Nagkatinginan ang lahat nang sumunod ang prof kay Rigo palabas, seryoso ba ang tao na iyon na aakuin niya ang lahat? Samantalang tahimik lang siya kanina. "Tangina, muntik na si boss. Buti na lang ay nakialam ang isang iyon." Si Domino. Pumalatak si Tobias. "Iba ang pakiramdam ko dito, parang sinadya ng Ignacio na iyon na siya ang masisi sa lahat.." Lumingon kami kay Jupiter nang magmura siya ng mahina, galit na inangat niya ang isang upuan at binato sa unahan ng room kaya nagkaroon ng crack ang white board. Napangiwi 'yung tatlo at ang iba na nandito ay nagmamadaling lumabas sa pag-aalalang madamay sila sa pagwawala ni Jupiter. "Boss.." Awat ni Joaquin. Inis na tinabig ni Jupiter ang kamay nito at mabibigat ang hakbang na lumabas ng room. Napatingin sa'kin sila Tobias kaya napailing

