Chapter 18

2645 Words
NALUGMOK si Argel matapos masawing tawagan ang nanay ni Apple na si Linda. Dahil gaya ng linya ni Apple, out of reach din ito. Sinubukan niya rin itong hanapin sa f*******: pero hindi rin ito nagrereply at wala man lang seen kahit palaging itong online. Bumuntong huminga na lang si Argel sabay tumayo sa pagkakahiga at lumabas sa terrace saka kinuha ang isang papel. Isinulat niya roon ang mensahe niya kay Apple at pagkatapos ay itinupi-tupi niya ito hanggang sa maghugis eroplano at pinalipad. "Sana mahanap kita at pakinggan mo ang paghingi ko sa 'yo ng tawad. Medyo naguguluhan pa ako noong huling sandaling magkasama tayo. Hindi ko akalain na huli na iyon—but one thing is for sure. You never failed to amuse me over and over again, Bestfriend and my one and only lover, I love you and I will never get tired on telling these words into the wind just to bring this message to you. Wherever you are." LUMAPIT si Linda sa anak at tinanong ito. "Kamusta na ang pakiramdan mo?" "Mabuti naman. Ganito pala iyon. Ang sakit ng ulo ko, nagsusuka at pagod ang katawan palagi. Tapos ang lakas ko pang kumain. Baka tumaba na ako nito, Ma." "Tataba ka talaga. Normal lahat ng iyan sa paglilihi. Tumawag ako sa dad mo at sabi niyang pumunta raw doon si Argel." Nanlaki naman ang mga mata ni Apple sa narinig. "Ho? Ako ba ang hinahanap niya? Miss ba niya ako? Pwede ba akong magpakita?" "Anak naman, sabi kong huminahon ka muna sa panggigigil sa kanya. Sasaktan ka lang niya at katawan lang ang habol niya sa 'yo, 'di ba? Tinanong daw niya kung nasaan ka, pero 'di sinabi ng tatay mo. Mas mabuti nang 'wag muna sa ngayon." "Ano pang sabi ni dad?" "Wala, iyon lang. Pinapasabi niya na alagaan kita at bantayan sa pagre-review mo sa iyong paparating na Board Exam dito sa Maynila at okay naman sila roon sa Cagayan. Alam mo, pakiramdam ko'y mali iyong plano natin sa pagtutuloy ng pagbubuntis mo. Ipalaglag kaya natin 'yan? Ano sa palagay mo?" Natahimik naman si Apple at hindi alam ano ang sasabibin. Hanggang sa ilang minuto ay biglang binasag ni Linda ang katahimikan sa pamamagitan ng pagtawa niya nang malakas na malakas na parang nagbibiro. "Diyos ko, anak. Naniwala ka talaga sa akin? Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na magkakaroon na ako ng sarili kong apo. Ano ako? Baliw na papatayin ko iyan anghel mo dyan?" Agad napayakap si Apple sa kanya habang humahagulgol. "Ma, sorry if ganito ako. Pinalaki niyo ako nang tama pero iba ang napuntahan kong daan. Sorry, if nakakahiya ako. Sorry talaga kung ganito ako ngayon." "Na ano? Na isa kang disgrasyada? Naku! 'Wag mong intindihin iyon. Mas panget naman kung ipapalaglag mo iyan. Mas makasalanan iyon sa Diyos. Tsaka nasa legal na edad ka na. Nakapagtapos ka na ng pag-aaral. Alam ko na nagkasala ka sa Diyos pero mas magkakasala ka naman kung magpapakita ka pa kay Argel habang kasal na siya. May masisira ka pang pamilya." Napabitaw naman si Apple sa pagkakayakap. "Ma, mahal na mahal ko po kayo. Hinding-hindi ko makakalimutan itong ginawa ninyo pagsasakripisyo para sa akin. Kung bumabawi kayo sa mga kasalanan ninyo noon na muntikan niyo na akong ibugaw, matagal ko na po kayong pinatawad." Isinandal naman ni Apple ang kanyang ulo sa dibdib ng kanyang ina habang ang ina naman ang nagsalita. "Nakakatawa nga, anak. Inunahan mo pa ang asawa ng Kuya mo na si Michelle. Malamang napakagwapo o napakaganda ng anak ninyo ni Argel dahil parehas kayong may itsura. Sayang nga lang at hindi kayo nagkatuluyan." LUMIPAS ang tatlong buwan . . . Walang ginawa si Apple kundi magpursuging mag-review at mag-aral. Hindi siya nawalan ng kahit kaunting gana sa tinatahak niyang pangarap dahil napagpasya niya na kapag nailuwal na niya ang bata sa kanyang sinapupunan ay mag-isa niya itong susustentuhan kahit hindi kasama ang amang si Argel. Wala siyang ginawa kundi magbabad sa pag-aaral para na rin makabalik siya sa kung saan siya pinanganak—sa Saudi. Miss na rin niya doon at ang mga tinatanggap lang doon ay panay mga licensed nurse lang. Malaki rin ang kinikita roon na katumbas ng 60,000 pesos kada buwan. Dahil tatlong buwan na ang kanyang dinadala ay pinagpasyahan niyang pumayag magpa-check up sa OB-Gyn Doctor kaya't hindi napagod ang inang si Linda na samahan ulit siya. Nang nasa hospital na sila ay agad tinawagan ni Linda si Honey. "Hello, sino ito? Kailangan mo ng babae mababayo?" "Punyeta ka, langga! Si Linda ito!" Natawa naman si Apple sa ina nito pagkatapos nitong maglabas ng malulutong na mura sa kaibigan sa linya. "Napatawag ka, puta ka?" "Punta kayo rito ni Ivanah, langga." "Para saan? Busy ako i-manicure ang kuko ko, oh! Patay na! Kagigils ka!" "Nasa hospital kami. Magpapa-check-up na ang anak ko. Sabihin mo kay Ivanah magpanggap siyang lalake. Dahil kailangan ng tatay na magpepresenta para sa ultrasound ni Apple." Di nag-atubiling sumunod naman si Honey kaya't inayusan niya ang baklang si Ivanah. Matapos ay sumunod na sila pumunta sa hospital na kinaroroonan ng dalawa. Habang nakaupo si Linda at Apple sa waiting area ay nagulat na lang sila at napanganga matapos sumulpot sa harapan nila si Ivanah na may ayos na lalake. "Hi! Ako pala ang tatay ng chicks na 'to," barakong wika ni Ivanah na kunwari ay macho. Tumayo naman si Linda at bigla siyang binatukan dahil sa panggigigil. "P**enangina kang bakla ka! Hindi kita nakilalang, hayop ka. Nagmukha ka nang rooster sa buhok mong blonde! Dapat tinanggal mo na 'yan, eh! Pero okay na 'yan. Atleast, presentable at medyo mukha ka namang tao." Dumating naman sa kanila si Honey na hingal na hingal sa kakatakbo. "Pasensya na. Late na ba ako? Weweng wewe kasi ako kaya naghanap ako ng CR. Buti nabuhos ko na ang tangke ko sa sa mga toilet. Ang bongga ng hospital na ito. May sprinkle pa sila na katabi iyong toilet bowl, langga. Kaso lakas ng sprinkle, grabe! Muntikan nang matanggal ang tinggil ko." Nainis naman si Linda at binatukan ang kaibigang si Honey sa lakas ng boses nito. "Huwag kang bulgar. Ang daming nakakarinig sa atin. On time ka, 'wag kang mag-alala. Lakas ng boses mo. Nakakalimutan mo ata na balik kami sa mayaman dahil naipatayo na ang Commercial Building, 'no! Kaya bobonggahin itong hospital ng anak ko." "Oh, siya! Sige, ikaw na ang Donya!" panggigigil ni Honey. May dumating at sumingit sa kanila na isang nurse. "Kayo po ba si Apple De Luna?" Tumango naman si Apple matapos humarap. "Ako nga po." "Tara na po at pasok na tayo sa loob," pag-imbita ng nurse. "Wait, pwede ba kaming pumasok? Ako ang ina niya. Ito ang Tita niya at ito naman ang ama." Pagkatingin ng nurse kay Ivanah ay tila umasim ang mukha niya rito. Nainis naman si Ivanah sa asta nito. Kaya nang pagtalikod ng nurse ay bigla niya itong sinabunutan kaya pinigilan siya ng tatlo. "Ay! Sorry, miss, may nakita kasi akong lisa at kuto kaya nahablot ko ang buhok mo. Pasensya ka na," palusot pa ng binabaeng si Ivanah nang sarkastiko. Pagpasok nila sa loob ay kinausap na sila ng Doctor ni Apple. "Ilang buwan nang buntis ang pasyente? At ano ulit ang kumpletong pangalan?" Sumagot naman si Linda. "3 months na po at ang pangalan ng anak ko ay Apple De Luna." "Sino po asawa ng dinadala niya?" Hinila naman ni Linda si Ivanah at pinaharap sa Doctor. "Doc, siya po. Si Ivanah Lawitna." Hindi napigilan ni Honey at natawa siya nang malakas kaya kinurot siya ni Linda sa singit nang pasekreto para tumahimik. "Kakaiba ang apelyido. Anyway, hija, Okay ka naman at wala kang nararamdamang kakaiba maliban sa paglilihi?" tanong ulit ng doctor. "Oo, Doc, okay siya. Nagre-review sana siya dahil sa pag-attend ng board exam soon." Nahalata ni Honey kung paano nanggigil ang Doctor dahil panay si Linda ang sumasagot sa tanong niya sa dalaga kaya pinahiya niya ang kaibigan. "Wait, ikaw ba ang buntis? Baka gusto mong ikaw din ang humiga dyan para magpa-ultrasound, langga?" Natauhan naman si Linda at humingi nang paumanhin sa inaasal. "Sorry, super excited lang ako." "Ma, kalma lang kasi kayo," natatawang sabi naman ni Apple. "Nurse, paki-check ang timbang," utos ng doctor. Pagkatapos timbangin si Apple ay pinahiga na ito at sinimulan nang i-ultrasound at pakinggan ang tiyan. Nang iharap na ang Fetal Doppler sa puson nito ay hindi napigilan ni Apple na maiyak. Totoo nga na magkakaanak na siya kay Argel. Ang lakas pa ng pagtibok ng puso ng fetus ayon sa speaker ng Fetal Doppler kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha. Hindi siya makapaniwalang buong-buo na ito't may sariling puso na ibinigay ng Diyos. Pakiramdam niya'y naiintindihan na niya bakit tinawag na blessing ito para sa kanya. Parang ang saya ng kanyang nadarama sa mumunting nilalang na nasa loob ng kanyang sinapupunan. Hinding-hindi siya mag-aatubiling alagaan ito at mamahalin sa abot ng kanyang makakakaya. Hinding-hindi niya ito papabayaan. Ang kabigatan ng kanyang dibdib sa sobrang sama ng kanyang paglilihi ay tila napawi lahat pagkatapos pakinggan ang heartbeat ng kanyang hindi pa naisisilang na anak. Naiyak din sina Ivanah at Honey, lalo ang kanyang inang si Linda. Kaya ang ina na niya ang pumupunas sa kanyang mga luha pumapatak isa-isa. Alam din ng ina niya ang masakit na dinadanas niya pagdating sa paglilihi na halos araw-gabi ay nagsususuka at masakit ang ulo't umiiyak at sinisigaw ang pangalan ng ama ng dinadala niya. Ngunit masaya siyang inabot sila ng tatlong buwan na okay ang bata at tapos na ang bangungot na paglilihi nito. "Doc, may-ari na ba?" singit ni Honey habang nag-iiyakan sila. Nakatutok pa rin ang ultrasound sa tiyan ni Apple. "Wala pa, maybe after 5 months ay bumalik na lang kayo dahil sure nang lalabas ang gender ng bata. 3 months pa lang kasi ito. Bibigyan ko na lang kayo ng reseta ng mga gamot at vitamins na kailangan ni Miss Apple para sa pagbubuntis niya." Matapos nilang lumabas sa room ng doctor ay umupo muna sila sa women's waiting area. Hinawakan naman ni Linda ang kamay ni Apple na malamig habang wala pa rin itong kibo. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Masaya ka ba at nakita mo na ang baby mo? Kahit sa ultrasound picture man lang?" "Opo, mommy. As in sobrang saya po." "Di ba, dahan-dahan nang nawawala ang paglilihi mo? Sa simula lang kasi iyon. Trust me, mawawala lahat ng 'yan kapag lumalabas na ang bata d'yan sa loob mo. Mapapawi lahat ng sacrifices mo. Kaya wag kang laging malungkot kasi naiingayan si baby sa loob at humihina din ang kapit niya. Lagi mong gawing happy ang sarili for the sake of the baby. Okay?" Niyakap naman ni Apple ang ina. "Salamat, Ma." "Uy! Tara na at mag-taxi na tayo. May lakad pa ako ngayon," singit ni Honey na tila hindi mapakali. "Tse! Ayokong mag-taxi. Uber na lang, uy! Bakla! May internet ka ba d'yan? Bayaran din kita," utos ni Linda. "Ay, oo. Bale book tayo ng Uber? Eto talagang si Donya. Choosy pa!" Tumango naman si Linda kaya't kinalikot nito ang kanyang cellphone at nag-book sa kagustuhan ng kaibigan. "Oh, siya! Sa labas muna ako. Para ako na ang maghintay ng paparating na Uber tapos tawagan ko kayo para hindi na kayo makapaghintay sa labas. Alam mo na, dapat iniingatan natin si buntis! Bawal siyang mapagod," pangangantiyaw ni Honey kay Apple. Nahiya naman si Apple sa sinabi nito. Hanggang sa lisanin na sila nito. Naghintay naman silang tatlo sa waiting room. Wala ring pake si Ivanah kahit ang panget ng tingin ng mga mata sa kanya dahil siya lang ang lalake roon. Makalipas ang ilang segundo ng paglabas ni Honey ay biglang may pumasok na babaeng hindi nila aakalaing makikita sa loob ng women's waiting room. Walang iba ito kundi si Selena . . . Pagpasok din niya at makita sina Linda, Apple, at Ivanah ay nagulat siya't napangiti sa kanila. Lumapit siya sa kanila, titig na titig ang ibang nasa loob dahil sa sobrang glamoroso niya. Puro branded ang mga gamit at suot niya at nakakapag-ingay sa tahimik na kwarto ang ganyang de takong na sandal. Umupo naman siya sa tabi ni Apple kaya medyo nagambala ang dalaga. Hinawakan naman ni Linda nang mas mahigpit ang kamay ng anak para magtimpi ito ng damdamin. "Hello, you're the receptionist, right? Sa Pulmano Reyes Company Building?" nakangiting tanong ni Selena sa kanya. "Uhhmm. Ako nga. Pero nag-resign na ako." "What made you visit here? Don't tell me you're—" Hindi pa naitutuloy ni Selena ang kanyang sasabihin nang sumingit at sinagot agad-agad siya ni Linda. "Kasi buntis iyong auntie niya. Kaya pina-check up at sinamahan namin dito sa loob." "Oh, I see. I am with Argel right now kasi magpapatingin sana ako ng dugo para mas accurate. I feel like I am also pregnant dahil hindi pa rin ako dinadatnan." Sa pagkwento pa lang ni Selena ay parang biniyak na ang puso ni Apple. Hindi niya napigilan pumatak ang kanyang mga luha kaya naalarma ang kanyang ina at gumawa ng paraan para hindi ito mapansin ni Selena. Hanggang sa tamang-tama rin ang pagtawag ni Honey sa cellphone ni Ivanah. "Langga, andoon na daw ang kotse. Tara na," pilit ni Ivanah kaya tumayo silang tatlo at nagmadali kunwari para lang iwasan si Selena. Pero bago sila makapaglakad palayo ay biglang umatras si Linda upang ipahabol ang kanyang mungkahi. "Sabihin mo dyan kay Argel na 'yan! 'Wag siyang basta-basta makipag-s*x sa kung kani-kaninong babae kasi maraming nang namamatay na mga playboy dahil sa nagkakaroon sila ng malubhang tulo. Sige, iyon lang. Bye!" Sabay tinaasan niya ito ng kilay at iniwan ang dalaga. Binalot naman ng pagtataka ang mukha ni Selena sa huling mensahe sa kanya ni Linda. Pagkarating nila sa labas ay nagulat si Honey na humahagulgol nang sobra si Apple kaya ipinasok nila ito agad-agad sa Uber na kotse. Mula rin noon ay ipinangako ni Apple sa kanyang sarili na iiwasan na talaga niya sa Argel dahil sa pag-aakala niyang mag-asawa na talaga sila ni Selena. Ngunit isa iyong maling akala kaya iyon din ang naging daan para mas mapalayo siya sa binata. Pagkatapos magpa-check up ni Selena ay positive ang resulta ng kanyang pinagbubuntis sa unang anak nila ni Denis pagkatapos nilang ikasal after 3 months. Dumating si Argel upang sunduin siya nito. Sinamahan lang siya ni Argel dahil sa sobrang busy na ang kanyang Kuya para samahan pa ito at siya ang inutusan kaya nagmagandang loob siyang pumayag. "Siya nga pala, Argel. Nagkita kami ngayon nung babae na receptionist mo. Pamilyar iyong mukha talaga." "Wait, are you saying that you've seen Apple?" Parang binuhusan ng malamig na tubig ang binata matapos niya iyon marinig. Hindi mapakali si Argel sabay hinawakan siya sa braso nang hindi gano'n kahigpit. "Where is she? Please tell me? I need to know. Matagal ko na siya hinahanap. Saan mo siya nakita?" "Kanina lang, sa women's waiting area. Kasama ang kanyang ina at isang lalake." Parang ang bilis ng kanyang paang tumakbo para lang tunguhin ang women's waiting area at baka sakali na mahabol pa niya roon si Apple. Para siyang nagma-marathon race na may galak na makita muli ang dalaga at parang lulusot na sa kanyang damit ang tumatalon-talon niyang puso matapos niya malaman na nandoon nga ang babaeng hinahanap-hanap niya. Tumatagaktak ang kanyang pawis pero wala siyang pakealam. Basta lang maabutan niya ito ay okay na siya. Ngunit huli na nang dumating siya roon. Wala na sina Apple Wala na, kaya nainis niya nang sobra-sobra sa kanyang sarili at nagdabog sabay sinabunutan ang kanyang buhok. Kung bakit ba naman pinakawalan na naman niya ang dalaga sa pangalawang pagkakataon. Andoon na nga ang hinahanap niya pero hindi siya pinalad na makatagpo ito kaya punong-puno siya ng inis at pagsisisi kung bakit iniiwasan siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD