kabanata 78

2311 Words

Kanina pa ako natutulala dahil masakit ang ulo ko. Ang lakas ng ulan ngayon at ito ang mga panahon na gusto ko na lang humiga sa kama ko at walang gawin magdamag kundi matulog, kaso kailangan kong magtrabaho. Humikab ako at binaling ang tingin sa mga taong nakasilong sa maliit na bubong sa labas ng internet cafe. Kahit medyo madilim ay hindi ko maiwasan na hindi titigan ang halatang mayaman na babae na nandoon, nakasuot siya ng isang itim na dress na hapit sa kanyang katawan na tinernuhan niya ng mataas na heels. Makapal ang kanyang make up at may maliit na bag na nakasabit sa kaliwang balikat niya. Halatang galing sila sa isang party, ala una na ng madaling araw at mukhang pauwi pa lang sila. Kahit hindi naririnig ay alam kong nagrereklamo siya sa mga kasama niya base na rin sa pagkuno

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD