Kinabukasan ay maagang umalis si Ruby para hindi niya makita si Samael. Bukod doon ay marami rin kasi silang gagawin para sa gagawin na halloween para sa school. Ang mga student teacher ang halos mag-aasikaso ng lahat, pero nauna na siyang umalis kay Emma dahil tulog pa ito. Kung hihintayin niya ito ay baka magkita pa sila ni Samael doon. “Miss Chavez, kayo na nina Miss Tan ang bahala sa horror house ha?” sabi sa kanya ni Mrs. Cruz. Tumango siya. “Sige po, kami na ang bahala.” “Nasaan na ba siya?” tanong nito habang nililibot ang tingin sa paligid, napangiwi siya dahil si Emma ang hinahanap nito. At tuwing ganito lang ang gagawin ay hindi nag-aabala ang kaibigan na pumasok dahil hindi naman daw napapansin, ngayon ay napansin na! “Uh, nagbanyo po saglit,” pagsisinungaling niya kaya’t

