"Saan mo gustong kumain?" Walang emosyon na tanong ni Jupiter pagkapasok namin ng mall. Hindi ako sumagot habang nililibot ang tingin sa paligid. Bilang na bilang ng mga daliri ko sa kamay kung ilang beses pa lang akong nakakapasok sa isang mall. Wala kasi akong oras para magpasarap. "Sa mura lang.." Sagot ko habang sinusuyod ng tingin ang nakapilang fastfood chains at kung anu-anong kainan sa harap namin. Sa gitna ay ang bukas na foodcourt. "Saan nga?" Malamig na tanong niya. Nilingon ko siya dahil doon, blangko ang mukha niya at tumaas ang isang kilay niya nang maramdaman ang tingin ko. Kanina pa siya ganito. Hinatid namin si Safari sa bilyaran kanina para iwan doon tapos ay nagmotor lang kaming papunta dito. Hindi niya ako masyadong pinapansin at kinakausap kahit kami lang ang magka

