Ilang customer na ang umaalis pero nandito pa rin si Rigo, halos matatapos na rin ang tatlong oras na nirenta niya kaya nilingon ko siya. Pinasingkit ko ang mata ko nang makita na may tinitignan siyang mga picture, nagtatagal ng ilang segundo ang pagtingin niya sa bawat larawan bago ilipat ito. May mga group picture ng mga halatang mayayaman na tao na mukhang mga ka-edad lang namin. Nakita ko ang lalong pagpungay ng kanyang mata nang tumigil siya sa isang picture ng isang magandang babae, nakangiti ito ng malawak na halos nawawala na ang mga mata. Halatang hindi alam nung babae na kinukuhaan siya ng picture dahil sa ibang bagay ito nakatingin. Para siyang anghel, makinis ang puti niyang balat at mamula-mula ang mga pisngi. Itim na itim ang straight niyang buhok na nililipad ng hangin. N

