“Go Marthans, hiya!” sigaw ng mga ka-grupo ni MaCa habang nag-eensayo sila kasama si Pamela na iniitsa sa ere. Mayroon silang hiwalay na ensayo dahil may niluluto ang dalaga na isang kakaibang stunts. Nais ni MaCa na magkaroon ng kakaibang kulay ang kanilang ipi-presenta dahil halos lahat yata ng steps ay masuring pinapanood ng katunggali. Doon din kasi sa kabilang bahagi ng gymnasium naisipang mag-ensayo nina Precious, marahil ay upang makakuha ng mga impormasyon o Makita nila ang galaw ng buong Marthans. “Hold my hand tightly.” Mariing utos ni MaCa sa bagong miyembro sapagkat magpapalit sila ng puwesto sa mismong ere habang nakatuntong sa balikat ng dalawa pang lalaking miyembro ng Marthans. Mabilis ang naging kilos ni Pamela at mahigpit na iniabot ang palad ni MaCa saka nakangiting lum

