Buhat-buhat ni Clyde si Manong Pilo at naghahanap sila nang mapaglalagakan sa matanda. Ang balak ng dalaga’y hindi na muna makabalik ang driver sa lagusan patungo sa mundo ng tao hangga’t hindi pa nangyayari ang nakatakdang penomena, sapagkat maaaring magkaroon ng aberya kung sakaling harangan nito ang mga hakbang na gagawin ukol sa Elixir. “Do you think he might not be able to go back in the portal?” anas ni Clyde. Binusalan at itinali ang paa’t kamay ng lalaki para hindi makalikha ng ingay o kung ano mang komusyon sakaling magising ang ginoo. “He shouldn’t. Tingin ko naman ay hindi niya kaagad mahahanap ang lagusan. Masyadong malayo ang lugar na pinaglagakan natin sa kaniya.” Naroroon sila malapit sa isang tuyot na ilog na siyang naghahati sa Burgandia patungo sa daan na tumutumb

