Chapter 19

2672 Words
PAGKATAPOS umuwi nila Selena at Argel sa bahay ay tamang-tama namang kakarating din ng Kuya niyang si Denis. "Kumusta? Positive?" Sinuklian naman siya ng ngiti ng asawa matapos kumpirmahing mayroon nga silang nabuo. Kaya masaya silang nagyakapan sabay naghalikan. Hanggang sa huminto si Denis at bumulong sa kabiyak. "Uy! Teka lang. My brother is here. Masyado tayong PDA sa kanya." Binulungan naman siya ni Selena. "Bad mood yan, babe." Nilapitan naman siya ni Denis. "Ano bang problema at nakasimangot ka na naman dyan na parang sinalo mo ang buong kamalasan ngayon?" "Nagkasalubong kasi kami ni Apple sa waiting area ng hospital." Nagulat naman si Denis sa sinabi ng asawa. "Dapat tinanong mo ang number niya, babe. Kasi matagal na siyang hinahanap ni Argel." "Sorry, I don't know. Kaya pala parang namumukhaan ko siya dahil ipinakita mo sa akin dati ang litrato niya, Argel," anas ulit ni Selena. "It's okay. I will just keep on praying na mahahanap ko din siya," malungkot nitong wika. "You know what? Let me suggest something that might help you, bro." Napalingon naman si Argel sa kanyang Kuya. "Like what, Kuya?" "Hire a detectives to spy on their house—in their province," suhestyon nito. Napaisip naman nang malalim si Argel sa sinabi nito. "I bet, that's a good idea, Kuya. Very interesting. Thanks, we'll do that." "Saan ba ulit ang Province nila?" "Sa Cagayan De Oro. Somewhere in Mindanao," sagot ni Argel. "Great! May kilala ako roon na one of my Investors. I'll ask him for some investigators. Just give me the address." Matapos noon ay sinunod ni Argel ang kanyang Kuya. Kumuha siya ng tao parang subaybayan ang bahay nila Apple sa Cagayan at balitaan kung dumating doon ang dalaga para mapuntahan niya kung sakali man. MAKARAAN ang apat na buwan . . . Pitong buwang buntis na rin si Apple. Medyo malaki na ang tyan niya at medyo tumaba nang kaunti pero mahilig pa rin siya mag-ayos ng sarili. Panay ang pagluluto sa kanya ni Linda ng kung ano-anong masasarap na pagkain at ulam. Hindi din mawala-wala sa bahay nila sina Honey at Ivanah para lang bantayan siya at tumulong kung kinakailangan para sa kaibigan. Madami ring nate-take si Apple na mga notes sa kada reviews niya at bumibili ng makakapal na librong pang-nursing. Mas inspirado siya kumpara noon dahil sa kanyang dinadalang tao. Mas na-motivate siyang pag-igihang pumasa. May gender na rin ang kanyang baby sa loob ng kanyang sinapupunan. Nagpabili siya ng sarili niyang kotse dahil kailangan niya ito sa kanyang pag-re-review o commuting. Lumalago na rin ang negosyo nila dahil dinudumog na ang kanilang commercial building sa Cagayan na kakatapos lang. Plano pa ng tatay niyang si Adon na palakihin pa ito para gawin na lang isang mall at lagyan ng aircon. Hanggang sa isang araw ay kinausap na siya ni Linda. "Ano na, anak? Sa palagay mo ba ay handa ka nang sabihin sa dad mo na buntis ka? Sinabi ko sa kanila na mas mabuti kung sila na ang bumiyahe dito sa Maynila para hindi ka na mahirapan mag-travel o sumakay ng eroplano. Hindi kasi pwede magtravel ang 7 months kung hindi ako nagkakamali, anak." Nagulat naman si Apple. "Huh!? Paanong bawal?" "Kasi daw baka mapaanak kapag 7 months na buntis ang mag-travel." Natahimik naman si Apple at nalungkot. "Whether you like it or not ay malalaman at malalaman ng papa mo 'yang dinadala mo. Kaya lakasan mo loob mo. Next week ay Board Exam mo na. Kaya gustong-gusto ng dad mo na makasama ka para mas lalo ka ma-motivate at hindi nerbyusin kapag mag-e-exam ka na, anak." "Mom, natatakot kasi ako sa magiging reaction ni dad." Hindi mapigilan ni Apple na manubig ang kanyang mga mata sa sinabi. "Basta, ako na ang bahala. Lakasan mo na lang ang loob mo. Lalambot din ang puso ni Adon sa 'yo kasi anak ka niya at maiintindihan ka rin niya at 'yang kalagayan mo. Ito, uminom ka muna at 'wag masyado magpa-stress kasi ayaw ni baby. Always remember to stay strong. Payting!" HABANG nagliligpit na din si Ronel kasama ang asawa ay bigla siyang tumingin sa bintana. "Hindi ko alam kung ako lang ang nakakahalata. Lagi 'yan pumupunta malapit sa gate natin at kinukuhanan ang bahay ng litrato," pagtataka ni Michelle habang pinagmamasdan ang isang mama sa labas ng gate na pasekretong kinukunan sila. Nainis naman si Ronel at dali-daling lumabas sa kanilang bahay at dumiretso sa gate. Ngunit nang paglabas niya upang hulihin iyong mama na kumukuha sa kanila ng litrato ay tumakbo ito. Hindi naman nag-atubili si Ronel na habulin ito hanggang sa mahuli niya ito at kinuwelyohan nang mahigpit matapos itulak sa pader nang malakas. "Sino ka at bakit araw-araw mo kami kinukunan pati ang bahay namin?" "Sorry po, boss. Napag-utusan lang ako!" "Sino?" "Si Argel Pulmano Reyes po." Nag-init naman lalo ang ulo ni Ronel matapos niya malaman iyon at inagaw ang camera matapos pabagsakin at tapak-tapakan hanggang sa masira, sabay binantaan ang mama. "Wag na wag kang makabalik-balik dito. Ayoko na makita ang pagmumukha mo sa uulitin! Ako ang harapin ng boss mo. Hindi iyong idinadaan pa sa ganito. Letse!" Pagbalik ni Ronel sa loob ng kanilang pamamahay ay dali-dali na rin niyang inempake ang mga damit at gamit ng kanyang ama para maghanda na silang tatlo na lumakbay papunta sa Maynila. Hindi maipinta ang galak na nasa mukha ng matandang si Adon dahil sa malapit na mag-take ng board exam ang kanyang paboritong anak na si Apple. Gano'n din kay Ronel at sa asawa nitong bestfriend ni Apple na si Michelle. Pagkarating nila sa airport at nasa arrival area na sila ay nagulat silang hindi sila sinundo ni Linda, Si Honey ang nandoon at ayaw na ayaw nito sa babaeng iyon na kung kanyang tawagin ay bad influence sa kanyang asawa. Pailalim siyang namimihasa kay Honey. "Bakit ka nandito? Asan ang asawa ko?" galit nitong hayag kay Honey. "Naghanda kasi siya ng pagkain para sa 'yo at sa inyo kaya busy siya at ako ang inutusan niya para sumundo sa inyo." "Eh, si Apple? Bakit hindi na lang siya ang sumundo sa amin?" "Syempre, busy mag-aral para sa review. Duh! Tara na nga kayo," nagtitimpi ring sagot ni Honey sa matanda. Itinulak naman ni Ronel ang naka-wheelchair na si Adon matapos sundan si Honey hanggang sa makapara ito ng malaking taxi na van. Pagkatapos maipasok ang van ay pumasok na rin silang lahat sa loob. Muli na naman nanggigigil ang matanda sa mga yakap ng kanyang paboritong anak na babae. Hindi niya mapigilan mapangiti. Pakiramdam niya'y manang-mana sa kanya ang anak niyang babae dahil sa bukod sa matalino ito ay madiskarte rin sa buhay gaya niya at talagang maraming pangarap sa buhay. Hindi ito nawawalan ng pag-asa sa mga pagsubok at lagi ring nakikinig sa ano mang aral na pinaparating niya at sumusunod sa kanya palagi. Never siyang nabigo nito kaya mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Apple. Halos hindi din sila nagkikibuan ni Honey. Natatawa na lang si Ronel at Michelle sa dalawa na kung magkatitigan ay parang diring-diri sa isa't isa. Hanggang sa huminto na ang kotse. "Oh, andito na pala tayo. Baba na po, Don Adon," pangaasar na hayag ni Honey. Nagtimpi naman si Adon at maawtoridad na sinabihan si Ronel kaya bumaba ito para ayusin na ang wheelchair at mapaupo siya. Pagpasok nila sa loob ng bahay nila sa Maynila ay natuwa't nagulat si Adon dahil ang ganda ng mga decoration at may banner pang nagsasabing, 'Welcome, Adon, Ronel at Michelle'. Hindi maipinta ng matanda ang tuwa. Parang naramdaman niyang feel at home siya at masaya rin na buo muli ang kanyang pamilya. Natakam din siya sa iba't ibang klase ng putahe na makikita sa malawak na table na hinanda talaga ng asawa para sa kanya. Kaya kinikilig din siyang makita si Linda. Hanggang sa nagpakita na nga sa kanya si Linda kasama si Ivanah at lumapit sa kanya't niyakap siya sabay hinalikan sa noo pagkatapos. "Bakit kasa-kasama mo 'yang bakla mong bugaw, Linda?" inis na tanong naman ni Adon sa kanya. "Grabe siya, oh! Yan na lang ba ang sasabihin mo matapos mo makita ang maganda mong asawa?" aniya sabay halik muli niya kay Adon sa pisngi. "Where is my beautiful and smart daughter?" maawtoridad na hinggil ng matanda. Nanginig naman sa ilalim si Linda matapos niya marinig ang sinabi ng kanyang asawang naka-wheelchair. "Mayamaya ay lalabas na rin iyon. Nag-aayos lang siguro ng itsura kasi pagod din siyang ayusin ang welcome entrance ninyo." Matapos nilang tatlong umupo upang hintayin si Apple at magpahinga sa mahabang sofa ay nagulat sila nang magpakita ito sa kanila na malaki ang tyan. "Anak, anong nangyari sa 'yo? Ano yan?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ama na halos maluha-luha at punong-puno ng pagtitimpi at hinagpis. Hindi niya ini-expect na ito ang aabutan niya sa kanyang paboritong unica hija. "Dad, I'm sorry. Pero nangyari na. 7 months na akong buntis, dad. Patawarin niyo ako. I am really sorry if I failed you," pag-iyak ni Apple sabay napaluhod upang humingi ng kapatawaran sa ama. "Linda, for all these days? Paano mo sa akin nagawa ito at itinago ang lahat nang ito? Anong nangyayari, hija? Bakit ka nagkaganyan? Sinong ama ng pinagbubuntis mo? Sino ang bumaboy sa anak ko, Linda? Sino at papatayin ko siyang hayop siya!" sigaw ni Adon matapos magwala na halos maiyak sa galit. "Walang puwersahang nangyari. Ang dapat lang natin gawin ngayon ay tanggapin ang lahat. Wala na tayong magagawa dahil andyan na yan. Kaya, please, Adon. Patawarin mo na ang anak mo," pag-iyak ni Linda sabay niyakap ang asawang habang humahagolgol. "Hindi ko naman problema ang iyong pagdadalang tao. Ayoko lang talaga na pag-usapan ka at husgahan ng ibang tao. Lalo na ng mga kamag-anak natin. Yan ang iniiwasan ko. Ayaw ko na masaktan ka. Pero masakit ang ginawa niyo sa akin. Bakit ninyo inilihim? Bakit?" pag-iyak muli ni Adon na mula sa malakas na pagsigaw ay pahina nang pahina ang tono ng kanyang pananalita dala ng paghihinagpis. "Huwag kayong mag-alala, dad. Papasa ako sa Board Exam kaya 'wag niyo na problemahin ang magiging anak ko dahil ni singko ay wala kayong gagastusin dahil mag-isa akong susustento sa kanya once na maging licensed nurse at maipanganak ko siya. Para iwas siya sa inyong kargo de konsensya. Pangako ko iyan sa inyo. Pero sana tanggapin niyo pa rin ako, dad. Ako pa rin ito, si Apple. Ang paborito niyong bunsong anak. Wala nagbago, dad. Nadagdagan lang tayong pamilya dahil sa magkaka-apo na kayo. Kaya sana ay tanggapin niyo ang kapalaran ko at ang sanggol sa sinapupunan ko. Gaya ng pagtanggap sa akin ni mommy. Nananalaytay pa rin ang dugong De Luna sa batang ito, dad. Sana ay mapatawad ninyo ako at si mommy." Di napigilan ni Apple at agad siyang napayakap sa ama at pinupog ito ng halik. Hanggang sa nang hahalikan niya ito sa paa ay pinigilan siya nito. "Tama na, 'wag mo akong halikan sa paa. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang yan. Okay na, anak. Pinapatawad ko na kayong mag-ina ko. Sino ba kasing nakabuntis sa 'yo?" "'Wag mong sabihing si Argel?" singit ni Ronel habang nagtitimpi sa galit at kumuyom ang magkabilang kamay. "Oo, Kuya. Siya nga. Nang sumabay kasi ako pauwi sa Maynila upang maglabas ng saloobin ay may nangyari sa aming dalawa," sagot ng dalaga sabay napayuko ang ulo sa pagsisisi. "Putang inang iyan! Alam mo bang pinababantayan niya ang bahay natin sa Cagayan?" "Hindi ako nagkakamali. Mas mabuti pa'y iwan muna natin iyong bahay natin sa Cagayan para hindi na niya tayo masundan pa roon at bibili na lang tayo ng panibagong residential house sa probinsya. Alam ba niya na buntis ka?" tanong ni Adon sa anak. "Hindi po. Pero mas magandang 'wag na natin ipaalam dahil kasal na siya. Ayokong makasira ng pamilya." "Noong nakausap ko siya at huli naming pagkikita ay sabi niyang hindi daw siya ikinasal kundi ang kanyang Kuya," nagtatakang sabi naman ni Adon. "Sinungaling iyon! Halos nasa buong newspaper dati iyong wedding of the year nila kuno. Wala na akong tiwala pa roon. Mas mabuti na itago mo na lang sa kanya ang anak niya. Tiyak naman na itatanggi niya na siya ang ama ng bata. Laking Maynila iyon at alam ko ang mga kilos ng mga gano'n. Malamang ay madami na 'yang nabuntis bukod sa 'yo," inis na sabi ni Ronel. "Sissy, ang daya mo at inunahan mo ako magbuntis. Oh! Wag na tayong mag-iyakan pa. Kumain na tayo at gutom na ako." Nagkapatawaran na sila at nabuo muli ang kanilang pamilya. Mas sumigla dahil sa madadagdagan pa ito. Nagpakumbaba si Adon at Ronel dahil sa mahal na mahal nila si Apple. MATAPOS ang isang linggo ay nag-take na rin si Apple ng board exam nang walang alinlangan, puno ng inspirasyon, pag-asa at tiwala sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya. Kaya nadalian siyang sagutin ang mga tanong. Si Argel naman sa kabilang banda ay dinaan na lang niya sa pag-iinom ang pangungulila niya sa dalaga. Habang hawak-hawak niya ang kopita at nasa mini bar ng kanilang mansion ay nilapitan naman siya ng kanyang kapatid at inagaw ang baso. "Uy! Tama na 'yan, bro. What's happening to you?" "I'm broken. Nalaman na nila na nagpapadala ako ng nagbabantay sa kada kilos nila kaya umalis sila sa dati nilang tirahan sa Cagayan." "Sorry for that. But this is not the right thing to do kaya bitiwan mo na 'yang alak na 'yan," sambit ng Kuya niya. "Hindi mo kasi ako maintindihan. Ang sakit sakit nang iniiwasan niya ako at ginaganito dahil sa simpleng pagtanggi ko sa damdamin niya. Parang wala kaming pinagsamahan at pinutol niya nang gano'n gano'n lang. Alam mo ba, bro, kung ano pinakamasakit? Iyong umalis siya nang hindi ko nasasabing minahal ko rin siya at isa siya sa mga taong sobrang importante sa buhay ko. She was like my diary and confession. Lahat din naman ay binigay ko sa kanya. Hindi ako nagsawang tumulong. I was even there in her life since we're kids. Gano'n katagal! Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pa niya akong ipagtabuyan o pagtaguan nang ganito! Ano bang kaasalanan ko?" "You must accept it, bro. Sabi mo nga, ikaw na mismo ang parang nagpaalis sa kanya dahil sa masyado siya nasaktan when you told it straight into her face that you like Selena more than her. Kung ako rin si Apple ay gano'n din ang gagawin ko. It just shows that you only need her just because of lust. Kaya mas lalo siyang nasaktan na pumayag kang may mangyari sa inyo. You like the s*x more than her true feelings of being loved romantically." "I guess you're right, Kuya Denis." Hinawakan naman siya sa balikat ni Denis matapos agawin ang baso. "I think the best thing you can do now is to focus on your career instead. New pilot ka na. Pursigihin mo na lang kung paano ka makakapagpalipad ng eroplano for international flights para mas malaki ang kita at tumaas ang level. Goal on your promotion, bro. Malay mo, makalimutan mo na lang siya at makakilala ka pa ng iba. Bro, I tell you. Theres a lot of fishes in the sea na mas maganda at mas sexy kay Apple. Don't be a cry baby just because of a one single woman who dump you. Itayo mo naman ang bandila natin." Napangiti naman si Argel. Kahit ayaw niyang sikmurain ang mga sinabi ng kanyang Kuya ay nagkunwari na lang siya dahil tila ang hirap nang mapalitan sa puso niya ang dalaga. Hindi niya maintindihan na kung kailan ito nawala ay saka niya ito hinahanap-hanap at iniiyakan nang lubusan. Pakiramdam kasi niya'y parang tino-torture ang kanyang puso tuwing naiisip niya kung paano ito umiyak sa harapan niya at nagmamakaawang ibigin siya. Ngayon ay tila nabaliktad ang kanilang posisyon dahil siya na ngayon ang walang sawang humihiling sa itaas na matuldukan na at mahanap si Apple at mayakap niya muli sa kanyang katawan para siya naman ang magmakaawang ibigin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD