"Ano kayang nangyari?" "Oh my gosh, nag away away ba sila?" "Sino kayang nanalo?" Kanina pa hindi matahimik ang mga estudyante habang nakatingin kila Sebastian, Jupiter, Rigo, Grey at Tobias na kaklase ko ngayong araw. Lahat kasi ay kung hindi band aid ay may gasa naman ang iba sa kanila. Halos hindi ko na maalala kung anong nangyari kahapon, matapos dumating nung mga bagong kalaban ay nagkagulo na sila Jupiter. Samantalang ako ay nakatunganga sa gitna, paano ba naman akong makakalaban kung lahat ng nagtatangkang lumapit sa'kin ay hinaharang na nila? Na para bang ako lang ang pinapanood at pinoprotektahan nila no'ng buong rumble na iyon. Hindi ko makalimutan kung paano rin nila tulungan ang isa't isa. Nakita ko kung paano sinipa ni Sebastian ang dapat na papalo sa ulo ni Jupiter, kung

