ISANG ARAW, pagkatapos alagaan at bantayan ni Apple si Argel habang ito'y tulog, hinalikan niya ito sa noo at labi sabay hinawi ang kanyang luha matapos mapatakan ang mukha nito dala ng kanyang palihim na pag-iyak kagaya ng dati. Mahal na mahal niya ito. Dahan-dahan niya itong kinumutan matapos patayin ang ilaw, pinaandar ang lampara, lumabas at isinira ang pinto. Nang naglakad na siya patungo sa hallway at dumaan sa sala ay nagulat siyang unang beses niya makita ang mama ni Argel na nakaupo sa sofa. Nilingon muna niya ito habang nagbabasa naman ang ginang ng dyaryo na parang walang nakikita. Yumuko na lang siya at tinanggap na lang na kahit kailan ay hindi siya matatanggap nito kahit nakaka-apat na buwan na siyang naninilbihan upang alagaan ang binata. Ngunit nang tutungo na siya palaba

