Umupo si ma'am Abby sa isang maliit na sofa, nandito kami sa isang kwarto dito sa internet cafe dito sa loob. Iminuwestra niya ang isang sofa kaya doon ako umupo. "Nasaan ang pera?" Tanong niya. Natigilan ako sa sinabi niya. "Pera? Ano pong pera?" Nagtatakang tanong ko. Bumuntong hininga siya at nag ayos ng upo, hindi ko alam kung anong pera ang hinahanap niya. "Yung kinita kagabi nung nag duty ka, pati ang binayad sa monitor ng estudyante na nakasira raw.." Nanlaki ang mata ko. "Kay Bryan, binigay ko kay Bryan iyon ma'am.." Tumaas ang kilay niya. "Sabi niya ay wala ka daw binibigay. Jackeline, alam kong mahirap ang buhay mo—" "Ma'am Abby, wala po talaga sa'kin. Ibinigay ko kay Bryan ang pinangbayad sa monitor, pati ang kinita kagabi nung nag duty ako.." "Magkano ang binigay mo?" "

