“Hindi ka pa rin nakakahanap?” tanong ni Emma kay Ruby nang magkasabay silang kumain ng almusal. Umiling siya at nagbuntong-hininga. Naiinggit siya rito, nami-miss niya ang pakiramdam ng nagmamadali sa umaga dahil male-late na siya sa OJT. Kahapon ay ibinuhos niya ang buong araw niya sa paghahanap ng bago sa internet. Pero tuwing tinatanong siya ng mga ito kung bakit siya tinanggal sa dati ay hindi siya nakakasagot. She wanted to defend herself, ngunit paano niya mapapaniwala ang mga ito? It was not her in the video, ngunit kamukhang-kamukha niya iyon. She gritted her teeth, thinking about Dahlia. Pasalamat na lang siya na hindi tinatanong ni Emma kung paano niya nagawang manakit ng isang estudyante. Alam niyang nalilito rin ito, ngunit hindi siya tinatanong nito tungkol doon. Pati na

