Katatapos lang maligo ni Ruby nang lumabas siya ng kwarto ni Samael. Kumunot ang noo niya nang hindi niya ito matagpuan sa baba, sabi nito ay hihintayin daw siya nito roon. “Samael?” pagtawag niya habang bumababa ng hagdan ngunit hindi ito sumagot. Nilibot niya ang tingin sa paligid, sa buong salas pero wala rin ito. Umalis na naman ba ito ng walang paalam? Nangako ito na sa kanya na hindi na ulit ito aalis basta-basta. Mabilis na napalingon siya sa bandang kusina nang may marinig siya na kung ano, na para bang may nagtatawanan. Agad siyang nagtungo ro’n at mabilis siyang napatakip sa bibig nang makita niya ro’n si Samael— kasama nito si Dahlia. And they are kissing, touching each other’s body. Nakatalikod sa gawi niya si Samael kaya’t hindi siya nito nakikita. Nanginginig na napaatra

