GALADIA-Doryang Silangan
Lumapag si Jedo malapit sa Gitnang-Galadia at hindi sa mismong kinatitirikan ni Questas. Samantala, piniling maglakad ni Leopoldo hanggang matanaw ng prinsipe ang malabay na puno ni Questas na sadyang nahaharangan nang makapangyarihang proteksiyon. Halos mamanghang ang binata sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataong nakakita nang ganitong mahika ang lalaki.
Hindi siya hinahayaang makapunta sa Galadia sapagkat ayon sa mga kwento-kwento nang mga matatandang Emeritian ay sadyang mapanganib ang maglakbay sa mahikal na kagubatan ng Doryang Silangan. Ngayon lamang napagtanto ni Leopoldo'ng totoo ang mga istoryang kanyang napakikinggan sa mga Dama o kawal na matagal nang naninilbihan sa Harandia.
Kasalukuyang lumilibot si Lepoldo sa paligid ng nasabing puno, ngunit hindi nito mawari kung anong marapat gawin o kung saan magsisimulang hanapin ang bakas.
"Subukan ko kayang pasukin kahit 'di hanapin ang sinasabing bakas?" halos butil ng pawis ang lumalabas sa noo ni Leopoldo, dahil na'rin sa paiba-ibang klima sa paligid ni Questas.
Kapagkadaka'y dahan-dahang lumapit ang prinsipe, saka sinubukang hawakan ang kakaibang bahaghari na pumoprotekta sa naturang malabay na puno.
Sa kanyang paghawak ay hindi malaman ni Prinsipe Leopoldo ang kakaibang kuryenteng nanalaytay sa kanyang ugat, rason upang liparin siya palayo kay Questas. Bumagsak ang binata at halos masaktan ang mga katawan, nagkaroon din nang galos sa mukha si Leopoldo.
"Ugh," giik nito sa kirot na nararamdaman sa balakang.
Muling lumapit si Leopoldo at sinubukang makapasok, subalit gaya noong una'y muli na naman siyang tumilapon palayo kay Questas. Halos humalik sa lupa ang kaliwang pisngi ng binata ngunit kinakailangan niyang maging matatag upang magtagumpay sa pinakahuling pagsubok.
Sa ikatlong beses na sinubukang hawakan ang bahaghari'y halos kumalas ang mga buto ni Leopoldo sa tindi nang kuryenteng dumaloy sa buong katawan. Doon lumagapak ang binata sa damuhan, habang halos humalik ang kanang pisngi sa kulay lilang lupain. Mabilis dumilat ang binata kahit nananakit ang kalamnan, hanggang sa mayroong mapansin si Leopoldo sa lupa.
Maliliit na baku-bakong bakas nang kung anong nilalang, doon napangiti si Prinsipe Leopoldo kahit pa nakahandusay sa lupa. Hindi maipaliwanag ang sayang nadarama ng prinsipe, saka kinapa ang kanyang maliit na sisidlan upang isukat ang munting sapatos ni Pinkie.
"S-Salamat Emeritus..." tanging usal ni Leopoldo nang eksaktong lumubog sa mga bakas ang ipinabaong pansapin ni Pinkie.
Nanatili siyang nakadapa sa lupain at nag-iipon ng lakas, hanggang sa mayroong tumapat na mga paa sa mismong mukha ng binata na sadyang inapakan ang inilagay ni Leopoldo'ng munting pansapin.
Nanlaki ang mga mata ng prinsipe nang tingalain niya kung sino ang naroroon. Isang nakangising reaksiyon ang nakabakas kay Prinsipe Leon.
"Kung gayon, salamat kaibigan." patuyang saad nito na ikinaalarma ni Leopoldo dahilan upang piliting tumayo nang binata saka marahas na hilahin ang paa ng mapangahas na si Prinsipe Leon.
Natumba ang prinsipe ng Astramos, kasabay nang kanilang marahas na pag-uunahan sa limitadong lagusan. Iisa lamang ang maaaring pumasok sa kulay lilang lupain sa pusod ng Galadia kung kaya hindi maaaring maisahan o maumahan ni Prinsile Leon. Nakipambuno ang binata upang hindi manaig ang pagiging tuso nito. Halos magsuntukan o maghilahan ang dalawa hanggang sa bumunot nang espada ang parehas na prinsipe.
"Hindi ka magtatagumpay sa mga masasama mong balak! Bumalik ka na kung saan ka nanggaling estranghero!" ani Leopoldo habang ini-aamba ang espadang hawak.
"Wala kang mapapatunayang masama ang aking hangarin sa Burgandia. Sinong maniniwala sayo kung masawi ka sa gagawin ko?" anitong kakikitaan ng kumpiyansa.
Iwinasiwas na malapit sa bandang tiyan ni Leopoldo ang matulis na espadang hawak ng binata.
Mabilis nakaiwas ang prinsipe ng Harandia, hanggang sa nakasilip nang pagkakataon ang upang mabahiran ng espada ang balikat nito.
"Argh." hindi makapaniwala si Leon na masusugatan sa matapang na pagsugod ng binata. Hinawakan nito ang sugat na ginawa ni Prinsipe Leon hanggang sa mabilis ang naging pagkilos ng binata at tuluyang nakapasok sa loob nang proteksiyong bahaghari.
"Hindi!!!!" hiyaw ni Prinsipe Leon mula sa labas nang proteksiyon. Kitang-kita niya ang paulit-ulit na paghampas ng prinsipe mula sa lagusang hindi nakikita ngunit kahit anong gawin ni Leon ay sadyamg sagrado ang naturang daaanan.
"Tinitiyak kong hindi ka makakauwi nang buhay!" pagbabanta ni Prinsipe Leon, kung saan ikina-iling lamang ni Leopoldo saka humarap nang sobrang lapit sa mukha ng tusong prinsipe. Samantala, ang tanging humaharang sa kanilang tagusang paghaharap animo duwelo'y ang bahagharing proteksiyon ni Questas.
"Hindi ka magtatagumpay sa'yong kasamaan, palagi mo sanang tatandaan ang araw na 'to!"
Humarap si Leopoldo ng buong tapang sa malabay na puno ni Questas, subalit hahakbang pa lamang ang prinsipe nang bumukas ang maliwanag na mata ni Questas.
"Batid ko ang pagtungo nang prinsipe ng Harandia, putulin ang banta yaring pagkawasak ng Burgandia. Aking tulong ay ang diyamanteng singsing, piliin kung saan lumalagi sa mga ugat ng nakakawit, upang sa gayon ay ikatuwa ng hari. Ibalik sa takdang oras sapagkat hindi ko ibig mabuhay ang nagnganngalit na higanti ng aking kambal na si Questro.
Inilibot ni Leopoldo ang paningin sa puno at ayon sa kanyang obserbasyon, mayroon isang hugis mukha ang puno ni Questas sa bandang likuran nang malabay nitong katawan. Marahil iyon ang tinutukoy ng kanyang palaisipang propesiya.
Mayroong kambal si Questas na kung saan, nasa kalaliman ng pagtulog at ang singsing na diyamante ang dahilan kung bakit nananatilimg himbing si Questro. Kailangan lamang maipakita ng binata ang diyamanteng singsing at marapat ibalik sa lalong madaling panahon, upang di mangalit ang kambal nang punong nagbibigay sagana sa buong Emerit.
Hinanap ni Leopoldo ang kakaibang ugat na sinasabi nito, hanggang sa matanaw ang makinang na ugat malapit sa naturang mukha ni Questro. Dahan-dahang umakyat ang prinsipe upang hindi magambala ang kambal ni Questas na kasalukuyang humihilik at talagang may buhay.
Natanaw ni Prinsipe Leopoldo ang singsing na nakalagay sa makakapal na ugat ni Questro. Doon ay pinilit abutin ng binata ang naturang diyamante, tila ito ang nagsisilbing puso ni Questro.
Mabilos ibinulsa ni Prinsipe Leopoldo ang nakuhang alahas mula sa puso ni Questas.
"Ikaw ay humayo, mag-ingat sa lalaking hangad ang iyong pagkatalo...Kasamaan at propesiya ay iyong gapiin.. Harandia, Burgandia, at Galadia ang ating pag-asa..." malalim na saad ng puno.
"Maraming salamat, Questas. Utang ko ang iyong pagtulong upang mapagtagumpayan kong masungkit ang puso ni Maria Crex at kasama siyang mamuno sa Burgandia."
Hindi na sumagot ang malabay na puno saka dahan-dahang pumikit. Mariing isiniksik sa utak ang mga bilin ni Questas bago magwala ang kakambal niya ay kailangang makabalik sa Burgandia at panandaliang ipakita ang diyamanteng singsing.
Muling kinapa ang pansapin ni Pinkie saka matamang hinanap ang bakas na madali namang natunton ni Leopoldo. Kapagkadaka'y ligtas na nakalabas ang prinsipe at lumakad sa kulay lilang lupa ngunit sa kanyang paghakbang sa ikahuling yapak ay bigla na lamang unti-unting bumagsak si Prinsipe Leopoldo.
"A-anong nangyayari sa'kin!" nanlalabo ang kanyang mga mata, rason upang hindi masyadong maaninaw ng binata ang lalaking humablot nang sisidlan na nakasukbit sa beywang.
"M-Malalaman nilang ikaw ang may kinalaman nang lahat..." hilung-hilo ang binata subalit pinanlalabanan ang paglabo ng paningin.
Naramdaman ni Leopoldong hinatak siya palapit muli sa loob ng proteksiyong bahaghari.
"H-Huwag..."
"Iyon ay kung maalala mong ako ang mayroong kagagawan ng lahat..."
Doon ay tuluyang inihagis ang nanlulupaypay na katawan ni Prinsipe papasok muli sa malabay na puno ni Questas.
Isa sa mga bilin ni Pinkie ang isang beses lamang na pagbalik sa punong iyon ng bawat Emeritians, sapagkat maaaring hindi na makalabas mula sa loob ng mga ugat at manatili roon hangga't walang pumapalit na pwestong kanyang inukopa.
"Paalam, Prinsipe Leopoldo. Ito ang siguradong wakas ng buhay mo...Akin lamang ang Burgandia at si Maria Crex." dinig na dinig ng prinsipe sa buong ulirat ang matunog na halakhak ng katunggali.
"H-Hindi..."
BURGANDIA-Doryang Silangan
Sumadsad ang mapangheng dragonika ni Prinsipe Leon sa tarangkahan ng Harandia. Samantala, natigilan si Maria Crex nang matanaw ang misteryosong prinsipe habang nagmumuni-muni ang dalaga sa terasa.
Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib lalo't tumingin sa gawi ni Maria ang lalaki na kababakasan nang kakaihang ngiti. Hindi ngiting tulad nang kay Leopoldo bagkus ay nakakatakot at parang mayroong binabalak na masama o tangka laban sa mga Emeritian.
"P-Pinkie, halika't tayo ay bumaba upang malaman ang naging resulta ng pagsubok." inilagay ni Maria Crex sa balikat ang kaibigan, kaagad namang sumang-ayon ang diwata.
Pababa sila ng malawak na hagdanan kasabay nang kanyang mga magulang. Mababakas din sa mukha ang pagkadisgusto sa mabubuong pasya, tila wari nila ang itinatagong kasamaan ng binatang nakatira sa Hilaga.
Pagkaupo sa trono'y kaagad sinalubong ni Prinsipe Leon ang mga magulang ni Maria Crex at magkapanabay na lumuhod kasama ang Dama'ng kakaiba.
"Ano ang iyong dala, Prinsipe Leon?" kahit tila alam ni Haring Buendia'ng doon nagtatapos ang pagtutunggali.
Mayroong kinuha ang binata sa isang sisidlan saka ipinakita ang laman ng naturang lagayan. Marahang ipiniresenta ni Prinsipe Leon ang singsing ni Questas at doon suminghap ang mga Dama sa palasyo maging ang mga kawal ng Burgandia. Mababanaag ang paghanga sa kagila-gilalas na nagawa nito.
"Aking iniaalay anv diyamanteng singsing sa iyon Haring Buendia at Reyna Crexia bilang tanda sa hangarin kong makuha ang trono...ang ibig kong sabihin ay makuha ang puso ng iyong prinsesa."
Nagkatinginan ang mag-asawa at tila nababagdan ang reaksiyon ni Reyna Crexia. Bumuntong-hininga ng malalim ang hari at pinagsalikop ang kamay. Hindi mapigilan nang aman ni Maria ang labis na pagtutol at pag-aalala, sapagkat nakikita ng matanda ang pagiging ganid sa kapangyarihan ng binatang nanggaling sa Astramos, subalit bilang hari'y mayroong itong paninidigang hindi pwedeng baliin ang utos lalo't mayroong kaugnayan sa pamumuno sa Burgandia.
"Wala bang inihabilin sa'yo si Questas bago no makuha ang diyamanteng singsing?"
Matagal nanahimik ang prinsipe saka tumikhim bago muling naglitanya.
"W-Walang ibinilin ang malabay na puno sa kung anong maaaring gawin sa singsing, mahal na hari."
Kumunot-noo ang matanda sapagkat hindi maaaring walang payo o bilin si Questas.
"Nakasisiguro ka bang wala siyang ibinilin patungkol sa kambal na mukha nito?" nagtaka si Hari'ng Beundia.
"S-Sa aking pagkakaalala'y hindi ako pinahirapan ni Questas upang makuha ang singsing. Maaari na raw itabi ng susunod na mamumuno ang diyamanteng puso nito.
Malalim ang pagkakakunot ng noo ni Pinkie tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng prinsipe.
"Kung gayon, idideklara ko ang iyong pagkpanalo sa huling pagsubok. Bilang hari ng Burgandia ay pinaparangalan kita nang kapangyarihang mamuno sa buong palasyo sa araw ng iyong pakikipag-isang dibdib sa nag-iisang prinsesa ng Burgandia."
Napatayo nang wala sa oras si Maria Crex sapagkat tutol ang babae sa naging pasya ng mgs magulang.
"P-Pero ama..."
"Patawarin mo ako aking anak..." ani Haring Buendia bago tinapik ang balikat ng dalaga at tuluyang bumalik sa inuukopang kwarto kasama ang kanyang esposa. Samantala, muling tumawag si Prinsipe Leon sa hari na sadyang ipinagtaka lalo ni Maria Crex.
"Kapag tapos na ang kasal ay binibigyan niyo po ba ako nang basbas upang mahawakan ang Elixir.."
'Bakit masyadong interesado ang isang 'to sa Elixir?'
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Maria Crex, maging ang ilang katanungan tulad nang..nasaan si Prinsipe Leopoldo? Hind ba masyadong eksakto palagi ang pangunguna nang binatang taga-Astramos?
"Maaari, iho sapagkag ikaw na ang mamumuno sa buong hukbo at palasyo maging ang puso ng aking kaisa-isang anak."
Alistong lumuhod si Prinsipe Leon hanggang sa makaalis ang hari sa harap nito. Samantala, umugong ang bulungan ng mga Dama at kawal maging ang pananahimik ni Kumando sa gilid ay tila kakaiba.
"Malinaw sa lahat na ako na ang inyong magiging hari kaya kung sinumang sumuway sa--"
"Anong mga salita ang sinasabi mo sa aming mga tauhan?" singhal ni Maria Crex tila hindi nagustuhan ang pagiging marahas ng lalaki.
"Prinsesa, ako lamang ay nangangaral sa ating mga kawal--"
"Wala ka pang karapatan hangga't hindi pa tayo kasal!" mariing saad nito.
Tumalim ang mga mata ni Prinsipe Leon ngunit kaagad ding nabago ang reaksiyon at naging maamo tila isa sa mga tagapangalaga ni Emeritus.
"Naiintindihan ko, Prinsesa Maria."
Imbis na sumagot ang prinsesa'y umalis din sa trono ang dalaga at padarag na umakyat sa inuukopang kwarto kasama si Wanda at Pinkie. Tahimik lamang ang Dama' tila hindi rin gusto ang naging pasya ni Haring Beundia.
Sumalampak sa malawak na kama ang dalaga saka bumaha ang luha sapagkat labi ang pag-aalala sa Prinsipe ng Doryang Kanluran. Iisa lamang ang kinahihinatnan ng mga hindi nagtagumpay sa pagsubok, at iyon ay kasawian.
"P-Pinkie anong gagawin ko? Nasaan si Prinsipe Leopoldo?"
"Prinsesa Maria, hindi ko maisip kung paanong walang bilin si Questas? Isang himala para sa bagong Emeritian na unang tumuntong sa pusod ng Galadia." panay ang pabalik-balik na lakad ng diwata.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi kay Questas ang singsing na diyamante kundi sa kanyang nahihimbing na kambal na si Questro. Hindi nabanggit ni minsan ni Prinsipe Leon ang tungkol sa kambal ng puno..."
Parang mayroong mali sa mga nangyayari at iyon ang nais alamin ni Maria Crex. Pinunasan ng dalaga ang mga luha saka mariing sumulyap sa Dama.
"Wanda," maawtoridad na tawag sa tagapangalaga.
"Ano po iyon prinsesa?" yumuko ang ginang.
"Ihanda ang paborito kong unicorn at mamamasyal kami ni Pinkie." sa pagkakataong iyon ay hindi pinigilan ni Wanda ang dalaga sapagkat tila nawalan nang kapangyarihan nag haring kontrolin ang anumang mararamdaman ni Prinsesa Maria Crex dahil sa tila baluktot na desisyon ni Haring Buendia.
"M-Masusunod po mahal na prinsesa.." muling tumango saka magmamadaling bumaba ang Dama.
"A-anong binabalak mo prinsesa?" nagtataka ang munting diwata.
Nabahiran nang tapang mukha ni Maria bago diretsahang tinignan si Pinkie.
"Kailangan ko ang tulong mo dahil tutulak tsho sa pusod ng Galadia..."
"A-Ano?"
NASA BAKURAN SI HARING BUENDIA habang tinitignan ang mga bulaklak ng Galaxia, nakikinig ang matanda sa mga mabibining huni ng mga ito tuwing tatamaan nang kinang ng Hantala. Nakakawala nang suliranin o pag-iisip ang mga huni ng Galaxia. Masuring hinahaplos ni Haring Buendia ang mga iyon nang naputol ang pagmumuni-muni nito.
"Mahal..."
Imbis na sumagot ay masuyong iginiya lamang nang hari ang kanyang esposa sa mga bulaklak. Mababakas ang malungkot na ngiti nito kung kaya hindi maiwasang mabahala ng reyna.
"Anong bumabagabag sa iyong isip?" hinaplos ni Reyna Crexia ang balikat ng esposo.
"Naiisip ko lamang ang susunod na mamumuno sa Burgandia. Nawa'y mapangalagaan niyang mabuti ang mga Emeemritian na tahimik na naninirahan sa ating palasyo, magmula nang sakupin ni Juando. Tatlumgpong minuto na ang nakalilipas..." ani Haring Buendia.
"Hanggang ngayon ba'y sinisisi mo parin ang iyong naging pasya? Nagtiwala ka lamang mahal, buong akala mo'y may busilak na puso si Juando."
"Ayokong ilagay na naman sa kapahamakan ating palasyo maging ang kaisa-isang anak. Hindi ko kakayanin Crexia.."
Marahang niyakap ng asawa ang hari upang maibsan ang pag-aalala nang mag-asawa saka dumadalangin nang taimtim kay Emeritus.
GALGOTHA-Doryang Timog
HALOS HINDI MATIGIL ANG PAGHALAKHAK ni Juantorio sapagkat nagtagumpay ang binatang mapasakamay ang trono sa lalong madaling panahon. Isang masyang piging ang kanyang inihanda para sa mga kawal ng Galgotha.
Tila naging isang brotelyo ang palasyo dahil sa mga bumahang alak na gawa sa Damortis. Ilang mga Dama'ng pang-aliw sa mga kawal. Si Juantorio ay matamang umiinom sa kopita habang nakapatong ang mga paa sa tronong napapalamutian ng itim na kurtina.
"Hindi magtatagal, ako na ang magiging may-ari ng Elixir at buong Emerit...Kudyamat!"
"Mabuhay ka Panginoon. Hindi ka matitibag nang kahit anong kawal ng Harandia, Burgandia o maging Galadia!"
"Nagugustuhan ko ang iyong mga salita Kudyamat!"
Maya-maya'y kumunot noo ang binata nang mapansing anyong Emeritian ang alagang engkanto.
"Tila namimihasa ka sa pagigingn Emeritian, hangal!" tumayo ang binata at mabilis sinakal si Kudyamat.
"Ugh, P-Panginoon.." naiilang na ngiti ang pinapakawalan nito rason upang lumitaw ang pangil nito.
"Saan ka kumuha ng mahika para manatili sa ganyang anyo!" singhal nito..
"P-Pakawalan niyo, Panginoon..ugh s-sinimot ko ang botelya ni Ulna.. patawarin mo ko p-panginoon.."
Umigting ang panga nito bago pinakawalan ang ambisyosong engkanto saka inabot ang kopita.
"Ikuha mo ko nang espesyal na alak Damortis!" anito bago muling sumalampak sa upuan.
Dali-daling tumungo si Kudyamat sa mga nakahandang pagkain at ilang mga prutas na nanggaling sa kagubatan ng Galgotha.
HARANDIA-Doryang Kanluran
NANGUNGUNA si Arnulfo sa mga pulutong ng kawal habang nakalulan sa ilang pandigmang dragonika. Hinahanap nila ang prinsipeng hindi pa bumabalik magmula nang tumungo sa pusod ng Galadia. Halos magiikalimang pagkinang na nang Hantala rason upang mabagdan ng pag-aalala ang mga magulang ni Prinsipe Leopoldo.
Binigyang kapangyarihan ni Haring Cantor ang ikalawang anak upang mamuno sa paghahanap sa panganay.
"Huwag ilagay sa peligro ang mga dragonika pagdating sa paiba-ibang temeperatura sa Galadia." utos ni Arnulfo rason upang magsitanguan ang mga kawal.
"Masusunod mahal na prinsipe."
Nasa panghuling hanay si Aleman na kasalukuyang sakay ang mga magulang ng tatlong prinsipe.
Ilang mili-segundo nang tumigil malapit sa pusod ng Galadia ngunit tila wala yatamg bakas na makikitang nanggaling roon ang kapatid.
Bumaba ang lahat ng Dragonika malapit sa pusod. Maging ang mag-asawang Harandia.
"Arnulfo, may natatanaw ka ba?" ayon sa ama nito.
"Sa ngayom ama'y malabo ang daan patungo rito."
Sumubsob sa dibdib ng hari ang kanyang minamahal na asawa sapagkat hindi matigil sa pagtangis si Reyna Penelope dahil napanaginipan niya ang anak na nasa panganib habang sakay ni Jedo.
Yaon ang dahilan kung bakit nagpasya ang lahat na hanapin ang prinsipe.
"Hindi ko kakayanin mahal, kung mawala ang ating panganay!" muling tumangis.
"Shh. Manalig tayo kay Emeritus na ililigtas niya si Prinsipe Leopoldo"
"P-Paano kung napaslang siya habang kinuku-"
"Mahal! Huwag mong isipin ang ganoong bagay.." inalo ang asawa.
HALOS PATAKBUHIN NANG MATULIN NI Prinsesa Maria Crex ang unicorn papasok sa Galadia. Hindi niya masyadong kabisado ang daan ngunit si Pinkie ang nakakaalam. Dumaan sila sa Hilagang Galadia upang mapadali raw ang pagdating sa pusod ng kagubatan. Hindi alam nang hari ang kanyang mga ginawa sa ngayon sapagkat kapag nalaman nito'y malaking g**o ang malilikha sa Burgandia kaya nakiusap si Maria Crex sa Dama na manahimik hangga't maari.
"Pinkie, anong kailangan natin para mahanap si Prinsipe Leopoldo?" hinihingal ang prinsesa sa kakapatakbo ng unicorn.
"Kailangan lamang natin matagpuan ang lilang lupain upang madali sa'king mkapasok sa proteksiyong bahaghari.."
"Sige, mas bibilisan ko pa.." habang tumatakbo ang unicorn ay tinignan ni Maria Crex ang nalalapit na pagkinang ng Hantala sa limang pagkakataon.
Dumaan si Pinkie at Maria Crex sa ilang kakahuyan, ngunit hindi alintana ang takot na maaaring maranasan sa kakaibang kakahuyan. Hindi kabisado ng prinsesa ang hilagang bahagi ng Galadia ngunit umaasa siyamg makita ang prinsipe sa lalong madaling panahon upang mapigilan ang pormal na paghirang kay Leon sa Doryang Hilaga.
'Nandiyan na ko, Prinsipe Leopoldo...'