LUMIPAS ang ilang linggo... Nagising si Argel at unang bumungad sa kanyang mga mata ang mukha ng kanyang mahal na mahal na babae, si Apple. Kahit namumutla ito ay tila ang ganda ganda pa rin nito sa kanyang paningin. Banayad niya itong hinalikan sa noo at sa malalambot nitong labi. Halos araw-araw ay ganito ang ginagawa niya sa dalaga dahil pakiramdam niya'y babawiin na ito sa kanya kaya sinasamantala na niya ang maliligayang araw nito sa kanya. Matapos tumayo ay binuksan niya ang bintana gaya ng itinuro sa kanya nito. Dahil kahit hindi nakikita ni Apple ang liwanag sa kawalan ng mata ay nararamdaman nito ang init na dulot ng silaw ng araw sa kanyang balat. Masaya si Argel dahil araw na ng kanyang kasal sa minamahal niyang babae. Nag-book siya sa 5 star hotel kung saan sila unang nagkak

