Chapter 20

2531 Words
LUMIPAS ang anim na taon... "I, Argel, take you, Lilith, to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." Nagpalakpakan at tumayo ang mga taong nasa loob ng simbahan. Kabilang ang kanyang pamilya na sina Hulyo, Delilah, sina Denis at Selina matapos ng magarbong seremonya ng kanyang kasal. Isinuyo ng mga magulang sa kanya si Lilith sa pamamaraan ng Parental dahil sa tumatanda na si Argel at tila wala na sa kanyang plano ang mag-asawa. Panay trabaho ang inatupag ni Argel matapos ang anim na taon. Naging International Flight Captain siya, at doon lang din umikot ang kanyang mundo sa pagpipiloto para hilumin ang sakit na iniwan na bakas ni Apple sa kanyang puso. Iba't ibang babae ang inalok sa kanya ngunit hindi siya pumapayag. Hanggang sa makilala niya si Lilith na may pagkahawig kay Apple kaya naman ay pumayag siyang magpakasal dito kahit malaki ang agwat ng kanilang edad na umaabot ng sampung taon. Hindi kayamanan si Lilith dahil isa lang siyang titser at ang mga magulang naman niya'y mga magsasaka lamang. Nakilala siya ni Argel dahil guro siya ng panganay na anak ni Selena sa isang pribadong paaralan. Mabait naman ito. Kaya gano'n na rin ang sinusukli ni Argel na asal sa dalaga. Hindi rin mahirap mahalin ito dahil maalaga at malambing ito sa kanya. Masaya din itong napunta siya sa bisig ni Argel dahil sa alam niyang maiaahon siya nito sa hirap lalo na sa mga kapatid at magulang. Pagkatapos ng kanilang unang honeymoon sa condo ni Argel . . . Nagising si Lilith at nagulat siyang wala na sa tabi niya si Argel. Bumangon siya nang dahan-dahan at tiningnan ang relo sa side table at nabigla dahil mga 7 na pala ng umaga at hindi man lang niya naipagluto ang asawa ng makakain dala ng kapagurang sanhi ng kanilang pagtatalik. Kinikilig siya sa mga nangyari dahil sa napakamatipuno at makisig pa rin ng pangangatawan ni Argel at iyong mukha niya ay wala pa ring pinagbago. Naging matured lang nang kaunti at tinubuan ng kaunting bigote pero napakagwapo pa rin nito. Tumayo siya't isinuot ang silk na roba saka pinulot ang mga damit na nakatapon sa sahig upang ilagay sa labahan nang makita niya kung saan ang asawa naroroon dahil bukas ang pinto patungo sa terrace ng condo. Tumungo naman siya roon at hindi siya nagkakamaling andoon nga si Argel na nakasuot ng sando at pajama na may kasama pang aviator shades ngunit nakahawak ng kopita na may lamang alak. Natatakot siyang lapitan ito kasi madalas itong tahimik na tila palaging malalim ang ang iniisip at misteryoso kaya nagkunwari siyang umubo para makuha ang atensyon nito. Tumalikod ni Argel para lingunin siya sa malayo. Ngunit imbes na lapitan siya nito ay umupo ito sa upuan malapit sa table at may isinulat sa isang coupon bond na nakalagay roon. Lumapit naman si Lilith sa kanya at tiningnan ano ginagawa nito. "Ano 'yan? Pwedeng pabasa? Hmmm . . . Sino si Apple?" Hindi naman siya nito sinagot kaya bumuntong-hiniga na lang si Lilith. Isinulat na lang ni Argel nang mabilisan ang maikling mensahe sa puting papel ang patungkol sa paano niya kausapin ang hinahanap niyang babae para bumalik na sa kanya. Pagkatapos ay madalian muli niya itong tupiin hanggang sa maghugis eroplano at tumayo't pinalipad ito hanggang sa tangayin ng hangin sa malayo dahil nasa tenth floor ang kanilang condo. Natuwa naman si Lilith sa ginawa nito. "Ang hilig mo talaga sa eroplano. Hulaan ko. Paborito mo talagang maglaro niyang paperplanes kahit noong bata ka?" "Oo, huling lipad na rin iyon ng papel na eroplano. Iyong pinalipad ko ngayon." Na-curious naman ang babae. "Bakit? Palagi mo bang ginagawa 'yan?" "Yes, I have loved my best friend before. But then, she left without a reason. That's why, I am doing this for 6 years na isinusulat ko sa papel ang katagang mahanap ko siya. Baka maiparating ng hangin ang mensahe ko sa kanya sa pamamagitan ng Eroplanong Papel." "Ibig sabihin ba noon ay kakalimutan mo na siya kaya iyan ang huling lipad ng eroplanong papel na mensahe mo sa kanya?" Inalis naman ni Argel ang suot-suot niyang aviator glasses saka lumapit kay Lilith. "Oo, I think it's time to move on. That's why I agreed to marry you. I want to start a new life with you and let go of the past. Sana ay mapunan mo lahat ng mga nasayang na oras na idinulot sa akin ni Apple." "Don't worry, susubukan ko. Hindi mo na kailangan mangulila. Naikwento na sa akin ng kapatid mo ang istorya mo. You've been a runaway groom not only once, but twice just because of her. Kaya hindi ka nagkamaling ako ang napili mo at pumalit sa puwesto niya diyan sa puso mo. I love you, Argel. Thank you for coming into my life. You're the best thing that happened to me." Hindi nagatubuling yakapin ni Lilith si Argel, pagkatapos ay hinalikan ito sa labi sabay ipinalibot ang kamay sa leeg nito. PAGKATAPOS ng isang buwan ay nahihiya si Lilith sa asawa dahil sa may hihilingin ito. Lalo na't galing pa ito sa biyahe niya sa airport. Pagkatapos niyang ibigay ang susuotin nitong damit pantulog ay saka siya nagsalita sa kanyang hihilingin. "Argel, may hihilingin sana ako sa 'yo." "Yes, what is that?" "May nakita akong maliit na lupang binebenta sa tabi ng isang school na papasukan ko sana bilang isang guro. Pwede ba nating bilhin iyon? Matagal ko nang gusto sabihin sa 'yo kaso nahihiya ako. Sobra-sobra na ang ibinibigay mo na pera." "No, it's okay. Sige, bilhin natin 'yang lupa na 'yan at patayuhan natin ng bahay. You are my wife already. My wealth is also your wealth." Niyakap naman niya ang asawa at nagpasalamat nang sobra. Napakasaya ni Lilith at sobrang suwerte niya sa kanyang asawa dahil sa lahat ng hihilingin niyang mga bagay ay ibinibigay nito sa kanya. Nakikita kasi sa kanya ni Argel si Apple kaya hindi siya nagsasawang tulungan ito sa kahit ano mang luho o gusto ng babae. Makalipas ang tatlong buwan ay naipatayo na nila ang bahay. Dahil malaki-laki naman ang naipon ni Argel ay hindi siya nag-atubiling bumili ng mga mamahaling appliances at mag-hire ng interior designer para sa gustong disenyo ng asawa hanggang sa buong-buo na ang bahay nila at pina-bless pa ito. Isang araw ay bumisita sa kanya sina Selena at Denis kasama ang dalawa nilang anak. Nagmano mga anak nito kina Argel at Lilith. Habang nagluluto naman si Lilith ng pagkain kasama si Selena sa kusina ay magkasama naman sa sala sina Argel at Denis. "I am very proud na malaki pinagbago mo. Mabuti naman at sineryoso mo na si Lilith. Bagay kayo, so may nabuo na ba?" Hindi naman makasagot si Argel dahil hindi niya alam kung bakit hindi pa rin nabubuntis si Lilith. "Oh, bakit tulala ka d'yan?" "Bro, I don't know. Maybe isa sa amin ay may deperensya o baog." Nalungkot naman si Denis kaya't hinawakan niya ito sa balikat. "Naahh! Don't think that way. 4 months pa lang ang nakakalipas. Have a doubt if it reaches a year na wala pa kayong anak." Bumuntong-hininga naman si Argel. "Yeah, I guess. Ewan ko, masyado yata akong nagmamadali. Nahihiya naman akong tanungin siya kasi ayoko siyang ma-pressure." "Just wait for it, bro. Dadating din iyon. Maybe she is just suffering from PCOS. Or maybe mahina ang semen mo. Better call out your doctor kasi ganyan ang nangyari sa akin noong una. Di ba hirap din magbuntis ni Selena hanggang sa may pinainom sa akin para hindi mahina ang semelyo ko?" "Thanks, bro. I will bear that in mind. After a year siguro, saka ako magpapa-check sa doctor kasama si misis." NAGSIMULA na ring magturo si Lilith sa paaralan na katabi ng bahay nila. Natupad niya ang pangarap niya at lahat lahat na maliban sa magkaroon ng anak kaya ang turing din niya sa mga estudyante niya ay parang kanya. Mahal na mahal niya ang propesyon niya kaya ginagampanan talaga niya ang kasabihang ang mga guro ay ang pangalawang ilaw ng tahanan. Hanggang sa makilala niya si Apolonio, o tinatawag nila sa palayaw na Paul. Napakabait nitong bata. Natutuwa nang sobra si Lilith sa estudyante niyang ito sa grade one dahil sobrang sipag at active na bata. Kahawig na kahawig din ito ng kanyang asawa sa kung papaano ito kumilos at magsalita. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya rito. Masyado kasi itong palangiti at laging sumasagot sa mga recitation at matalino. Masyado ring honest ito dahil sinusumbong niya kung sino madalas ang noisy at talkative sa klase nila. Magaling din ito sa leadership dahil siya ang presidente ng classroom at tuwing nagtuturo si Lilith ay pinapatahimik niya kung sino man ang maingay sa classroom. Makapal ang salamin nito pero tuwing pinagmamasdan ni Lilith ang mga mata nito ay talagang parang mata ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay naabutan niyang umiiyak ito sa waiting shed ng eskwela habang palubog na ang araw. Naawa si Lilith kaya nilapitan niya ito at tinanong. "Oh! Apolonio! Bakit wala ka pang sundo at umiiyak ka d'yan?" "Kasi po, na-flat daw ang tire ni papa." "May contact number ka ba sa papa mo?" "Mayroon po pero lowbat na po ako, Mrs. Reyes." Agad naman inilabas ni Lilith ang kanyang cellphone sa loob ng bag at hiningi ang number ng papa nito. Ibinigay naman ni Paul iyong number hanggang sa tawagin niya ito. Naghintay siya dahil busy sa una hanggang sa natsambahan niyang may sumagot rito. "Hello, ito ba ang papa ni Apolonio? Ito po ang guro niya na si Mrs. Reyes." "Oho, ito nga ho. Ako po si Ronel De Luna. Medyo malayo ang bahay namin sa eskwelahan at na-flat ang tire ko. Pwedeng sa inyo muna siya dahil mukhang gagabihin bago ako makarating d'yan. Nasa Quezon City ako, malayo masyado sa Bulacan." "Sige. Ipapadala ko na lang ang location ng bahay ko through Wiz. Mabuti na't safe iyong bata kaysa maiwan pa rito at mapaano." "Naku! Maraming maraming salamat, Mrs. Reyes!" Natuwa naman si Lilith dahil sa maiuuwi niya saglit ang paboritong-paborito niyang estudyante. Hanggang sa dumating ang sundo niyang 7-seater na GMC. May sarili din siyang driver dahil sa mayaman na siya at pinasakay niya si Paul doon. Habang lumalarga ang kotse ay pinagmamasdan niya ang mukha ng bata at medyo kinikilig dahil sa kakyutan nito. Kung pwede lang na kurutin niya ito sa pisngi ay gagawin talaga niya. Pakiramdam tuloy niya ay buntis siya dahil sa parang naglilihi siya sa batang katabi. Hanggang sa dumating sila sa destinasyon nila. Nilibot ni Paul ang mata sa maliit na bahay na parang bahay kalapati o bahay palaruan. "Wow, ma'am. Bahay niyo iyan?" "Oo naman. Tara sa loob?" Pagpasok nila sa loob ay kinuha agad ni Lilith sa loob ng ref ang mga donut at cinnamon na kanyang ginawa saka ibinigay sa bata. Hindi pa ito nauubos ni Paul ay nagulat siyang binigyan pa siya ng ginang ng maraming chocolate at candy. Matapos ay pina-swimming pa niya ito sa maliit nilang swimming pool. Sobrang saya ni Paul at walang humpay ang kanyang paglalaro at pasasalamat sa kanyang paboritong guro. Hanggang sa dumating na si Ronel sa bahay nila at sinundo na ang bata na ikinalungkot ni Lilith. Nagpasalamat din ito nang sobra bago sila magpaalam. Pag-alis nila ay saka na rin dumating si Argel hila-hila ang luggage bag niya at nakasuot ng unipormeng pang-piloto. Pagpasok niya sa loob ay nagulat siyang magulo ang bahay at madaming nakalagay na matatamis na pagkain sa ibabaw ng mesa sa mini kitchen kaya napatanong siya. "Anong nangyari at magulo ang bahay, mahal?" Ngumiti naman si Lilith. "May bisita tayong bagong chikiting. Iyong paborito kong estudyante sa grade one. Ang pangalan niya ay Apolonio." "Gano'n ba? Ang saya naman ng misis ko. Gusto mo ampunin na lang natin 'yang chikiting na 'yan dahil pakiramdam ko'y mas love mo siya kaysa sa akin?" aniya sabay inakbayan niya ito sa baywang na kunwari ay nagtatampo. "Ano ka ba? Pati bata nama'y pagseselosan mo. Alam mo, mahal, may something sa batang ito. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin o naglilihi ako?" Pinaharap naman ni Argel sa kanya ang asawa matapos ay hinalikan ito sa noo. "May nabuo na ba?" "Hindi ako sure. Next week na kasi ang period ko. If hindi dumating. Baka buntis ako. Pero, seryoso, mahal. Kahawig na kahawig mo ang batang tinutukoy ko." "Ibig sabihin noon ay gwapo kasi kamukha ko," pangungulit at pagbibiro naman ni Argel. "Tara na nga at ihahanda ko na ang kakainin mo. Ang baho-baho mo na, oh! Amoy eroplano ka na. Maligo ka na habang may gana pa ako ngayong gabi at maging bed warmer mo ulit." Natuwa naman si Argel sa sinabi nito kaya agad-agad siyang naligo. Ngunit sa kasawiang palad, makalipas ang isang linggo ay dinatnan si Lilith. Kaya hindi na naman mapakali si Argel kung bakit hindi pa rin ito nabubuntis. Hanggang sa isang araw. Umagang-umaga pa lang ay hindi mapakali si Lilith na tila may hinahanap. Kahit antok na antok si Argel ay napabangon siya sa kama upang alamin iyon. "Mahal, umagang umaga. Dapat holiday ngayon at araw ng pahinga pero parang busy ka. Ano bang hinahanap mo d'yan?" "Wallet ni Apolonio. Naiwan kasi niya. Kaso, holiday, need daw niya iyon. Kaya ihatid natin sa kanya." "Ikaw naman kasi, mahal. Inaraw-araw mo nang patuluyin dito ang batang iyon. I am beginning to get interested with that kid kasi obsessed ka na sa batang iyon. Hindi ko pa siya nakikita. Do you have any picture of him?" Biglang may naisip si Lilith sabay humarap sa asawa. "Ahhh! Alam ko na. Tutal ay curious ka makita ang paborito kong estudyante na si Apolonio, bakit hindi na lang ikaw ang tumulong sa akin maghanap ng wallet niya tapos kapag nahanap natin ay ikaw ang magbigay sa kanya. Ihatid mo sa bahay nila." "Bakit? Saan ba ang bahay nila, mahal?" Nag-pout naman ng lips si Lilith. "Sa Quezon City." Biglang nanlumo ang mukha ni Argel kaya nilambing siya nito para mapapayag niya itong pumunta sa bahay ng bata para lang ibigay ang wallet kapag nahanap. Matapos nilang mahanap ang wallet ng bata ay nagulat silang 20 pesos lang ang laman nito at may picture ng mag-asawang si Ronel at Michelle. Hindi din makapaniwala si Argel sa kanyang mga nakita. Kung tama ang kutob niya ay isa rito ang kapatid ni Apple kaya naman nanubig ang kanyang mga mata pero hindi niya ipinahalata sa asawa. "Mahal, may problema ba?" pag-aalala ni Lilith dahil parang natahimik ito at bumigat ang kanyang mukha matapos makita ang litrato ng mag-asawa sa wallet ng bata. "Kilala mo sila, mahal?" tanong ulit ni Lilith. "Hindi, hindi ko sila kilala. Pero pupuntahan ko ang bahay ng batang iyan." "Mabuti naman. Salamat, mahal. Pasensya ka na. Sadyang malapit lang ang loob ko sa batang iyon na parang hindi ko matiis." Iniwan niya ito. Nang mapag-isa si Argel ay mas lumalim ang kanyang iniisip habang tinititigan ang litrato sa wallet ng paboritong estudyante ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD