GALADIA-Doryang Silangan
PINIPILIT IDILAT ni Leopoldo ang kanyang mga mata ngunit nanlalabo ang paligid, sapagkat hindi malaman kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Hindi rin matandaan ang ilang detalye sa mga nangyari ukol sa ikatlong pagsubok, subalit nang maalala ang natanguang pangako sa Burgandia ay dali-daling bumalikwas ang lalaki nang upo mula sa mga damuhan. Doon ay nakaramdam ng pagmamadali at tensiyon si Leopoldo at kaagad tumalima sa puno.
"Kailangan kong makuha ang singsing na diyamante, ngunit saan ko matatagpuan sa daming ugat na nakapalibot?"
Kinapa-kapa ang ilang mga ugat at nagbabasakaling doon nasiksik ang diyamanteng alahas, ngunit biglang dumilat si Questas.
"Iyo bang naipakita kay Haring Buendia yaring singsing ni Questro sapagkat kung hindi pa, hintayin ang ngitngit o galit na naghihintay sa kambal nang aking puno, walang sinasanto miski ikaw ay magtago"makahulugang saad ni Questas na ipinagtataka ng binata dahil wala siyang matandaang nakuha ang singsing na tinutukoy ng malabay na puno.
"Hindi ko matandaan ang iyong mga sinasabi Punong Questas. Ano't biglang nawala ang sinasabi mong singsing?" mababagdan nang pagtataka ang buong reaksiyon ni Leopoldo.
"Sinong hangal ang gumaya sa iyong wangis? O sadyang hindi mo lamang matandaan prinsipe ng Harandia? Inggit ang labis na kumikitil sa pangarap mo ukol sa pamumuno.."
Inggit? Nino?
Nasaan si Prinsipe Leon? Nakapagatatakang hanggan ngayon ay wala pa ring sumusulpot na anino ng binata.
Maya-maya'y nagulantang ang binata at bahagyang umatras sa mga puno sapagkat naguguluhan sa mga nangyayari, ngunit sa kanyang pag-atras ay nadikit ang likod ni Leopoldo sa proteksiyong bahaghari dahilan upang tumilapon ang binata patungo sa paanan ni Questas, subalit ang ipinatataka ng binata'y mayroong hugis mukha sa likuran nang malabay na puno.
"Ano 'to?"
Unti-unting dumilat ang mukhang iyon at biglang kumunot ang noo kung kaya natakot ang binata.
"Sinong hangal ang kumuha nang aking puso!" dumagundong ang malagong boses ng puno sa buong kakahuyan. Napaatras ang binata dahil sa sobrang takot at halos hindi makalingon sa likuran ni Questas.
"Prinsipe Leopoldo!" tawag ng pamilyar na boses.
"Narito ako!" ngunit tila hindi nakikita nang mga tao mula sa harang na protreksiyong bahaghari.
NAGLALAKBAY ANG BUONG PAMILYA ni Leopoldo sa kakahuyan kasama ang mga tauhan at panay ang kanilang tumbok upang makarating sa pusod ng Galadia.
"Prinsipe Leopoldo!" may hawak na balitaptap ang ilang mga tauhan upang maliwanagan ang daan nang hari at reyna. Halos mag-iikalimang kinang na nang Hantala ngunit hindi parin nakikita ni isa sa kanyang mga kagamitan o mismong katawan ng panganay na prinsipe.
"Mahal, hindi ko ibig maging negatibo ngunit mayroon pa ba tayong pag-asang matagpuan ang ating minamahal na anak?" ani Reyna Penelope.
Hinawakan lamang ng hari ang kanyang likod nang palad upang lumubag ang loob nito.
"Ina, ama!" tawag ni Arnulfo saka tumungo sa kanyang mga magulang.
"Anong iyong nakita, hijo?" nag-aalalang saad ni Haring Cantor kung saan labis ang pagkabahala sa kanyang mukha.
Inilahad ng ikalawang prinsipe ang pamilyar na kagamitan ni Prinsipe Leopoldo hanggang sa mayroong sumigaw mula sa pinakadulo, kaya nagmamadaling lumapit ang mga magulang at kapatid ng binata.
"Nahanap na ang puno ni Questas, mahal na hari at reyna!" sigaw nang pinakapinuno ng Doryang Kanluran.
Namasdan ang malaboy na puno ni Questas na sa tanan nang kanilang buhay ay ngayon lamang nila nakita ang propesiyang puno. Kailanman ay hindi tumungo ang sinumang Emeritian sa pusod ng Galadia kaya manghang-mangha ang lahat lalo't nagliliwanag ang bawat dahon sa kanyang sanga.
Isang kawal ang sinubukang lapitan ang puno sapagkat nahahalina ang kanyang paningin. Matapos hawakan ay tumalsik ang kawal na halos bumaon sa damuhan rason upang katakutan nang ilang tauhan ang puno ni Questas.
"Isang mapanganib na puno si Questas..." usal ni Haring Cantor.
Kaagad inalalayan ang kawal nang ilang mga tauhan saka inilagak sa dala-dalang dragonika.
"Anong maaari nating gawin, ina at ama?" si Arnulfo na hindi malaman kung paano makalulusot sa loob ng puno.
Maya-maya'y nakabibinging ingay ang umalingawngaw sa puno rason para halos mabingi at takpan nang mga nasa Doryang Kanluran ang kanilang mga tenga.
"Ahhh! Anong klaseng ingay iyon?" ani Arnulfo.
Inalalayan ang reya at hari patungo kay Alemanya upang makalayo at mailigtas ang mga nasa trono.
"Mahal na reyna, mahal na hari kailangan na po nating lumayo sa pusod ng Galadia sapagkat delikado po rito."anang pinakapinunong kawal ng Doryang Kanluran.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita ang aking anak..." naiiyak si Reyna Penelope at pilit nananatili sa kanyang kinasasandalan subalit si Haring Cantor na mismo ang naghatak sa kanyang pinakamamhal na asawa upang pangalagaan ang kaligtasan nito.
HINDI MAINTINDIHAN NI LEOPOLDO KUNG bakit halos magwala ang nasa bandang likuran ni Questas.
"Questro, humihingi nang kapatawaran sa iyong puso lalo't hindi kayang matarok kung bakit nawala ang memorya yaring prinsipe ng Harandia na aking binilinan" anang puno sa harapan.
"Isang lapastangan ang sinumang kumuha nang aking puso ngunit walang kakayahan na ibalik! Bibigyan ko nang palugit hanggang sa ikaanim na kinang ng Hantala! Kung hindi maibabalik ay wasakin ang tanging sagot sa hilaga, kanluran at timog nang Galadia! Magugulo ang buhay ng mga diwata!" umalingawngaw sa buong kakahuyan ang kanyang malagim na boses.
"Ahhh! Tama na!" sigaw ng binata habang nakatakip ang kanyang dalawang tenga.
Nakarinig na naman si Leopoldo ng pamilyar na boses sa labas nang proteksiyong bahaghari hanggang sa bumukas sa kanyang balintataw ang mukha ni Maria Crex kung saan lumiwanag ang mukha nito.
"Narito ako! Tulong! Prinsesa Maria Crex narito ako sa loob!"
"Prinsipe Leopoldo! Patungo na diyan si Pinkie upang malaman kung nariyan ka! Naririnig mo ba kami?"
"Oo naririnig ko kayo! Tulungan mo 'ko!"
"Prinsipe Leopoldo! Kung nariyan ka sa loob sumagot ka!"
Animo hindi naririnig nang mga nasa labas ng proteksiyong bahaghari kung kaya dumadalangin na lamang si Leopoldo kay Emeritus sa tulong na maaaring makuha sa mga Emeretian na nasa labas mismo.
Naghintay lamang nang bahagya si Leopoldo tila nawawalan na nang pag-asa hanggang sa mayroong kumalabit sa kanyang balikat. Ang munting diwatang kaibigan ni Maria Crex ang naroroon kung kaya lumiwanag ang mukha ng binata.
"Pinkie!"
"Prinsipe Leopoldo, kunin mo ito at ilagak sa kulay lilang lupain." anito saka inilagak ang munting pansapin.
Hinanap ang lupain hanggang sa inilagay ang pansapin doon ay nagkaroon ako nang biswal na pagkawala nang proteksiyong bahaghari.
Nakalusot ang binata sa mismong lilang lupain saka namasdan ang kakaibang temperatura sa loob at labas hanggang sa matanaw ni Leopoldo ang nag-aalalang mukha ni Maria Crex habang nakasakay sa unicorn.
Mabilis na bumaba ang dalaga at sinalubong siya nang mahigpit na yakap na halos hindi makahinga ang isa't-isa.
"Prinsesa Maria Crex, Maraming salamat sa lahat nang iyong tulong!" bulalas ng binata.
"Buong akala ko'y may nangyari na sa iyong masama. Hindi na nakabalik sa palasyo. Anong nangyari?"
Natigilan ang binata sapagkat wala siyang maalala sa mga nangyari bukod sa mga eksena sa palasyo, hanggang sa pinipilit niyang makapasok sa loob ng proteksiyong bahaghari.
"Hindi ko alam ang nangyari matapos kong pinilit makalapit kay Questas..."
"Nakita mo ba si Prinsipe Leon?"
"H-Ha?"
Doon natigilan ang binata at tila iniisip ang mga nangyari noong makatuntong sa pusod ng Galadia.