Napalingon ako sa gawi ni Rigo nang bigla siyang tumayo, pinaglaruan niya ang hikaw sa kanyang tenga habang naglalakad palabas ng internet cafe. Tumaas ang kilay ko, halos isang oras pa lang ang nagagamit niyang oras kahit tatlong oras ang nirentahan at binayaran niya, mukhang hilig niya talaga ang magsayang ng pera. Napailing na lang ako at pinatay ang computer na ginamit niya, bumaba ang tingin ko sa isang susi na nakapatong sa malapit sa keyboard. May keychain ito na kulay pink na halatang pambabae, dinampot ko ito at sumilip sa labas pero halatang nakalayo na si Rigo. Mukhang susi ito ng bahay, makakapasok kaya siya ng bahay niya? Binulsa ko na lang ito at lumapit sa counter dahil may magbabayad. Wala na rin masyadong naging customer dahil anong oras na rin, dumating ang bagong kapal

