang siya sa waiting area, miss Chavez.” Bumaling si Ruby kay Samael at tinanguan ito, gusto niya sanang marinig nito ang mga itatanong sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa mga pulis na kasama niya ito kagabi ngunit umalis lang agad ito, baka pag sinabi niya ‘yon ay paghinalaan agad nito si Samael. Kahit na nagtataka rin siya sa mga kinikilos nito ay ayaw niya na basta-basta itong idawit. Nagpapasalamat si Ruby nang malaman niya na natatanaw niya pa rin si Samael mula sa pwesto nang pinagdalhan sa kanya ng pulis, pinaupo siya sa isang upuan. Katabi ang isang pulis na may inaasikaso sa tapat ng computer. Tinignan niya ang mga larawan ng mga missing na nakapaskil sa isang malapad na dingding, sa sobrang dami no’n ay halos mapuno ito. Kung hindi siya nagkakamali ay apat ang computer na nandito, may lamesa rin na walang kahit anong nakapatong. Sa pinakagilid ay may ilang galon ng tubig na tinakpan ng isang puting tela. “Miss Chavez.” Kinuha ng pulis ang kanyang atensyon kaya napalingon siya rito. “Is there a cctv record?” tanong niya nang mapansin na pamilyar ang lugar ng video na pinapanood nito. Tumango ito. “Napanood na namin ito pero wala kaming nakitang kakaiba, ang taong nakita lang namin ng mga oras na iyon ay ikaw.. at iyang kasama mo ngayon.” Nagulat si Ruby dahil doon at bumaling muli sa gawi ng kasama. She found Samael already sitting in a chair, watching her. Nakasandal lang ito sa upuan at nakahalukipkip, he wasn’t even doing anything, but somehow she could smell him. Bigla niyang naalala ang amoy nito, he smells as good as he looks. “Kanina ay nagtataka kami kung sino ang taong ito.” Pinakita nito ang isang video, pinakita ro’n na mag isang naglalakad si Samael— hindi kalayuan sa lugar kung saan siya nito nakita. “Naisip namin na baka may kinalaman siya sa pagkawala ni Madison Rigos..” “Uh, hinanap niya ako,” aniya. “He was very worried..” Lumingon ulit siya kay Samael, ngayon ay hindi na ito nakatingin sa kanya. His lips twitched and his eyes fell on her again, kung hindi lang mahina ang boses niya ay iisipin niyang narinig siya nito dahil sa naging reaksyon nito. Ngunit imposible na marinig siya nito dahil ang layo nito at nasa isang kwarto siya, nakikita niya lang ito dahil sa salamin na bintana. Tumango ang pulis. “Nahanap ka ba niya, miss Chavez?” Hindi nakasagot si Ruby at napatitig sa screen ng computer. Inisa isa niyang pasadahan ng tingin ang mga thumbnail ng bawat video na nakuha sa cctv, wala ro’n ang record kung saan sila nagkita ni Samael. “H-hindi..” Pagsisinungaling niya. Why am i like this? Akala ko ba ay gusto kong tumulong sa kaso na ito? Bakit ako nagsisinungaling? “Nakakapagtaka rin na sira ang cctv camera sa area na kung saan ka namin nakita, kaya wala kaming record doon. Sumakto rin na doon may mga dugo.” Gustong tumalon ni Ruby dahil sa tuwa, kung gumagana iyon ay nakita ng mga ito na nakita siya ni Samael— na nagkita sila at nakapagusap. At makikita rin na basta na lang itong umalis bago pa dumating ang mga pulis, kung gano’n ay maghihinala lalo ang mga ito. Nagtanong pa ito sa kanya ng ilan bago ito nagpasalamat sa kanya at tumayo. “Salamat, Miss Chavez. Pero may gusto pa kong itanong..” “What is it?” Huminga ito ng malalim. “Kung nasa trabaho ka ng mga oras na iyon bago ka tumakbo para hanapin ang biktima, paano nalaman ng kasama mo na nandoon ka? Nasa restaurant din ba siya ng mga oras na iyon?” Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya rin alam kung paano siya nakita ni Samael! Ayon dito ay naglalakad lang ito pauwi, pero nasabi na niya sa pulis na ito na hinahanap siya nito kaya ito nandoon. Kung sasabihin naman niya na nasa restaurant ito at sinundan lang siya ay malalaman din nito ang totoo sa mga katrabaho niya, sigurado ay magtatanong ang mga iyon at tiyak na titignan ang cctv. “Uh..” Kumabog ng malakas ang dibdib niya. “Kausap ko siya sa phone bago ako lumabas ng restaurant..” Kumunot ang noo nito. “Gumagamit ka ng phone sa oras ng trabaho?” Oh, darn. “N-nasa banyo ako noon..” sagot niya. “I was talking to him on my phone, makikita niyo naman sa cctv sa restaurant na nanggaling ako sa loob ng banyo.” Hindi na ito sumagot pa pero tinitigan siya nito ng matagal, matapang niyang sinalubong ang titig nito. Hindi siya sanay na nagsisinungaling, pero gusto niyang panindigan ang mga sinabi niya. Ayon na rin sa cctv ay halatang naglalakad nga lang ito sa area at pauwi, naniniwala siyang wala itong kinalaman dahil umayon ang sinabi nito sa mga record ng cctv na napanood niya. Ang tanging mali lang naman dito ay umalis ito dahil ayaw nito sa mga pulis. She actually felt bad that she suspected him. “Salamat sa kooperasyon, miss Chavez.” Ngumiti sa kanya ang pulis. Ngumiti rin siya bago siya nito ihatid palabas ng kwarto, agad siyang lumapit kay Samael. When he stood, his presence seemed to fill the room. Ang mga tao nga sa loob ay hindi maiwasan na mapalingon kahit na may mga ginagawa. He has this overwhelming presence that’s just impossible to ignore. Nang makalabas sila ay tumigil si Ruby sa paglalakad at humarap kay Samael, hindi agad ito napatigil kaya tumama ang katawan nito sa katawan niya. Napaatras si Ruby kaya hinawakan nito ang likod niya upang hindi siya matumba. Samael stared down at her, through the long dark lashes that framed his eyes. “Careful, Ophelia.” Nang ayusin niya ang kanyang pagkakatayo ay saka lang siya binitawan nito, yumuko siya saglit— at nang maramdaman niyang hindi na nag iinit ang kanyang mukha ay nag angat siya rito ng tingin muli. “I’m sorry for earlier, Samael. Alam kong alam mo na pinag hinalaan kita.” She summoned every willpower she had and looked directly at him. “I want to make it up to you, do you perhaps.. want to have a date? Or a lunch?” His lips twitched, and he tilted his head before he nodded. “If i had known, i must have wore a more suitable clothes.” Mahinang sabi ni Ruby habang nililibot ang tingin sa restaurant kung saan siya dinala ni Samael. Dark shades colour palette prevade the whole restaurant, murky green leather sitting and black tables that flushed with velvet furnishings. Oakwood floors, plaster washed walls and a dim lighting. The vibe was old fashioned and romantic. Ngayon lang siya nakapunta sa ganitong klaseng restaurant, mukhang ginawa talaga ito para sa mga romantic dates. “You need not stress,” he said with a low voice. “You look heavenly.” Hindi niya maiwasan na mapangiti, ang papuri lang nito ang tanging nagpapainit ng kanyang mukha. Lumapit sa lamesa nila ang isang waiter, inabutan sila ng tig-isang menu. Nanlaki ang mata niya nang makita kung gaano kamahal ang bawat dishes, nagtaas siya ng tingin kay Samael kaya lumingon din ito sa kanya. “What do you wish to eat, Ophelia?” “Uh, wait.” Ngumiwi siya at binalik ang tingin sa menu, imbis na yung pangalan ng dishes ang tinignan niya ay ang presyo ang pinagbasehan niya. Tumigil ang mata niya sa pinakamababang presyo na nakita niya. Spicy Lobster Frittata! Thank god she loves lobster, especially spicy foods! Kung hindi ay baka magtiis lang siyang ubusin ang oorderin niya dahil lang sa ito ang pinaka mura. “I’ll get the Spicy Lobster Frittata,” sabi niya sa waiter bago tumingin kay Samael na nagsabi rin ng mga orders, ito na ang pumili ng drinks para sa kanya at ibang side dishes. Pagtapos ay kinuha ng waiter ang menus bago umalis, sinundan niya ito ng tingin saka binaling ang tingin kay Samael na pinapanood siya. “I assume that you enjoy spicy foods?” sambit nito, filling their wine glasses with whiskey. Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin ang ginagawa nito, hindi siya mapakali. “Why? You don’t like spicy foods? You can’t eat it?” “I like it,” he said, took a sip of the whiskey. “Just taking notes.. mental notes.” “For what? Our next date?” Pagbibiro niya rito. Samael chuckled. “Yes. Yes, my love.” Her breath caught hard in her throat. Her blood heated to an unbearable level, making her flush. It was the first time that she heard and see him laugh, it was deep and warm. Butterflies errupted in her stomach, she decided that she loves his laugh way more than the spicy lobster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD