Tahimik na nakaupo si Ruby sa sofa habang hinihintay si Samael na dumating, sa kamay niya ay hawak niya ang mga larawan na pinadala sa kanya. Ni hindi niya alam kung sino ang nagpadala niyon, pero kumbinsido siyang totoo ang lahat ng iyon at hind ‘yon gawa-gawa lamang. Sa ibang larawan ay nandoon si Samael, kasama siya. Oh, siya ba talaga iyon? Tinitigan niyang maigi ang lahat. Lalo na ang pinaka-lumang larawan doon, kung hindi siya nagkakamali ay noong 18th century pa ito. And somehow, the woman there is the one that resemble her the most. She was wearing an elegant gown, and her hair was long. Hindi niya malaman kung anong kulay ang suot nito dahil black and white ang larawan. She was standing beside Samael who was sitting on a high chair, she was smiling very sweetly and Samael was

