“Uy, ang sarap!” Nakangiting sabi ni Emma nang tikman ang niluto ni Ruby na beef quinoa, madalas ito na niluluto ng lola niya noon. Clara nodded. “Really, it is really good.” “Glad that you liked it.” “Oh, ano? Hindi ka ba kakain?” Hindi nakasagot si Ruby sa tanong ng kaibigan. Nagugutom na siya ngunit hinihintay niya si Samael, sinabi nito ay babalik ito bago mag-gabi ngunit halos mag-aalas otso na ng gabi ay wala pa rin. Excited pa naman siya kanina sa niluluto niya, akala niya ay matutupad ang sinabi nito. Tawagan niya kaya ito? Kanina niya pa iyon naiisip. Tumayo siya kaya’t lumingon sa kanya ang dalawang kaibigan, sinenyasan niya ito na aakyat lang siya saglit bago siya nagtungo sa paakyat ng hagdan. Kinuha niya ang phone niya na iniwan niya kanina sa ibabaw ng kama ni Samael,

