Umabot na ang alas-otso ng gabi ngunit hindi pa rin dumadating ‘yung mga sinasabi na tutulong kay Madison. Nakapikit na naririnig niya ang boses ni Egypt sa labas ng kwarto, nagagalit ito dahil wala pang dumarating. But, Samael has remained calm. Wala nga itong pakialam kahit sigawan, siguro ay naiintindihan nito ang nararamdaman ni Egypt. Nagdilat siya ng mata nang bumukas ang pinto, pumasok si Samael. “Madison,” pagtawag nito sa kanya. “Yes?” mahinang sagot niya. “What time is it when he bit you?” Nag-isip siya saglit. “I don’t know. . maybe nine o’clock.” Hindi ito sumagot at nanatiling nakababa ang tingin sa kanya. Hindi niya mawari kung ano ang nasa isip nito. Tumulo ang luha niya. “A-am I gonna die?” “No,” he said. “The witches will come here before nine.” “Paano kung hindi

