kabanata 72

1325 Words

Ang tagal kong inisip kung anong dahilan ni Rigo para magpunta sa pinag tatrabahuhan ko, i-text ako na hinihintay niya ako at sabihin na wala lang nang makarating ako. Naisip ko na lang na wala lang talaga siyang magawa. Natapos na kong mag bilang nang dumating si Edward na papalit sa'kin, halos alas dos na ng madaling araw at sumakto siya. Inayos ko ang mga gamit ko, nilagay ko ang notebook ko sa bag ko. Sinasagutan ko ang take home quiz namin kanina pag walang customer. "Ingat ka, Jackeline." Paalala ni Edward kaya tumango ako at sinabit ang bag ko sa balikat ko. Napaatras ako ng isang beses nang makita ang taong buong araw kong hindi nakita na nakatayo sa labas. Agad niyang binaling sa'kin ang pagod niyang mata, pinagmasdan ko ang kabuuan niya para makita kung may bago siyang sugat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD