XXIII. Kinagat ko ang aking kuko habang nag iisip ng pwedeng sabihin nang biglang tumunog ang phone ni Tobias kaya tinignan ko ang screen nito. Bigla na lang itong namatay hudyat na lowbat na, mabilis na kumunot ang noo ko at binaling ang tingin sa pinto. Hinila ko ang tali ni Safari at hinigpitan ang hawak sa phone, pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko sa labas ang tatlo. Sabay sabay silang napalingon sa'kin na kunwari ay hindi sila nakikinig sa'min ni Jupiter kanina, para bang kanina pa nakadikit ang tenga nila sa pinto at pagbukas ko ay nagkanya kanya sila ng kunwaring ginagawa nila. "Master! Nandyan ka na pala.." Halakhak ni Domino. Umirap ako at binato ang phone kay Tobias na natatarantang sinalo ito, tinignan niya ang screen nito pagkasalo niya at napangiwi. "Hindi lowbat ang

