"Saan galing 'yan, master?" Dinampot ni Joaquin ang cellphone na pinatong ko sa lamesa, umupo ako sa couch at pumikit. Tinatanong ko sila kung anong number ni Jupiter pero mas iniintindi nila kung saan ko nakuha ang cellphone na si Rigo ang nagpahiram. "Sinangla sa'kin.." Pagsisinungaling ko. Baka mamaya ay iba ang isipin nila at tanungin ako ng tanungin ng kung anu-ano, nakakabanas lang iyon. Tinapunan ako ng tingin ni Tobias at mabilis na kumunot ang kanyang noo. "Master, namamaga pisngi mo?" Hindi siguradong tanong niya kaya napalingon na rin sa'kin 'yung dalawa na kinakalikot ang cellphone kanina. "Anong nangyari diyan?" Naramdaman ko ang paglapit sa'kin kaya nagdilat ako ng mata, yumuko si Domino para silipin ang namamaga kong pisngi. Iniwas ko ang mukha ko. "Wala 'to, napaaway

