Nagpatuloy si MaCa sa pag-eensayo kasama sina Shelly kahit isa ang cheerleading sa mga ipinagbawal ng kaniyang ama. Hindi maaaring basta na lamang iwan ng dalaga ang kaniyang responsibilidad sa mga kasamahang nagtiwala at umayon sa grupo. Hindi naging madali sa babae ang bumuo ng kanilang pasabog sa gabi ng kompetisyon ngunit determinado si MaCa na masungkit ang tropeyo hindi lamang sa pansariling interes kundi maging sa kagustuhan niyang mapigilan o wakasan ang pambubully ng mga ilang estudyante sa Lillian University. Parang nagkaroon ang dalaga ng prinsipyong ang pagiging mahina ang siyang tanging kalakasan mo sa lahat ng mga laban o suliranin sa buhay. Buong akala ni MaCa, magagalit ng tuluyan si Shelly ngunit nagkamali ang babae sapagkat malawak ang pang-unawa ang kaibigan kaya’t mar

