Chapter 17

2655 Words
Dumating ang pamilya Monteros sa bahay ng mga Reyes matapos magpatawag ng isang importanteng pulong si Argel. Umupo naman sila sa mamahaling sofa isa-isa at naghihintay... "Anong meron kumare at pinatawag kami ng anak mong si Argel?" Anas ng nanay ni Selena na si Velia. "Hindi ko alam, hintayin na lang natin siya't nasa itaas pa siya ng kanyang kuwarto," Sagot naman ni Delilah. Makalipas ng ilang minuto ay bumaba na ang tatlo. Si Argel at Denis, kabilang ang kanilang papa na si Hulyo. Pagkatapos lumapit ng mga ginoo'y nagmano naman sa matatandang babae sina Argel at Denis matapos umupo sa silya para magkaharap-harap na silang anim. "Hijo, simulan mo na kung bakit mo sila pinatawag? Excited ka na ba sa kasal mo?" Ngiting wagi ni Delilah. "Malamang, diba siya na mismo nagboluntaryo ng kasalan. Ni-hindi nga sumagi sa isip namin, noong buhay pa ang asawa kong si Fernando na pumayapa kamakaila," Patuloy na wika uli ng mama ni Selena. Binalot ng inis na pagmumukha naman si dalaga sa kanila at tumingin kay Argel upang bigyan ito ng senyas na magsimula na magsalita. Huminga naman ng malalim si Argel minarapat nang ibuka ang bibig sa sasabihin, "Nagbago na po ang isip ko na magpakasal kay Selena." "What?" Napasigaw naman si Velia at napatayo sa inis. "Kalma ka lang mare, please umupo ka," Pagpipigil naman sa kanya ni Delilah habang siya naman ay hindi alam ano ang gagawin, kung bakit ano sumagi iyon sa isip ng kanyang anak. "Baka naman nagkakamali lang siya ng sasabihin. Mabuti pa'y patapusin natin muna siya ng sasabihin." Anas naman ng papa nito na halos hawakan pa sa balikat ang anak dahil pakiramdam nila'y nawawala na ito sa katinuan. Tumayo naman si Argel at naglakas ng loob na ulitin ang sinabi, "Totoo po ang narinig ninyo. Ayoko na pong magpakasal. Masyado pang maaga at kaka-graduate ko lang sa aking kuros. I change my mind. I am sorry tita Velia. "Ayon pala, mare, eh! Edi after a year na lang. Ano ka ba, maybe after 3 years ay pwede na silang ikasal," Usal muli ni Delilah habang nakangiting kinokombensi ang bisitang ginang. "Hindi pa rin. I'll never change my mind on my decision," Matigas na sagot ni Argel kaya hinawakan siya sa braso ng kanyang ina at binulongan, "Wag mo kaming pahiyain sa harap nila. Huminga ka ng pasensya kung nagkamali ka! Hindi ang tamang oras para maglaro." Nagkakagulo na, pati si Denis ay nalilito sa biglaang pangyayari ng pag atras ng kanyang kapatid sa kasal. Si Selena nanaman ang napatayo dahil tila sumabog din ang kanyang pagpipigil, "Ma! Bakit ba pinagpipilitan ninyo ang taong may ayaw. Hindi niya ako mahal at mas lalong 'di ko din siya mahal. Pinapahirapan lang kami. Kayo na lang magpakasal kung atat na atat kayo!" Pagkatapos marinig ni Velia iyon ay biglang nanlisik ang kanyang mga mata at hindi napigilan ang sarili't sinampal ang anak na babae sa harapan nila na kinagulat naman nilang lahat at kinatahimik. Halos magulo ang buhok ni Selena sa lakas ng pwersa ng pagsampal sa kanya ng kanyang ina at napahawak sa namula-mulang pisngi nito. Nainis siya't tumayo ng matuwid pagkatapos ay sinuklian ng ngiting sarkastiko ang ina, ni hindi nila mawari ano ang susunod niyang gagawin o sasabihin. Hanggang sa bigla niyang kunin ang katabing flower vase sa side table ng sofa, sabay binasag niya'y nagtalsikan ang mga piraso nito na kinatakot nila lahat. Dali-dali siyang pumulot ng isang piraso ng babasahin at itinutok sa leeg na kinasigaw ng matatandang ginang. "Anak! Ano ginagawa mo? Nababaliw ka na ba? Bitawan mo yan! Please!" Sigaw at pigil ng kanyang inang si Velia. "No! Don't you dare go near mo or else, I'm gonna slit my throat infront of you all!" Sigaw ni Selena habang galit na galit na nanlilisik at nanunulo ang mga luha sa mga mata. "Selena, tama na. Wala naman yan sa usapan natin diba?" Pati si Argel ay kinabahan kaya pilit niya itong pakalmahin. "Pagod na ako, mommy! Lagi akong sunod-sunoran sa inyo. You narcissistic b***h! Hindi ko na enjoy ang buhay ko dahil sa inyo. Mula pagkabata, hawak niyo na ako sa leeg like how all my achievement rely on you and dad. I was pushed to be a valedictorian because of your threats na mapapalo ako pag hindi ako nagka-honors. And I am so sick of that, mas napapansin ninyo ang kamalian ko instead of my achievement and I never ever heard of your compliments or praise right infront of me, kayong magasawa. Naalala niyo pa ba noong ni-rape ako ng boyfriend ko nung highschool pa ako and asked your help, instead of helping me. You and dad said that I deserve it dahil sumasama ako sa ibang lalake at malandi ako! May ganyan ba na magulang. Tapos nang lumaki ako at pinagaral ninyo ako sa America! Hindi man lang ako pumasa sa polsci ay pinutulan niyo na ako ng allowance na halos ibenta ko pa katawan ko sa isang matandang kanu just to live and cried to death! And guess what, ma? Si Denis ang nandyan para tulongan ako ng araw na iyon. Argel's brother, until you break our relationship again kasi mas gusto mo si Argel dahil lang sa hindi mo gusto si Denis para sa akin. Akala ko din magbabago na kayo simula nang mawala si papa, but no! You still want to control me like you owned my fcking life, so I rather die than letting you decide for whom I wanted to give my heart. Ayoko na pati puso ko ay pangunahan din ninyo. Kaya tigilan niyo na ako." Hagolgol ni Selena na halos matunaw ang kanyang maskara o eyeliner sa mata sa kakaiyak. Nainis naman si Delilah at sumingit, "Wait, pokpok ka sa america?" "Why? Does it matter?" Makatotohanang sagot ng dalaga. "If that's true kumare, then I don't want your family. Ayoko sa mga bayaran, madudumihan ang angkan namin kaya mas mabuting 'di na matuloy ang kasal ng mga anak natin dahil pabaya kang magulang, how dare you not know how your child is being," Pagmamaldita nito na may halong lait at pandidiri. Sumingit naman si Denis, "Matutuloy ang kasal. Sa ayaw at sa gusto niyo." Nagulohan sila at napatingin kay Denis. "I'm going to marry her. Hindi porket maduming babae ay hindi na pwedeng mahalin ng gaya natin. Kaya ako ang masusunod, or else, Bibitawan ko ang kumpanya," Maawtoridad na sabi ni Denis. "That's a good plan, para umiwas tayo sa pagkapahiya. Kung hindi natin na i-media sa buong bansa ang patungkol sa wedding of the year kuno. Di sana, di na natin ito pinoproblem, pero hijo! Kaya mo bang mamuno sa dalawang kumpanya? Company of Reyes and Monteros?" Paliwanag ng kanyang tatay. "Yes, kakayanin. Matagal na ako sa larangan ng COO. Napagaralan ko din paanu maging isang CEO. I think I can help because theres no man who can handle and replace the position of her dad for the CEO Position. Walang kapatid na lalake si Selena." "Hindi maaari ito! Ayoko madumihan ang angkan natin ng isang puta gaya niyan!" Pagtangging pasigaw ni Delilah. Nilayo naman ni Denis ang magina sa kanya, bago pa siya mapatulan ni Velia dahil sa timping timpi na din ito sa ginang. Humarap naman si Delilah sa bunso niyang anak matapos ibuhos ang galit rito, "I know this is all your plan. Kaya ka siguro umurong dahil sa babae mo? Si Apple ba ang dahilan? Nahihibang ka ba sa bwiset na babaeng iyon? Diba sinabi ko na sa'yo kung ano nakaraan ng mga magulang niya na pinagtaksilan ako at mangibang bansa." "Ma, hindi siya. Matagal nang may ayaw sa akin si Selena at ayaw ko ipagpilitan ang sarili ko. Ma, stop being selfish, please," Giit na pagmamakaawa ng binata. "So, ano? Masaya ka na at nakuha mo na ang gusto mo?" "Ma, matutuloy naman ang kasal and kuya said he can make it, so what's the problem? Saved pa rin ang kumpanya natin sa pagkabagsak kasi andyan pa rin ang Monteros Company," Patuloy ni Argel. "Pare-pareho kayong tatlo na walang respeto sa akin! Lalo ka na Hulyo, imbes na pangaralan mo itong mga anak mong lalake ay kinukonsenti mo pa sila! Maid, ayusin niyo na itong basag na vase. Mga punyeta!" ~~~ Pagkatapos ng nakakabiglang engkwentro ay naibalita na ito sa buong pilipinas at naiulat din sa iba't ibang news na si Selena Monteros at Denis Reyes and matutuloy na ikasal bilang wedding of the year dahil sa parehong kilala ang dalawang pamilya bilang may hawak ng malalaki at mga kilalang kumpanya sa bansa. Masayang masaya naman si Argel na pwede na niyang balikan na si Apple at malaya na siya sa kanila. Hindi siya mapalagay, nang mabakante siya ng oras sa paglalarga ng eroplano. Imbes na sa bahay nila siya dumiretso ay sa Condo nila. Pagkarating niya roon ay sumugod siya sa banyo at naligo, hindi niya maipinta ang mga ngiti niyanv abot tenga habang nakaharap sa salamin ng pinag showeran niya. Hindi din mawala wala sa isipan niya ang ngiti ng dalaga, ang nagniningning nitong mga mata at porselanas nitong katawan at matangos na ilong at labing mala strawberry ang hugis at kulay. Nagpagwapo siya ng sobra, matapos magpagupit sa barber shop. Saka bumili ng madaming boquet ng bulaklak at higanteng teddy bear na pagkamahal mahal. Suot niya ay simpleng checkered polo at puting slacks, sabay binulsa ang masquerade na iniwan ni Apple sa kanyang kama sa Condo bilang lucky charm niya kunwari. Dumiretso siya sa kung saan niya matatagpuan ang dalaga gamit ang kanyang magarang kotse. Kung pwede lang na lumipad ay gagawin niya habang naghihintay sa traffic dahil gigil na gigil siyang makita ang dalaga. Na-unblock na niya ang dalaga pero minabuti niyang 'wag muna ito tawagan para surprisahin. Pagkarating niya roon sa kanyang destinasyon, agad siyang nagspray ng mouth wash kahit nakapag brush ng ipin, nagpabango din ng malakas na pabangong panlalake na mamahalin at sinuklay niya ang kanyang buhok ng mabilisan. Nasa harapan na siya ng pinto ng dorm ni Apple. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok, malayo pa lang ay nakita na niya ang land lady ni Apple na lumabas ng building kaya binalot siya ng kaba at pananabik. Pagkalapit sa kanya nito ay nagtanong ito, "Ay! Pogi, sino kailangan niyo?" "Si Apple De Luna po, andyan po ba siya?" Panggigigil ni Argel. Napasimangot naman ang matandang Land Lady, "Sorry ah. Pero wala na siya dito. Noong isang buwan pa." Nabigla naman si Argel, "Alam niyo po ba saan siya tumira?" "Sorry, wala eh. Malamang ay umuwi na iyon sa kanilang probensya. Sige na, pasensya ka na, ha!" Sabay isinara ng land lady ang gate ng dorm na may halong awa sa gwapong binata. Nalungkot naman si Argel hanggang sa marinig niya ang ambon. Habang naglalakad siya pabalik sa kotse ay inabotan na siya ng ulan na tila sumasabay ang pagpatak nito sa pagpatak ng kanyang luha. Pagpasok niya sa kanyang kotse na basang basa sa ulan ay binalot siya ng pagsisisi sa kanyang ginawa na pamba-block sa dalaga sa kanyang mga social media, pati sa cellphone nito. Kinuha niya sa kanyang likuran bsa ang kanyang cellphone at tinawagan ang number ni Apple. Dalawang beses ay nagriring. Hanggang sa biglang na-out of reach sa pangatlo, kaya nainis si Argel sa kanyang sarili. Agad niyang binuksan ang kanyang f*******: account at nakita niya ang account ni Apple. Binaha niya ito ng message. Hindi niya maintindihan bakit 24 hours itong online pero hindi man lang siya nirereplyan. Paulit ulit na lang niya ito pinapadalhan ng message pero wala pa din, tinatawagan pa niya ito sa f*******: messenger pero wala sumasagot at online naman. Nagsimula ng magdalamhati si Argel ng mga araw na iyon. Doon na niya naramdaman ang pangungulila kay Apple. Tuwing kakain siya sa cafeteria ay wala na ito sa tabi niya, wala na siyang kau-kausap palagi at kakulitan. Wala na siya kasabay, tila abong tinangay ng hangin ang mga iniwan sa kanyang alaala ni Apple. Hindi siya nawalan ng pagasa kaya siya na mismo magisa ang pumunta sa probensya ni Apple sa Cagayan, baka doon matagpuan ang hinahanap niyang prinsesa. Tumungo siya mismo sa bahay nila... Malayo pa lang ay kinakabahan na siya, hanggang sa lumapit siya sa gate nito at kumatok. Wala namang dumadating para pagbuksan siya. Kumatok ulit siya, pero nasawi muli. Hanggang sa pagtalikod niya upang umuwi na lang ay may narinig siyang boses. Pagtalikod niya'y si Adon iyon na nakaupo sa wheelchair tulak tulak ni Ronel papunta malapit sa gate na kinatatayuan niya. Akala ni Argel ay pagbubuksan sila nito pero hindi pala. Pinahinto ni Adon si Ronel nang medyo siya makalapit sa pintuan ng gaye kaya sumunod naman ang anak nito. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ng matanda. "Hinahanap ko po si Apple," Kinakabahang sagot ni Argel. "Para ano pa? Para paasahin mo nanaman siya?" Nalungkot naman si Argel at naalala niya paanu niya nga pinaasa ang kanyang mahal at aminado siya mali siya sa lagay na yun, "Siguro maraming bagay na hindi ko kayang patunayan sa kanya at sa inyo noon. Pero gusto ko sabihin na nagbago na ang lahat. Hindi lang kaibigan ngayon ang tingin ko sa anak ninyo. Kundi ang babaeng dadalhin ko sa Altar pagdating ng tamang panahonz Mahal na mahal ko po si Apple at seryoso po ako sa kanya. Inaamin ko na nasaktan ko siya noong una, pero titiyakin ko na hinding hindi na siya masasaktan sa piling ko muli pag binigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon na mahalin siya muli. Kaya gusto ko po siyang makita at makausap, Nasaan po siya?" "Pasensya na at 'di ko alam nasaan siya ngayon, kung malaman ko'y wala akong planong sabihin sa'yo dahil hindi ako naniniwala sa'yo," Nagulat naman si Ronel sa sinabi ng matanda. Gugustohin man nitong sabihin kay Argel nasaan si Apple ay bigla siyang siniko ni Adon. Kinailangan pa ni Adon na magsinungaling dahil sa ayaw niyang sumama ang loob ng ina ni Argel na dati niyang kasintahan. "Diba dapat ay respetohin mo magulang mo at 'wag mo na siyang bigyan ng panibagong problema? Di ba ikakasal ka na ngayon?" Galit na tanong ni Adon sa tono ng kanyang boses. "Hindi na po ako ang ikakasal kundi ang kuya ko na po. Sige po. Pasensya na po sa abala." Anas ni Argel na parang natalo sa sugal ang kanyang itsura. Ngunit ng pagtalikod niya't naglakad palayo ay hindi napigilan ni Ronel at napasigaw, "Nasa maynila siya. Nagrereview." Mas lalong nainis ang matanda at sinigawan ang anak na si Ronel, "Ipasok mo na ako sa loob. Puro ka dada," at ipinasok naman niya ito agad sa loob ng bahay tulak tulak ang wheelchair nito. Umuwi na lang si Argel na tila lahat ay nagbago na sa kanya. Parang binuhosan siya ng pagsisi at panghihinayang sa ginawa niya kay Apple. Hindi man lang niyang napansin na isang butil muli ng luha ang kumawala sa kanyang mata habang nakaupo siya sa kama ng isang hotel na tinuloyan niya sa cagayan. Pagkarating niya sa maynila ay dumiretso siya sa condo nila at doon na lang balak magpalipas ng gabi sanhi ng kalungkotan nadarama sa paglisan ng babaeng tinitibok ng kanyang puso. Kahit ilang beses niya pilit kalimutan ito ay hindi niya alam bakit parang katabi-tabi niya ito't di mabura bura sa isip. Kung saka nawala ang babae ay saka niya ito hinahanap hanap. Lalo na haplos nito at ang boses nitong tila musika sa kanyang tainga. Pagkatapos maligo at magdamit ay umupo siya sa malambot nitong kama at kinuha muli ang laptop, saka pilit ulit tawagan sa f*******: messenger si Apple dahil doon lang niya ito pwede ma-contact. Ngunit nabigla siya nang nag error na ito. Pilit niyang suriin kung bakit pero na deactivate ang f*******: account ng dalaga. Natuwa naman siya nang may maisip siyang paraan. Kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at hinanap ang cellphone number ni Linda na ina ni Apple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD