MATAPOS maghanda ni Argel papunta sa Quezon City ay hinalikan siya ng asawa bago siya bumiyahe dahil medyo malayo ang Bulacan sa lugar nila. Ni hindi niya alam kung bakit gano'n na lang kalayo ang tirahan ng bata sa eskwela. Pagkasakay niya sa kanyang malaking sasakyan ay pinagmasdan ulit niya ang wallet ng batang si Apolonio. Hanggang sa pinaharurot niya ang sasakyan. Kasabay ng pagtakbo ng kanyang kotse ay gano'n din ang kanyang isip na tila nilalakbay ang mga nakaraang sandali na punong-puno ng katanungan. Makalipas ang 45 minutes at sa tulong ng Wiz App ay nahanap niya ang lokasyon nitong tinutungo. Bumaba siya sa kanyang kotse sabay tinanggal ang suot na Aviator shades. Nakasuot siya ng long sleeve na kulay puti at maong na itim. Ibinulsa naman niya sa kanyang likod ang wallet ng ba

