Chapter 16

2580 Words
Natuloy ang pagtatalik ni Argel at Selena sa condo nito. Ginawa ito ni Argel para subukin ang sarili kung s*x lang ba talaga ang dahilan sa agaran pagkabalisa bakit pinakawalan niya si Apple. Habang nasa ibabaw niya ang babaeng kaniig ay hindi niya maintindihan bakit nagugulohan siya. Sa kasadsarang ng pambabayo at pagiling sa kanya nito sa ibabaw niya, parang namamalikmata siya't napapalitan ang mukha ni Selena sa mukha ni Apple. Naiinis siya sa sarili, hanggang sa pahintuin na niya ang sutla na nangyayari sa kanilang dalawa. "Stop it, I am not in a mood," maawtoridad niyang utos. Agad naman nanggalaiti sa galit si Selena. Nasa ibabaw siya nito na mala-mantika na ang pawisan niyang katawan. "Aahhh... are you sure? I am even soon to reach my climax, babe." "Do you heard me? I said stop grinding on top of me?" Nainis naman si Selena, kaya't tumugon siya sa binata. Siya'y tumayo't kinuha ang roba at sinuot padabog. Nilingon niya sa katabing side table ang box of cigarette at inabot, kumuha ng isang stick ng sigarilyo't sinindihan, matapos kunin ang lighter sa kanyang purse bag at lumabas sa balcony para magpahangin dala ng inis sa binata. 'Di nag atubili si Argel na sundan siya. Sinuot din niya ang puting tapis na tanging nagtatakip sa parte ng kanyang pribadong katawan. Nilapitan niya ito habang ito'y nagyoyosi sa gilid ng fence ng kanilang condo terrace."Didn't I tell you to quit smoking, Selena," bulong niya sa kasintahan. "Why do you care so much? Bakit, magasawa na ba tayo?" inis naman sagot ni Selena sa kanya. When he was about to hug her, then she refuse. Pinili niyang umiwas, "'Wag mo ako hawakan. I know your next move, Argel. Mag so-sorry ka nanaman diba? At yayakapin ako? Stupid jerk." Yumuko naman si Argel at bumuntong huminga. "You know what, Argel? It's insulting na ininsulto mo ako sa kama, like you don't like how I f*cked you. I am so disapponted witj mu self being rejected by a little boy! You failed me. You know that, Dapat nga pasalamat ka at pinagtitiisan ko pa ang isang lalake na gaya mo, puro ka pangangapa sa performance when it comes to bed, and all this b*llshit. You even had a limp balls on the first round." "Mahal mo ba ako?" seryoso tanong ni Argel. "Anong klaseng tanong yan? My god!" Sinagot niya, na may pagaalanganin. Lumapit naman sa kanya si Argel at umulit muli ng tanong, "Answer me." "Neutral." "What Neutral?" "Minsan ay mahal kita, at minsan naman ay hindi. Masyado kasing nagco-contradict yung ugali natin. May mga times na asar ako sa'yo, kasi isip bata ka uto-uto't sunod-sunoran, at may mga times naman na natutuwa ako sa'yo, kasi you're a fast learner in bed at sumasabay ka na sa galing ng kuya mo. Hahahah." Bigla itong tumawa ng malakas na parang nasisiraan ng bait sa harapan ng binata. Seryoso pa rin si Argel at walang imik. Hindi natutuwa sa malanding halakhak nito. Napansin ito ni Selena, kaya't mula malakas na tawa ay dahan-dahan itong humina at naging seryoso. Nilapitan na lang niya binata at pinungayan ng mata, sabay, binugahan ng usok galing sa bibig, dahil sa paghithit ng yosi. "Handa ka bang magkaanak para sa akin, Selena?" tanong muli ni Argel na may halong garalgal ang tuno ng boses. Umikot naman ang mata ni Selena at sinagot, "Pwede ba, Argel. Marami pa akong pangarap sa buhay at wala pa yan sa mga plano ko." "Paanu kung sabihin ko sa'yo na may mahal na akong iba." Agad namang nanlaki ang mata ni Selena at nilapitan siya't kulang na lang ay magdikit ang kanilang mga mukha, "Tell me you're lying?" Tumango naman si Argel at sumagot, "Oo, totoo. And we also had a one night stand before our love making." Nagulat siya nang biglang itinuloy ni Selena ang nakakabasag sa tenga niyang tawa, "Is that a sign na pwede ka nang umatras sa kasal?" Matagal nang gusto ni Selena na umatras.!:- kadahilanan ang mga magulang lang talaga nila ang may gusto ng kasal, para mas lumago ang business na kinakaharap nila sa kasalukuyan. "Ganun ka na lang ba kasaya, Selena? Hindi ka affected?" "Yeah, I am an adventorous and a liberated person. I don't give a damn. Diba inamin ko na sa'yo. Noon pa man ay mas gusto ko ang kuya mo kaysa sa'yoz I looked at you as a little brother because god! You're too young for me. 3 years age gap is too much. I hate younger men. And Please, we really need to do something to stop the wedding." Nalungkot naman si Argel and humiriti mulo, "Then why are you calling me babe, instead?" "Thats nothing, babe, pagaralan mo na lang ng mabuti ang puso mo. If atat ka na matuloy ang ating kasal. Eh, wala akong magagawa kundi sumunod na lang. Baka kasi uminit ulo sakin ni mama, lalo na ngayong wala na si papa, eh, heto nanaman ako na magdudulot sa kanya ng sakit sa ulo pag ako nagsabi na ayaw ko matuloy kasal natin. Kaya ikaw na magsabi sa mama mo. Gumawa ka ng paraan, Argel. Ayaw ko nang magpanggap, at ilang beses ko nang sinabi sa iyo na hindi kita mahal. We're just f**k buddies. You're too good for me, you don't deserve me at all." "Hindi ko iyon magagawa," lungkot na sagot ni Argel. "Why?" "Kasi pag sinabi ko sa kanila kung sino ang babaeng pipiliin ko, ay baka itakwil nila ako. There are some family history of this girl parents towards them. And as a matter of fact na minahal din kita. Bakit di mo ko kayang mahal in?" "Sino ba 'yang babae na yan? May I know her? Its just that you're too emo about her." "I am just being true to my feelings for you, Selena. And if you're interested about her. Here, take a look." Ipinakita ni Argel ang litrato ni Apple galing sa kanyang pitaka na nagbigay ng makislap na ngiti kay Selena ~~~ Habang naghihintay na si Apple sa airport ay naisipan na lang niyang kausapin pa din ang binata, dahil hindi niya alam bakit hindi siya makampanti. Hindi niya ito matiis. Pinaandar niya ang kanyang cellphone matapos niya kunin sa kanyang bag pack, at napangiti't kinilig matapos makita kung paanu ito bahain ng miss call ni Argel. Kaya naman ay hindi na siya nagdalawang isip na i-dial ito at tawagan. Nasawi naman siya dahil ito'y line busy. Sinubokan ulit niyang tawagan, pero ganun pa rin. Napatayo na lang siya para humanap ng pwedeng pagbilhan ng sim load. Muli siya bumalik sa waiting area. Nakabili na siya ng sim load para sa kanyang cellphone. Mabilisan niyang i-register ang kanyang internet data at binuksan agad-agad ang kanyang i********: at f*******:. Ni-stalk niya rito si Argel, ngunit binalot siya ng pagtataka't hindi ito kabilang sa list of friends niya. Nagsearch na lang siya ng pangalan nito, pero wala pa ding lumalabas na account ng binata. Naisipan niyang maglog-in sa kanyang dummy account at hinanap muli ang pangalan or account ni Argel at nagulat. Lumabas ang f*******: account nito sa search result. Kaya't Binalutan siya ng panghihina matapos malaman na block na pala siya nito. Biglang nanubig ang kanyang mga mata at napabulong sa kanyang sarili habang tinitingnan ang display photo ni Argel sa Social Media account, "Siguro nakapag isip-isip ka na din, Gel! Siguro the ending na talaga natin 'to. Akala mo naman ay gwapo ka na sa lagay na yan para paglawayan ko. Hoy! Kung sa palagay mo ay habol ko lang sa'yo ay s*x, pwes! nagkakamali ka bwiset ka," siya ay nagdabog at pinatay ang kanyang cellphone. Saka niya narinig na tinatawag na pala ang pangalan niya at anf flight number. ~~~ Pagkarating ulit sa arrival airport, mula sa pagkakalugmok dahil kay Argel ay gumaan muli ang puso niya matapos niya makita na buo ang pamilya niyang nakaabang sa kanya sa malayo.Iyong inis nanaman niya kay Argel ay medyo nabawasan ng kaunti dahil tuwing nakikita niyang kumpleto ang buong pamilya niya ay naiisip niya paanu, at dahil iyon sa kagagawan at sakripisyo ng binata. Pagkatapos niya lumapit sa kanila at yakapin sila isa-isa ay bumiyahe na sila papunta sa kanilang tahanan. "Oh, ano? Nakapag decide ka nang iwan ang lalake na iyon?" Tanong sa kanya ng kanyang ama, sakay pa rin ang wheelchair. "Yes, dad. Kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin." Hayag niya matapos tumango ang kanyang ulo sa sama ng loob. "Pero mangha ako sa Argel na yan. Malamang ay madalas siyang malamangan sa sobrang busilak ng kanyang puso. Manang mana siya sa mama niya noong nasa katinuan pa ito." Bigla namang dumating naman si Ronel, sabay pasok sa pintuan galing sa labas na may dala dalang mga pagkain na binili, "Dad, Apple, kain na tayo. Sweetheart! Tara na! Asan si Mom?""Nagsasampay, maya maya ay susunod na daw siya." Anas naman ni Apple. Matapos nilang kumain lahat na kumpleto at masaya dahil sa buo ulit silang pamilya. Sumapit ang madaling araw at natulog na ang iilan sa kanila. Habang nagpapahinga si Apple sa kanyang silid na malalim ang iniisip ay biglang may kumatok sa kanyang pinto. "Sino yan?" "Mom mo." "Bukas!" Pumasok naman si Linda at dahan dahan lumapit, matapos ay umupo sa kama niya at tinabihan siya. "Kumusta? Kwento ka nga anong nangyari sa inyo ni Argel." Nalungkot naman si Apple at naiyak muli, kaya naman ay hindi nakapagpigil ang matanda at nayakap ito, "SShhh... Tahan na. Ganyan talaga ang buhay, pag hindi kayo tinadhana ay hindi talaga kayo para sa isa't isa." "Ma, may sasabihin sana ako sa inyo pero 'wag niyo sana sabihin kina kuya at dad." Nagtaka naman ang ginang, "Ano naman iyon?" "May nangyari sa amin ni Argel bago niya ako iwan." "Oh my god! May protection? Sorry anak, pero natatakot ako. Baka mabuntis ka." "Wala po. Sabi niya ako daw bili ng contraceptives. Tsaka mahirap ako magbuntis kasi noong una na nga niya ako nagalaw. Wala naman nabuo, kaya bahala na si god. Pag nabuntis ako, masaya pa rin ako na atleast may iniwan siya sa akin na blessing." Ngiti ni Apple habang sabay sabay pumapatak ang kanyang mga luha. Pinunasan naman ni Linda mga luha niya, "Siraulo ka talaga, anak. Talagang hindi ko sa kanila yan sasabihin kay Adon at Ronel. Saka na, pag umabot na ng anim na buwan kasi halatado na sa lagay na iyon ang laki ng tyan mo, I'm sure na hindi magagalit dad mo pag nalaman niya sa tamang panahon dahil sino ba naman ang hindi masayang magkaka-apo. Diba?" "Thank you, mom for always being there by my side, always." Sabay napayakap muli si Apple sa kanyang ina na parang bata. "Di ba kailangan mo pang mag review for board exam? May binili ang kuya mo na residential natin sa maynila para hindi mo na kailangan mag dorm. Samahan na lang kita doon para ako mag alaga sa'yo kung sakali na mabuntis ka. Tsaka you need me para mas ma-motivate ka sa pag re-review mo, anak. I am so proud of you na atleast, nakapagtapos ka pa rin ng iyong pagaaral at naka-graduate. Kumpara sa akin." Natawa naman si Apple, "Ows, ma? Talaga lang na ako ipupunta sa maynila, ha. If I know, dahil sa gusto mo makita at makachikahan sina tita Honey at Ivanah." "Sssshh... Oo, isa din iyon sa dahilan. Sige na at matulog ka na. Madami pa tayong gagawin bukas dahil puntahan natin iyong commercial building na ipinapatayo natin." Natawa naman silang dalawa sabay nagyakapan. Hinalikan ni Linda ang anak sa nuo saka nilisan ang kwarto nito. ~~~ Makalipas ang isang buwan, bumiyake ulit si Apple sa maynila upang mag review sa paparating na board exam at sinamahan naman siya ng kanyang inang si Linda habang si Adon naman ay inalagaan ni Ronel at Michelle. ~~~ Isang araw, sa labas ng Mercury drugstore ay puno ng kaba si Apple habang kasama ang kanyang ina. "Kinakabahan ka ba anak? Halatang namumutla ka na." "Opo, ma. Ganito pala ang feeling. Sa palagay mo? May laman na ito." Sabay hinimas ni Apple ang kanyang tyan. "Oo, ano ka ba. Dalawang linggo ka nang hindi dinadatnan. Regular ka naman mag mens, Diba? Tara na." Pagkahawak nito sa kamay ng kanyang anak ay natawa ito dahil sing lamig ng bangkay kamay nito at nanginginig pa. Nahihiya si Apple na pumunta mag isa sa pharmacy para magtanong ng Pregnancy test kit kaya nagpasama siya sa kanyang ina at naglakas loob ito. Pagkarating nila sa may counter... "Pabili ng PT. Para sa anak ko dahil sure akong buntis siya at magkaka-apo na ako." Sigaw na pagyayabang ni Linda. Nang marinig iyon ni Apple ay napatakbo siya sa kanyang ina at tinakpan ang bibig nito kaya natawa ang pharmacist sabay ibinigay ang request nito. Dalawa pa ang binili niya para kay Apple para sure at pak na pak daw ang resulta. Pagkarating nila sa residential house nila.. Habang Naghihintay si Linda, kasama ang bestfriend nito na si Honey at ang baklang si Ivanah sa may sala na at puno ng kaba. Nagbukas na ang pinto ng banyo at lumabas si Apple. "Ma, positive."Bigla nagtatatalon at nagsisigaw sa tuwa ang tatlo na parang mga baliw na nanalo sa luto, "WWooohh! Magiging lola ka na langa!" Ani ni Honey. "Sana, babae yan para maayusin ko ng bonggang bongga na mala Barbie doll! Oh yes." Sigaw naman ni Ivanah sabay nagtutwerk pa sa tuwa. "May tatawagan lang ako. Saglit! Tahimik lang kayo mga bruha layo. Iingay!" Sigaw ni Linda. Nang kukunin na niya ang kanyang bag upang kunin ang cellphone nito ay nabigla siya at wala ito sa loob. Pilit niyang halughogin ng ilang beses ang kanyang bag pero di pa rin niya mahanap ang kanyang cellphone. "Anak, nakita mo ba ang cellphone ko sa bag ko?" Natahimik naman si Apple. "Ma, sorry. Nakalimutan ko doon sa counter ng pharmacy iyong cellphone mo, pati iyong akin. Hindi ko alam bakit masyado akong malilimutin ngayon." Hindi napigilan ni Apple at bigla siyang humagolgol na parang pinalong bata sa puwetan ng ruler.Nalungkot naman si Linda sabay tinabihan ang anak, "Anak, walang problema sa akin kahit ano pa yang mawala. Naiintindihan ko bakit ka makakalimutin, dahil parang kasama na din yan sa paglilihi. Hehehe. Tingnan mo na. Sobra ka pang emosyonal." "Ganun ba iyon." "Oo, kaya wag kang magalala. Okay lang talaga sa akin." Bumuntong huminga naman si Apple, "Nakakainis kasi, ayan tuloy. Hindi ko alam paanu ko ma-contact mga kaibigan ko para sa diploma ko. Pati sss ko, di ko na din maalala password." Sumingit naman sa kanila si Honey, "Hay naku langga! Magpabili na lang kayo tutal ay mayaman na kayo. Oh, ayan! Tawagan mo asawa mo kasi nasa akin pa rin contact number niya." "Magsitigil nga kayo dyan at makapanood nga ako ng balita, iingay!" Sigaw ni Ivanah. Pagbukas niya ng tv ay natahimik siya sa binabalita na nagkataon din na andoon si Apple. Ang inuulat ay kung paanu nalalapit ang kasalan ng isang Reyes and Monteros. Nanubig naman ang mga mata ni Apple at biglang napatalikod sabay tumakbo sa loob ng kwarto, sumunod naman sa kanya sina Linda at Honey. Habang sia Ivanah naman ang natira. Hindi niya alam kung naalimpungatan ang kanyang mga mata na ang nasa balita na nalalapit nang ikasal na mga monteros at reyes ay si Selena Reyes at Denis Monteros. Hindi si Argel. Pero hindi na ito pinansin ni Ivanah, umalis na lang siya para sumunod pumasok sa kwarto ni Apple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD